"but Mareen helped me. she was there when I needed someone. she helped me back in shape. kung sila Mommy halos hindi na alam ang gagawin sakin, nung sila Air ay halos sukuan na ko, si Mareen lang ang nagtyaga sakin. she's like an angel sent to help me"

naiinggit ako sa mga sinasabi niya. nagalit ako kay Mareen dahil sa pambablackmail niya sakin. but hearing to Nav how much she adored her naiinggit ako.

"and because I am afraid she'll leave me like you did, I agreed to be her boyfriend when she confesses her feeling for me. kahit na hindi ko naman siya mahal ay tinanggap ko siya."

napakagat labi ako. gusto kong manumbat ng sabihin niya yun. Bakit sa iba ang bilis lang niyang pumayag makipagrelasyon samantalang ako. niligawan ko pa siya ng mahigit isang taon ni hindi man lang naging kami. what a sad reality.

"akala ko sapat na ang pagmamahal ko kay Mareen na kapag nakita kita ay kaya ko na. na kaya kong patunayan na wala na ang nararamdaman ko sayo, na isa ka na lang magandang ala-ala ng kahapon and that I can start my life with Mareen. but as they say, you never know what the future will bring. so when I saw you, spend time with you, touch you and kissed you, all the thing I buried for 3 years vanishes away. I realized I still love you. more than I did the first time"

ang mga palad ko ay nasa mukha ko na. pinipilit kong pigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Why is it always been like this?

"pinapili mo ko diba?" tanong niya "yes I didn't choose you but I didn't choose Mareen either. i'm torn between the two of you. You decide for us Armie. Ikaw ang pumiling lumayo. I chose you. after you left me i followed you. pero para kang isang bula na nawala kaagad."

"you followed me?" natanggal ko ang palad ko sa mukha ko sa sinabi niya.

he chose me? he followed me?

"Nav you chose both of us. Kaming dalawa ni Mareen ang gusto mo. Akala mo ba madali lang din ang pinagdaanan ko?" Lumuluhang sabi ko "i love you so much. Pero ayoko na magsisi ka sa huli. You love Mareen too. Cause if not, hindi mo naman siya aayaing magpakasal diba? Isa lang akong epal na nanggulo sa inyo. Kung ako ang pinili mo nung panahong iyon bakit tuloy pa rin ang kasal mo noon. I am willing to fight for you kung kaya mo lang akong panindigan."

"Paano ko paninindigan ang taong iniwan din ako agad-agad. Kakababa ko lang ng condo niyo nawala ka na. Umalis ka na. Yun ba ang sinasabi mong willing to fight. Ilang minuto lang nakapagdesisyon ka ng umalis at iwan ako."

"Hindi ganun yun" napakagat labing paliwanag ko "i almost lost Paige that day. I waited for you to choose me Nav. I waited for you." Yun na lang ang nasabi ko bago ako tumalikod.

"I came back but your cousin told me you left. Anong hinintay mo Mie?" May pang uuyam na sabi niya.

Gusto kong ipaliwanag na sinabi lang iyon ni Diane para tumigil siya. Na sa mga oras na yun nasa ospital ako at nagpapagaling dahil muntik na akong makunan pero may magagawa pa ba ang paliwanag ko? matagal ng tapos ang kabanatang yun ng buhay ko.

"You didn't cancel your wedding. I waited Nav!" yun na lang ang tanging nasabi ko.

"i cancelled the wedding Armie. kita mo naman diba? if i didn't, si Mareen sana ang kasama ko ngayon."

"hindi yun ang ibig kong sabihin" inis na sabi ko.

"Sa tingin mo maiisip ko pa ang kasal ko sa oras na yun? maiisip ko pa bang ikansela yun sa oras na nagluluksa ako sa pang-iiwan mo. Ikaw at ang pag-iwan mo sakin ang nasa isip ko. Hindi ko maharap ang trabaho ko, ang mga kaibigan ko, ang kasal ko dahil sa kakaisip ko sayo. Kung paano napakadali na lang para sayo ang itapon lahat ng pinagsamahan natin"

UNBEARABLE DesireWhere stories live. Discover now