KABANATA 3

7.9K 212 4
                                    

KABANATA 3

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, kanina pa ko palakad lakad sa kalsada. Wala akong kakilala dito sa Maynila at ito ang unang pagkakataon na nakalabas ako ng Cavite. Ang sabi ni Jaime ay malapit lang naman ito sa Cavite pero dahil wala din naman akong gagawin dito ay hindi naman ako nagbalak na pumunta dito. Mas malaki, mas madaming tao at mas masikip ang daan kumpara sa lugar namin. 

Tiningnan ko ang laman ng wallet ko, may pera pa ko pambili ng pagkain pero hanggang kelan ang pera na to. Naramdaman ko ang pagkalam ng tiyan ko, kanina pa pala ako hindi kumakain. Lumapit ako sa karinderya at tumingin ng pagkain. Kailangan ko ng lakas, para makapaghanap ako ng trabaho. "Ate isa nga pong ampalaya saka isang kanin." 

"Ang dami mong dala ah, bagong salta ka ba dito sa maynila?" saad ni manang. Agad akong tumango at inabot ang inorder kong pagkain. "Naku mag-iingat ka sa mga tao dito, maraming mapagsamantala dito, maganda ka pa naman." 

"Salamat po." Mukhang totoo nga ang sinabi ni Jaime na delikado ang buhay sa maynila, hindi ka pwedeng magtiwala agad sa mga tao sa paligid mo dahil ang iba sa kanila ay may masamang binabalak. Matapos kong kumain ay nagbakasakali akong maghanap ng trabaho ngunit karamihan sa napagtanungan kong karinderya ay hindi natanggap ng bagong tao dahil madami na silang bantay sa tindahan. Ala-sais na pero nasa kalsada pa din ako, saan ako matutulog nito. 

Naghihintay akong makatawid sa kabilang kalsada ng biglang may humablot sa bag ko. "Hoy magnanakaw!" sigaw ko. Hindi pwedeng mawala ang bag ko dahil nandun ang pera ko at mga gamit ko. Mabilis siyang tumakbo sa kalsada kaya't hinabol ko siya ngunit biglang nagberde ang kulay ng stop light at nagbusinahan ang mga sasakyan. Naramdaman ko na lang ang katawan ko sa malamig na kalsada ng maynila.








"Miss, miss, nurse the girl is awake." dahan dahan kong minulat ang mata ko, bumungad sakin ang puting kisame. Nasan ako, gagalaw sana ako ngunit nakaramdam ako ng kirot sa binti ko. "Miss are you okay?" Nilingon ko ang taong kumakausap sakin, isang magandang binibini ang nakatayo sa gilid ko at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. 

"N-nasan po ako?" 

"You're at the hospital, what are you feeling now?" Ano bang pinagsasabi niya, isa lang ang naintindihan ko, hospital.

"Ahhmm pasensya na po pero hindi po ako nakakaintindi ng english." paliwanag ko. 

"Oops sorry, ahmm I mean pasensya na. Okay ka na ba, anong nararamdaman mo?" Marunong naman pala siyang magtagalog, inienglish niya pa ko kanina. 

Tiningnan ko ang binti ko at may nakabalot na matigas na bagay dito. "Makirot po ang binti ko. Ano pong nangyari sakin ma'am?"

"Nabangga kita kanina dahil bigla kang tumawid sa kalsada." saka ko lang naalala ang nagnakaw ng gamit ko. Hindi ko siya nahabol, nandito pa ko sa ospital, anong ipambabayad ko dito.

"Pasensya na po may nagnakaw po kasi ng bag ko kanina kaya hinabol ko po dahil nandun po ang pera ko. Ma'am magkano po kaya ang babayaran dito sa ospital?" Dumating na ang mga nurse at tiningnan ang binti ko.

"Mamaya tayo mag-usap okay, hayaan mo munang icheck ka ng mga nurse." saad ng magandang babae saka siya lumabas ng kwarto. 

Ngayon pa lang nag-iisip na ko kung paano ko babayaran ang gastusin dito sa ospital. Okay lang ako magjanitress dito, mabayaran ko lang ang gastos sa pinanggamot sakin dahil wala naman akong perang maibibigay sakanila. 

Maya maya pa'y lumabas ang nurse at pumasok ang magandang babaeng kausap ko kanina. "Anong pangalan mo?" aniya.

"Ako po si Amelia Ocampo, taga Cavite po ako." paliwanag ko sakaniya. "Naghahanap po ako ng trabaho dito sa maynila."

"Ako nga pala si Ivy Fontana. Kung naghahanap ka ng trabaho gusto mo bang magtrabaho sakin bilang personal assistant ko?" aniya. Nagulat ako sa alok niya. "At huwag kang mag-alala sa bayarin dito sa ospital dahil okay na yun. Ako ang nakasagasa sayo so ako ang gagastos sa pagpapagamot mo. Ano gusto mo bang magtrabaho sakin?" Kahit hindi ko alam kung ano ba yung trabaho na sinasabi niya ay mabilis akong tumango dahil kahit ano pa yun, huwag lang pagbebenta ng katawan ay gagawin ko, kumita lang ng pera pangkain ko sa araw araw.


"Oh sige sa ngayon magpahinga ka na muna, iiwan ko dito si Ami para may kasama ka ngayong gabi. Bukas ay makakalabas ka na dito sa ospital kaya magpahinga ka na muna ngayon." aniya.

"Maraming salamat po ma'am." ngumiti siya sakin bago kinausap ang babaeng tinawag niyang Ami. 





"Oh bakit hindi ka pa natutulog?" tanong sakin ni Ami. "Masakit ba ang binti mo?" Nilingon ko siya, nakaupo siya sa upuan sa gilid ng kama ko. 

"Sobrang lamig dito, hindi ako sanay." saad ko. 

"Ah kasi may aircon saglit at itatanong ko sa nurse kung paano hinaan ang aircon." Pipigilan ko sana siyang lumabas pa dahil magiging abala pa sakaniya pero nakalabas na siya agad. Mabilis din siyang nakabalik at may pinindot siya sa dingding at naramdaman ko ang paghina ng lamig. 

"Maraming salamat." saad ko.

"Walang anuman." umupo siya ulit sa upuan sa gilid ng kama ko. "Alam mo maswerte ka dahil si ma'am Ivy ang nakabangga sayo, dahil kung ibang tao yun baka iniwan ka lang sa kalsada, hayaan ka dun." aniya. 

"Napakabait niya, bukod sa pagbabayad niya dito sa ospital ay inalok niya pa ko ng trabaho." saad ko sakaniya. 

"Naku mabait talaga yun, matagal na ko nagtatrabaho kay madam. Hindi siya katulad ng ibang amo na nangmamaltrato ng katulong, siya tinuturing niya ang mga tauhan niya na parang pamilya." paliwanag ni Ami. "Nga pala ako si Ami Salem, katulong ako ni ma'am Ivy. Ikaw, anong pangalan mo?" 

"Amelia Ocampo." pakilala ko sakaniya.

"Alam mo ang ganda mo, papasa kang modelo o kaya artista." aniya. Nginitian ko siya, hindi ako sanay na may nagsasabi sakin na maganda ako pero natutuwa ako kapag may nakakapansin sa hitsura ko.

"Ay siya matulog na tayo, lalaki yung eyebag natin kapag nagpuyat tayo. Goodnight na Amelia." aniya saka humiga sa upuan sa gilid ng kama ko. Hindi naman pala lahat ng tao sa maynila ay masasama, may iilan pa din na handang tumulong sa kapwa nila tulad nila ma'am Ivy at Ami.

As long as You Love MeWhere stories live. Discover now