Kabanata 28

5.4K 142 7
                                    

Kabanata 28


"Ahmmm sir Michael hindi ko po alam kung paano po magpose." Nandito kami ngayon sa isang studio kung saan kukuhanan ako ng litrato para sa isang magazine.

"Sundin mo lang ang sinasabi sayo ng photographer mo Amelia." ani sir Michael.

"Michael." saad ng lalaking kakarating pa lang.

"Andrei." Kinamayan ni sir Michael ang lalaki at ipinakilala ako dito. "Amelia, he's Andrei Liwanag, one of the famous celebrity photographer." aniya.

"Finally nameet din kita." aniya saka ako kinamayan.

"Nice to meet you din po." Siya pala ang photographer, mukha kasi siyang modelo.

"Andrei she's new to this so please help her." ani sir Michael.

"Sure, sure no problem." aniya. "So let's start." Pinatayo niya ko sa gitna kung saan ang background ko ay puti. Madami ding ilaw na nakatutok sakin.



"Amelia smile at the camera please." ani sir Andrei. Sinunod ko ang gusto niya at mukhang natuwa naman siya sa kinalabasan ng larawan ko.

Sa kalagitnaan ng shoot ay dumating si ma'am Roxy. Ngayon ko na lang ulit siya nakita simula nang mangyari ang eksena sa event nung nakaraan.

"Oh she's here." aniya. Alam kong ayaw niya sakin at hanggang ngayon ay ayaw niya pa rin sakin.

"Amelia try another pose please." saad ni sir Andrei.

"Andrei try to speak in tagalog, hindi kasi siya nakapagtapos kaya hindi siya marunong ng english." ani ma'am Roxy.

"Ow sorry Amelia." Napayuko ako, kailangan niya ba laging ipangalandakan na hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. "Ahmmm tumagilid ka pero yung mukha mo nakaharap pa rin sa camera." aniya.

Sinunod ko ang sinabi niya ngunit hindi ata ganun ang gusto niyang mangyari. "Hindi sobrang tagilid Amelia." ani sir Andrei.

"My God basic instruction hindi maintindihan." ani ma'am Roxy.

"Ahmm Amelia gayahin mo ko." Lumapit siya sakin at pinakita ang pose na gusto niyang gawin ko.

"My God kailangan pa talagang ipakita para lang maintindihan." ani ma'am Roxy. Nararamdaman na ng lahat ang tensyon sa loob ng studio dahil kay ma'am Roxy. Nilapitan na rin siya ni sir Michael at kinakausap siya ngunit hindi pa rin siya umaalis.

"Okay Amelia look at the camera and smile, ahmm yeah tumingin ka sa camera and ngumiti ka."

"Okay lang po sir Andrei, may tutor na po ako, nakakaintindi na po ako ng ingles." paliwanag ko.

"Alright let's do this." Natapos ang shoot ko na hindi na muling nagsalita si ma'am Roxy. Sa tingin ko ay may shoot din siya dito dahil nagdatingan na din ang ibang modelo.

"Ikaw si Amelia Ocampo di ba, grabe ang ganda ganda mo." saad ng isang babaeng may mahabang buhok at chinitang mata. "Napakaswerte ng boyfriend mo sayo." aniya.

"Excuse me hindi niya boyfriend si Cloud, Lola." singit ni ma'am Roxy. "Hindi silang dalawa." aniya.

"Hindi pa ba, bakit mo pa sinasagot si Mr. Cloud?" saad ng babae.

"Actually sila na, kagabi lang." saad ni sir Michael. "So Roxy you better stop saying bad things about her."

Sarkastikong tumawa si ma'am Roxy. "Sinagot? Oh my God, ang sabihin mo pinikot mo si Cloud, siguro nagpakama ka tapos nagpaawa ka sakaniya." aniya.

As long as You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon