Chapter 44

788 38 3
                                    

Chapter 44

Yeri's Point of view



Grabe. Ang tahimik naming dalawa ngayon.

Kami lang kasi ngayon ni Namjoon oppa ang nasa music room. Kailangan kasi naming magcompose ng kanta.

Ikinuwento sa'kin ni V oppa na taon-taon nagkakaroon ng mga opening ceremony. At kailangan talaga ng dalawang participants kada section ang kailangang magcompose ng kanta. Actually, Nasabi rin sa'kin ni V oppa na hindi naman raw ito counted sa grades. For entertainment lang daw ito para sa unang program ng school.

Tinitignan ko lang si Namjoon oppa habang nagsusulat na siya ng lyrics. Habang tumatagal mas nasasanay na ako sa kagwapuhan niya.

"Kim Yerim..." Napatingin ako sakanya nang tawagin niya ako sa buong pangalan ko. Kaso nakatingin pa rin ito sa sinusulat niya.

"A-ano po 'yon oppa?" Kinakabahan kong tanong.

Napatahimik siya unti. "May namamagitan ba sainyo ni Taehyung?"

Para akong binagsakan ng langit at lupa nang tanungin niya 'yon. Napagkamalan pa tuloy kami ni Taehyung na magkarelasyon.

"Wala po oppa. Kaibigan ko lang po siya." Walang nagbago sa itsura niya nang sagutin ko yung tanong niya. Napasimangot tuloy ako. Akala ko pa naman nagseselos siya kaya niya tinatanong yun. "Bakit mo po natanong?"

Hindi niya ako pinansin at nagsulat na siya ng lyrics.

Mga ilang oras pa, Natapos na niya yung buong kanta. Inabot niya sa'kin yung papel. Binasa ko naman ito.

"Wow. Ang galing." Yun nalang ang nasabi ko kahit hindi ko masyadong maintindihan.

"Kailangan nalang natin kunin yung tono. Actually, Nakaisip na rin ako ng ilang beats. Para hindi ka mahirapan, Chorus nalang ang kantahin mo. Maganda naman yung boses mo, Diba?" At lumoob siya sa recording room para kunin yung gagamitin niyang panggawa ng beat.

Kinikilig tuloy ako ng wala sa oras. Maganda raw ang boses ko.

Bumalik si Namjoon oppa dito sa music room nang may dala-dalang beat recorder.

At nagsimula na siyang magpipindot.

Ang galing niya talagang gumawa ng mga beats. Ang gandang pakinggan. Tumitingin lang ako sa mukha niya habang busy siya sa paggawa ng beats. Sana, Palagi nalang kaming magkateam sa lahat ng activities para lagi kitang natititigan ng ganito.

Napapaisip nalang ako sa ikinuwento sa'kin ni V oppa noon.

Ano bang mali kay Namjoon oppa? Perfect na perfect na kaya siya. Pang boyfriend material na nga siya eh.

Bulag ata yung ex niya. Nagsisisi rin kaya yun sa ginawa niya kay Namjoon oppa.

"Oppa, Pwedeng magtanong?" Tanong ko sakanya nang mapansin kong tumigil siya sa pagpipindot.

"Ano ba 'yon?" Tanong niya.

"Naikwento kasi sa'kin kanina ni V oppa na taon-taon daw ginaganap ang opening ceremony. Lagi ka po bang nakukuha sa pagkanta?"

Tumigil siya t'saka soya napatingin sa'kin. "Ba't mo natanong?"

"Kasi magaling ka kasi sa pagcompose ng mga kanta. Kaya bigla kong naisip na isa ka siguro sa laging isinasali dito."

Napaiwas siya ng tingin t'saka tumango. "Oo." Tipid na sagot niya.

"Talaga? Sino yung kasama mong kumakanta?"

The Good Girls And The Bad Boys || BangtanVelvet Fanfic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon