Kabanata 33

4.9K 143 4
                                    

Kabanata 33

"Oh sige lang orderin niyo lang ang kahit anong gusto niyo, ako ang magbabayad." ani nanay. Nandito kami ngayon sa Max's kasama ang mga dati naming kapitbahay. 

"Ayan ang gusto ko sayo Analiza eh galante ka kapag may pera." saad ng isa naming kapitbahay. 

"Aba syempre no, malakas na kumita tong anak ko, mayaman na kami." pagmamayabang ni nanay. 

"Sabi na eh yayaman kayo dahil jan kay Amelia dahil bukod sa maganda na talentado pa." saad ng isang matanda. "Napakaswerte mo sa anak mo Analiza."

"Sinabi mo pa, kaya mahal na mahal ko tong anak ko na to eh." sabay yakap sakin ni nanay. Nagsidatingan ang iba't ibang pagkain na inorder ng mga dati naming kapitbahay. Napuno ng usapan ang mahabang mesa. Nginingitian ko ang ibang bumabati sakin at sinasagot ang mga tanong nila pero hindi ako masyadong nakikipagkwentuhan.

"Ikakasal na ba yang anak mo dun sa lalaking mala-anghel ang mukha?" usisa ng isa. "Napanuod ko sa tv yung pag-amin nun na gusto niyang ligawan si Amelia eh."

"Ayy oo nga mare, balita ko sobrang yaman nung lalaki na yun." ani ng isa pang matanda.

"Oo at baliw na baliw siya sa anak ko. Biruin mo nahumaling siya sa ganda ng isang Ocampo, iba kasi talaga ang alindog namin eh." ani nanay.

"Oo nung kabataan mo di ba ay mabenta ka sa bar, ang dami mong parokyano noon pero nung tumanda ka ay tumumal na dahil ayaw na ng mga malilibog na lalaki sa gurang." natatawang saad ng isa.

"Eh kung isubsob ko kaya yang mukha mo jan sa kinakain mo, tarantado ka ah." halata sa boses ni nanay ang pagkairita. "Saka excuse me lang ha, hindi pa ko masyadong gurang, hintayin mo lang magpapabelo ako, yung doktor ng mga mayayaman." pagyayabang ni nanay. 

"Nay tama na po." Napapalingon na kasi samin ang ibang kumakain sa Max's. Mahirap tong nakukuha namin ang atensyon nila dahil sa lakas ng usapan nila nanay dahil baka magkaroon ng isyu sa akin at magkaproblema pa si sir Michael.



Matapos naming kumain ay sinundo na kami ni Kuya Ray. Chineck ko ang cellphone ko at wala pa ring mensahe si Cloud sakin. Nasan kaya siya, buong araw na siyang hindi nagpaparamdam sakin. Sa byahe namin pauwi sa hotel ay maya't maya ko chinecheck ang phone ko kung nagmessage na ba siya o ano pero wala pa din. 

Hanggang sa nakauwi kami sa hotel ay wala pa ring message galing sakaniya. Dinial ko na ang numero niya, tumutunog naman ngunit walang sumasagot. Baka naman busy lang Amelia sa opisina, o kaya may flight siya, pero bakit tumutunog ang phone niya, ibig sabihin nasa Pinas lang siya.

Umiling iling ako para mawala ang mga kung ano anong bagay na pumapasok sa isip ko. Sumalampak ako sa kama, itutulog ko na lang to.







Nagising ako sa katok sa pinto. "Hoy Amelia bumangon ka na jan, may shoot ka sa isang magazine." sigaw ni nanay.

"Opo babangon na po." Inabot ko ang cellphone ko sa gilid ng kama at chineck kung may message na ba si Cloud ngunit walang kahit anong message o tawag. Amelia huwag ka mag-isip ng masama, busy lang yun, hindi porket boyfriend mo siya maya't maya na siya magmemessage o tatawag sayo. Tumayo na ko at nag-asikaso na.

Sumama si nanay sa shoot ko, at halos kakilala niya na ang lahat ng staff dahil kanina pa siya nakikipagkwentuhan sa mga to. "Break muna." sigaw ng photographer. "Pakiretouch ng make-up ni Amelia and change outfit na tayo." aniya.

Habang inaayusan ako ay muli kong chineck ang phone ko at wala pa ding message si Cloud. Ganun ba siya kabusy para hindi man lang ako maitext saglit. Maya maya pa'y tumunog ang phone ko at halos malaglag ko na dahil sa pagmamadali. Ang buong akala ko ay si Cloud na ang tumatawag sakin, si Jaime pala.

As long as You Love MeWhere stories live. Discover now