Chapter 56 - Family's Secret II

777 37 2
                                    

Chapter 56 - Family's Secret II

Jimin's Point of view


"Jimin," Nagulat ako nang bigla nalang umiyak si Yuna sa harap ko.

"Anong nangyayari, Yuna? Ba't ka umiiyak?" Pati ako ay nagpapanic

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Anong nangyayari, Yuna? Ba't ka umiiyak?" Pati ako ay nagpapanic. Alam ko naman kung ano ang dahilan kaya siya umiiyak pero hindi ko ineexpect na iiyak siya dahil dito.

"Jimin, Sinisimulan na nila Dad. Ayoko."

Napailing nalang din ako. "Kaya pala nag-order sila dito sa shop ng 50 cup cakes. Sigurado akong naghahanap na sila ng kung anong pwedeng ipakain sa mga magiging bisita."

Nakakainis mang isipin. Alam na alam kong mangyayari 'to.

Kami ni Yuna, Simula pagkabata ay magkaibigan na. Nasa mayaman kaming pamilya kaya naman ginagalang kami ng ilan.

May lima kasing pinaka mayamang company dito at isa na dito ang company namin ni Yuna. Ang Park Company, at ang Choi Company.

Kami kasi ni Yuna ang magmamana ng company na 'to balang araw kaya naman nagkasundo ang mga magulang namin na isahin ang company namin. At ang paraan lamang para dito ay ang maikasal ang magmamana. Since single child lang kaming pareho ni Yuna. Wala nang ibang pwedeng ikasal kundi Ako at Si Yuna.

'Yon ang isa sa mga dahilan kaya kami nagrerebelde ni Yuna. Ang ginagawa nalang namin ay ang maghanap ng mga taong pwedeng paglaruan. Pero ngayong may mahal na ako. Mahirap na para sa'kin itong mangyayari. Alam kong masasaktan ko nanaman si Wendy. Ayoko siyang mawala ulit sa buhay ko.

"Jimin, Gawa tayo ng paraan. Ayokong ikasal. May mahal na ako." Umiiyak na sabi niya.

"Himala at nahulog ka na rin pala sa bihag ng isang gwapong lalaki. Sino naman yung malas na lalaking yun." Pabiro kong sabi.

"Jimin naman eh. Napakaseryoso ko na nga tapos binabasag mo pa." Napatawa na rin siya sa sinabi ko.

Napapangiti nalang din ako. Napatingin naman ako saglit sa kusina. Nahuli ko si Wendy na nakatingin sa'min. Sigurado ako nagseselos na yung babe ko sa'kin.

Hinawakan ko yung kamay niya. "Ako na ang bahala. Gagawa ako ng paraan para hindi yun matuloy. Pupunta ako sa kompanya namin mamaya. Kakausapin ko si Dad tungkol dun."

Tumango si Yuna t'saka umalis na sa shop. Pupuntahan niya raw yung boyfriend niya. Ang malas nung boyfriend niya. Nainlove sa baliw. Hahaha. Biro lang.

Pagbalik ko sa kusina. Napatingin naman agad ako sa pwesto ni Wendy. Nakatuon lang ang pansin niya sa hinahanda niyang ingredients para sa 50 cup cakes na order.

Lumapit naman agad ako sakanya t'saka ko siya binigyan ng napakahigpit na yakap patalikod. Ramdam ko ang pagkahinga niya ng malalim. Alam kong nagseselos nanaman si Babe ko.

The Good Girls And The Bad Boys || BangtanVelvet Fanfic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon