Kabanata 11

6.6K 210 8
                                    

Kabanata 11

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni sir Cloud kanina. "At lalo kong nagustuhan dahil kinanta ni Amelia."  Umiling iling ako upang mawala sa isip ko ang sinabi niya. Alas-onse na pero hindi pa din ako makatulog dahil paulit ulit na tumatakbo sa isip ko ang sinabi niyang yun. 

Nagpasya akong pumunta sa tabing dagat, maglalakad lakad na lang muna ako. Agad kong niyakap ang sarili ko ng umihip ang hangin. Dapat pala nagsuot ako ng jacket, sobrang lamig pala dito kapag gabi na. 

"Hindi ka din ba makatulog?" Napaigtad ako ng biglang may nagsalita sa gilid ko. Ipinatong niya sa balikat ko ang jacket. "Baka sipunin ka." 

"Salamat sir, sige po babalik na po ko sa loob, lalabhan ko na lang po tong jacket niyo at ibabalik ko bukas." saka ako naglakad palayo sakaniya ngunit hinigit niya ang braso ko. 

"Sino si Jaime?" aniya matapos niya kong pigilang makaalis. Kanina ko pa nabanggit si Jaime sakanila at naalala niya pa yun. "Boyfriend mo ba siya?" 

Binawi ko ang braso ko sakaniya. "Wala po akong boyfriend, wala po sa isip ko ang magboyfriend sir Cloud. Kababata ko lang po si Jaime, pinakamatalik kong kaibigan." 

"Nasan na siya ngayon, nagkikita pa ba kayo? Lumalabas ba kayo na kayong dalawa lang? Tinetext o tinatawagan ka ba niya palagi?" sunod sunod niyang tanong.

Bigla akong nalungkot sa mga tanong niya. Matagal tagal na rin pala simula ng umalis ako sa amin, ni hindi man lang ako nakapagpaalam kay Jaime. "Amelia." Bumalik ako sa huwisyo ng tawagin ni sir Cloud ang pangalan ko. 


"Hindi pa po kami ulit nagkikita sir Cloud." Huminga siya ng malalim at iniwas ang tingin sakin. 

"Gusto mo bang magkita ulit kayo?" 

"Opo, si Jaime lang po ang kaisa-isa kong kaibigan noon na handang tumulong sakin anumang oras." Muli ay huminga siya ng malalim. 

"Basta magkaibigan lang kayo wala naman siguro akong dapat ikatakot." Hinawakan niya ang braso ko. "Ihahatid na kita pabalik sa kwarto niyo." 






"Ameliaaaaaa" Napabalikwas ako ng bangon nang sumigaw si Ami sa tabi ko. Agad akong binalot ng kaba dahil sa lakas ng sigaw niya. 

"Bakit, bakit anong nangyari?" Natataranta kong tanong sakaniya. 

"Mag-ayos ka na diyan at kakausapin ka ni sir Michael." aniya. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko kilala kung sino ang tinutukoy niya.

"Ano ka ba yung may dala ng gitara kagabi, yung may facial hair tapos clean cut tapos ang kapal ng kilay ehe." ani Ami. 

"Bakit daw?" Hindi naman kami masyadong nag-usap kagabi kaya nagtataka ako kung bakit gusto niya kong kausapin ngayon. 

"Basta bilisan mo kumilos, nasa sala si sir Michael." Bumaba siya sa kama at mabilis na lumabas ng kwarto. Saglit lang ako nagayos at mabilis akong lumabas sa kwarto dahil nakakahiya kay sir Michael. Kahit hindi ko alam kung bakit gusto niya kong makausap, hindi pa din maganda na paghintayin ko siya ng matagal.

"Goodmorning sir Michael." Tumayo siya at inalok ang kamay sakin. 

"Goodmorning sorry to bother you but this will be quick." aniya. Lumapit sakin si Ami at bumulong. "Pasensya daw kasi naabala ka mabilis lang daw yan." Napansin ni sir Michael ang ginawa ni Ami at nagtataka niya kaming tiningnan. Bago pa makapagsalit si Ami ay inunahan ko na siya.

