Special Chapter: SuNe

466 14 0
                                    

Suga's Point of view




"Ang cute ng anak natin, Right, Honey?" Masayang sabi ni Lene habang kinukuhanan niya si Zoe ng litrato habang suot-suot yung red long gown nito.

"Dalagang-dalaga na talaga si Zoe. Wag ka munang magpapakasal ha," sabi ko kay Zoe habang pinupunasan ko yung mata ko na tila ba may luhang pumapatak sa pisngi ko kahit wala naman talaga.

"Tumigil ka nga dad. Ang corny mo na ha." Nagblublush na sabi niya. Ang cold ni Zoe pero kahit ang totoo ay kinikilig siya. Manang-mana talaga sa'kin.

Narinig ko na ang pagdoorbell kaya napatingin agad kamj kay Zoe.

"Mukhang andyan na yung boyfriend niyang susundo sakanya." Kinikilig na sabi ni Lene.

"Ma. Tumigil ka nga." Pulang-pula na ang pisngi niya dahil sa hiya. Ang ganda talaga ng dalaga ko.

"Pagbuksan mo na si soon-to-be-son, Honey." Utos sa'kin ni Lene habang kinukuhanan pa rin niya ng litrato si Zoe. Aba. Hinandaan niya ata itong araw na to. Bumili siya ng napakaraming memory card baka sakaling hindi magkakasya yung mga litratong kukunin nito.

Pagkababa ko. Pinagbuksan ko na nga siya. As expected, May dala-dala siyang boquet of roses. Yung paborito ni Zoe.

"Good evening po, Sir." Magalang na sabi niya sa'kin. "Andito po ako para sunduin ang inyong magandang anak."

Napangisi ako sa sinabi niya. "Talaga namang gagayahin mo pa ang pagkapresko ng iyong ama, Jim."

Napangiti naman siya. "Hahaha. Sinusubukan ko po, Tito hahaha." Hindi na namin napigilang hindi matawa.

Nakikita ko talaga sakanya si Jimin. Akala ko nga ay si Jimin ang nasa harap ko ngayon. Kung hindi lang dahil sa height. Matangkad kasi Jim kumpara kay Jimin noon.

Tila napako ang tingin ni Jim nang mapatingin siya sa likod ko.

Pababa na nga si Zoe mula sa hagdan. Kitang-kita ko sa mukha ni Zoe ang pagkahiya samantalang si Jim naman ay napapangiti sa kagandahan ni Zoe.

"For you." Malambing na sabi ni Jim kay Zoe habang inaabot kay Zoe yung boquet of roses.

Namula naman si Zoe. "Thanks," nahihiya pang sagot niya.

"Say cheese!" Pang-aagaw eksena pa ni Lene.

Nahihiya namang tumingin si Zoe sa camera. "Ma!" Angal pa nito.

"Hahaha. Ang cute mo kaya." Tumatawang sabi ni Jim kay Zoe habang may matching akbay pa. Aba. Chansing to ah.

At the end, Nakakuha rin si Lene ng maayos na picture. Naluluha-luha nitong tinitigan.

"Hindi ako makapaniwalang dalaga na ang anak ko." Tinapik naman siya ni Zoe.

"Grabe ha mom. Magpro-prom lang kami. Hindi ako ikakasal." Sarcastic na sabi ni Zoe.

"Kahit na. Ang ganda mo pa rin dyan sa gown na yan." Pagmaktol pa ni Lene.

"Sige po Ma'am, Sir. Pupunta na po kami." Paalam ni Jim.

"Ibalik mong buhay yang anak ko kung ayaw mong sabugin ko kay ng tatay mo dito ng granada." Pagbabanta ko sakanya,

Sinamaan naman ako ni Zoe ng tingin,

"Hahahaha. Aye sir!" Sabay salute pa nito sa'kin.

Hanggang sa makaalis na sila. Tumitili pa rin si Lene habang tumitingin sa camera nito. Parang mas kinikilig pa siya kesa kay Zoe. Ibang klase talaga.

"Proud na proud talaga ako sa anak natin." Binitawan niya nalang bigla yung camera niya t'saka niya ako niyakap ng mahigpit. "Natatakot ako. Baka lumaki nang lumaki si Zoe hanggang sa tuluyan niya na tayong iwan." Nagsimula na siyang humikbi.

Isa nga sa kinakatakot ng mga magulang ay ang pagtanda ng kanilang anak.

Parang kelan lang nang dumating sa buhay namin si Zoe. Ngayon 16 na siya at may boyfriend na. Kay liit nga talaga ang mundo at sa anak pa talaga ni Jimin nahulog ang loob niya. Kung alam ko lang na magiging ganito, Sana pala naging estrikto pa ako kay Jimin. Minsan talaga wala akong tiwala sa liit na yun. Hanggang ngayon kasi, wala pa rin siyang jams. Mabuti nalang at andun naman si Wendy. Nalalagyan niya ng jams si Jimin.

Niyakap ko si Lene. "Wag kang matakot. Alam ni Zoe lahat ng ginagawa niya." Tinuruan ko siya. Kaya alam kong lahat ng desisyon niya ay tama. "Let's leave the rest to her."

Knowing Zoe. I don't need to worry about her.

The Good Girls And The Bad Boys || BangtanVelvet Fanfic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon