Kabanata 19

5.5K 202 11
                                    

Kabanata 19


Tatawagan niya daw ako mamaya, paano niya pala ako tatawagan wala naman akong cellphone. O baka sa telepono nila ma'am Ivy.



"Amelia may nagdeliver nito, para sayo daw." saad ni Manang Dang pagkapasok ko ng bahay. Inabot niya sakin ang maliit na box na may ribbon at maliit na card.



"Kanino daw po galing?" tanong ko.



"Hindi sinabi eh, tingnan mo na lang kung may nakalagay diyan sa card." saad ni Manang Dang.

"Salamat Manang." Sino kaya ang magbibigay sa akin ng regalo.

Amelia, hindi ko kayang matapos ang araw na hindi naririnig ang tinig mo kaya gamitin mo ito para kapag namimiss kita ay agad akong tatawag upang gumanda ang araw ko.

-Cloud.



Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa nabasa ko. Pero hindi tama ito, hindi tamang basta basta na lang ako tumatanggap ng regalo galing kay sir Cloud lalo na kung ganito kamahal. Ayokong masanay siya na nagbibigay ng mga mamahaling bagay sakin.


"Oh my God brand new Iphone!" bulalas ni Ami. Kakarating lang nila ni ma'am Ivy galing sa shoot.


"Oh Cloud thing." Nangingiting saad ni ma'am Ivy. "That asshole knew how to impress a girl."

Magsasalita na sana ako ng biglang tumunog ang phone. Sabay sabay namin sinilip nila ma'am Ivy kung sino ang natawag.


"My handsome Pilot?!" saka humagalpak ng tawa si ma'am Ivy. "Seriously Cloud, I never thought he'll put that in your phonebook." ani ma'am Ivy. "Anyway huwag mo muna sagutin Amelia, hayaan mong makatatlong tawag siya saka mo sagutin, pahirapan mo." natatawang saad ni ma'am Ivy bago siya umakyat patungong kwarto niya.


"Oh narinig mo yun magpakipot ka muna ng very light Amelia, sukatin natin patience ni sir Cloud haha." ani Ami.


"Hindi ba siya magalit sakin, wala naman akong ginagawa tapos hindi ako sumasagot." saad ko.


"Tss eh di sabihin mo hindi mo napansin na natawag siya kasi nanunuod ka o nagluluto ka o nasa garden ka ganun!" ani Ami.


"Magsisinungaling ako?"


"Amelia white lies, as if naman may mapapahamak kapag nagsinungaling ka na hindi mo napansin tawag niya. Saka tama si ma'am Ivy pahirapan mo si sir Cloud para malaman mo kung seryoso ba talaga siya sayo." ani Ami.


"Ganun ba talaga kapag nililigawan, kailangan pahirapan yung lalaki? Eh paano kung sa kakapahirap ng babae eh sumuko yung lalaki. Hindi ba pwedeng aminin na lang ng girl na gusto niya din yung lalaki bakit kailangan pahirapan pa?"


Matalim akong tiningnan ni Ami. "Bakit inlove ka na ba kay sir Cloud Amelia? Gusto mo na bang aminin yung nararamdaman mo sakaniya?"


"H-huy wala akong sinabi Ami ah, naisip ko lang yun. May si-sinabi ba ko na gusto ko si sir Cloud wala naman ah." Biglang kumindat sakin si Ami at pinakita sakin ang phone.


"Goodluck" aniya saka inabot sakin ang phone at tumakbo papasok ng kwarto naming dalawa.


Agad akong kinabahan dahil nasa kabilang linya na si sir Cloud. Hindi ko alam kung kelan pa sinagot ni Ami ang tawag at kung anu-ano ang mga narinig ni sir Cloud.


"He-hello po" Nauutal kong saad.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. "Ang sakit palang marinig na hindi mo ko gusto." aniya sa mahinang boses.


"Sir Cloud ahmm" Napakamot ako sa ulo. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sakaniya.


"Pero that's fine nag-uumpisa pa lang naman ako manligaw. Hayaan mo at mas lalo ko pang papatunayan sayo kung gaano ako kaseryoso sayo." saad niya saka muling bumuntong hininga.


"Sir Cloud."


"Pwede bang banggitin mo yung pangalan ko na walang sir?" aniya.


"Si- Cl-". Abot abot ang kaba ko, babanggitin ko lang naman ang pangalan niya na walang sir. "Cloud."



"Music to my ear. Thank you Amelia. Binilhan na kita ng phone dahil kakailanganin mo yan, sana nagustuhan mo." aniya.



"Sir Cloud dapat po hindi niyo na po ako binilhan ng ganito kamahal na gamit, okay na po ako sa simpleng phone lang. Napakamahal po nito sir Cloud." saad ko. Napapanuod ko ang mga artista na ganito ang gamit at naririnig ko noon si kuya na gusto niya ng ganitong cellphone.



"Amelia nagtatrabaho ako para sa sarili ko at para sa magiging asawa ko. At gusto kong mabigay lahat sa magiging asawa ko, kahit pribadong isla pa bibilhin ko mapasaya ko lang ang asawa ko. Kaya Amelia masanay ka na kasi ikaw ang gusto kong mapangasawa."

As long as You Love MeWhere stories live. Discover now