"Sorry sir hindi po ako nakakaintindi ng english." saad ko. 

"Ow sorry, well ahmm." Napakamot siya sa batok niya. Halatang nahihirapan siyang magsalita ng purong tagalog.

"Sir Michael okay lang po, naiintindihan ko naman po, ako pong bahala magpaliwanag kay Amelia." ani Ami. Ngumiti si sir Michael at sinenyasan kaming umupo. 

"Well kaya ko naman magsalita ng tagalog but not that much, kunti lang." Natawa kami sa slang niyang boses. "So before anything else I am Michael Soriano. I am a songwriter." Nilingon ko si Ami.

"Gumagawa siya ng kanta Amelia." Nagulat ako sa sinabi ni Ami. 

"Yes yes Amelia. Narinig ko kagabi yung boses mo and I want you to sing one of my work." ani sir Michael.

"Gusto niyang kantahin mo yung gawa niya." Natulala ako.

"So do you want to sing my song?" ani sir Michael.

"Ano Amelia gusto mo bang kantahin yung ginawa niyang kanta?" saad ni Ami.

"Sir Michael bakit po ako, hindi naman po ganun kaganda ang boses ko." Mataman akong tiningnan ni sir Michael.

"Magaling kang kumanta, may maganda kang boses Amelia, you should show it to the world." saad ni sir Michael.

"Tanggapin mo na Amelia." ani Ami. 

"Ami hindi ko kaya baka kantyawan lang ako ng mga tao." Marahan niyang tinampal ang tuhod ko. 

"Gaga ka, magtiwala ka sa sarili mo, hindi ka naman aalukin ni sir Michael kung hindi ka magaling eh." 

"So?" saad ni sir Michael.

"S-susubukan ko po sir Michael." Agad sumilay ang matamis na ngiti sakaniyang labi. 

"Great see you back in Manila." Tumayo si sir Michael at ganun din ang ginawa namin. Lumapit siya sakin at tinapik ang balikat ko. "Magtiwala ka lang sa sarili mo, you can be one of the greatest singer in the country, okay?" 


Nagulat ako ng biglang may marahas na nag-alis ng kamay ni sir Michael sa balikat ko. "Cloud." Maging si sir Michael ay nagulat sa inasal ni sir Cloud.

"Why are you here? why are you touching her? why are you so close to her?" sunod sunod na saad ni sir Cloud. 

Pinabalik balik ni sir Michael ang tingin niya sakin at kay sir Cloud. "Oww okay are you in a relationship?" tanong ni sir Michael. 

Tiningnan ako ni sir Michael. "Michael stop staring at her." Natatawa na si sir Michael.

"Alight I get it haha." Tinaas niya ang dalawang kamay niya na parang sumusuko sa pulis. "By the way Amelia, I'll see you in Manila." ani sir Michael bago siya tuluyang lumabas ng kwarto namin. 

Agad naman akong binalingan ni sir Cloud. "Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito? Anong sinabi niya sayo? Bakit ka niya hinahawakan?" sunod sunod na tanong sakin ni sir Cloud. 

"May sinabi lang siya sa-"

"Ano, pinopormahan ka ba ni Michael, sinabi niya bang gusto ka niya?" Pigil na tumawa si Ami. 

"Eh ikaw sir Cloud bakit ka nandito, may gusto ka po ba kay Amelia?" ani Ami. Agad ko siyang nilingon at pinanlakihan ng mata. Natigil si sir Cloud at mabilis siyang tumalikod at naglakad patungo sa pinto. 

"Ayusin niyo na ang gamit niyo, babalik na tayo ng Manila." Nilingon niya ko at matamang tiningnan. "Maghihintay ako sa lobby." aniya saka tuluyang lumabas ng kwarto.

As long as You Love MeWhere stories live. Discover now