Chapter 76

829 32 0
                                    

Chapter 76

Joy's Point of view

5 years later




"Maayos na ba?" Natatarantang tanong ni Wendy unnie habang suot-suot yung gown niya. Natapos na rin siyang ayusan ng mga make-up artist.

"Ang ganda mo unnie." Nakangiting sabi ni Yeri habang tumatayo. Siya yung sunod na natapos ayusan. "Kaya mahal na mahal ka ni Jimin oppa eh."

Napatakip naman ng mukha si Wendy unnie. "Kagabi pa niya ako hindi tinatawagan." Sabi niya na mukhang iiyak na.

"Wag ka ngang OA. Magkikita din naman kayo ni Jimin sa loob ng simbahan eh. And relax. Mahal ka nun. Gusto ka lang nun isurprise." Singit naman ni Seulgi unnie sa usapan habang inaayusan pa siya ng make-up artist. Nakita kong medyo kumalma si Wendy unnie sa sinabing iyon ni Seulgi unnie.

Pa'no, Nag-away silang dalawa kagabi. Nalilito nga ako sa dalawang 'yan. Madalas magmood swing si Wendy unnie. Napapaisip nalang tuloy kami kung buntis ba siya?

Nang matapos na kaming ayusan. Lumabas na rin kaming lahat. Malapit na rin kasing magsimula yung ceremony.

"Tara Yeri. Mauna na tayo sa simbahan." Sabi ko sakanya.

"Sige unnie. Kasama naman ata ni Namjoon oppa si Jimin eh."

5 years na ang nakalipas. Masasabi nga naming natapos na namin lahat ng tungkulin namin. Nakapagtapos kaming lahat ng pag-aaral. Nagpapasalamat nga ako dahil walang sawang nagsusuporta sila Dad at Mom sa'kin. Pati na rin si Jungkook. Sila ang naging inspirasyon ko sa lahat ng nangyayari sa'kin ngayon.

Sa 5 years na yun. Andami nang nangyari.

Si Jungkook, Jimin, Taehyung, at Wendy na ang mga bagong tagapagmana ng kanilang company. Ako, Si Irene unnie, Seulgi unnie, at Yeri naman ay patuloy pa rin na nagtratrabaho sa shop. Mas nakilala pa ang shop nung mga nakaraang taon kaya mas pina-upgrade pa namin ang shop. Kapag free time ni Wendy ay tumutulong din siya sa shop bilang isang singer. Maswerte pa siya dahil madaming kumukuha sakanya para bigyan siya ng contract na maging trainee sa isang agency. Chance na yun para sumikat.

Si Seulgi unnie naman at si J-hope ay two years nakasal. Buti pa nga sila. And now, Dalawa na ang anak nila. Si Hyeon at si Seirine. Malaki na rin si Hyeon ngayon. At siya na ang nag-aalaga kay Seirine na 4 months old palang.

Si Suga naman ay engage na sa fiancee niya na si Lene. Buti nga at masaya siya. Recently kasi, Trainee sila ni Rap Mon oppa sa isang agency. Malapit-lapit na rin silang magdebut bilang rappers.

"Pupunta na ba kayo?" Napalingon ako sa nagsalita. Si Jin oppa. Kaakbay pa nito ang girlfriend niya na si Mina. Si Mina kasi ang chef ng mga pagkain para sa wedding ngayon.

"Opo sana oppa. Anytime magsisimjpula na yung ceremony." Sagot ko sakanya.

Ngumiti siya. "Gusto mo ba hatid ko na kayo sa simbahan?"

Umiling na ako. "Walang kasama si Mina dito eh. Kailangan niyang asikasuhin yung mga pagkain dito sa reception. Mag tataxi nalang kami."

Tumango siya. "Sige. Ingat nalang kayo."

Nagtaxi nga kami ni Yeri. At saktong sakto lang nang makarating kami sa simbahan. Nagpipila na sila para sa ceremony.

At ilang oras pa ay nagsimula na rin yung ceremony.

Nang nasa loob na kami. Nakatingin nalang kami sa may gate ng simbahan. Naglalakad na yung bride.

Ang ganda talaga niya grabe. Napapangiti nalang ako. Sweet nila.

"You may now kiss the bride."

Hinalikan na ni Sungjae si Yuna. Nagsipalakpakan na rin yung mga bisita.

***

"Congratulations for our next couple." Napatawa nalang kami. Dahil kay Hyeon at Seirine napunta yung flowers. Napatawa nalang sila Seulgi unnie at J-hope oppa.

"Congrats Sungjae and Yuna." Nakangiting bati nila Wendy unnie at Jimin oppa.

"Salamat. Upo na kayo dun. Kainan na." Nakangiting sabi ni Sungjae.

Si Sungjae at Yuna ang ikinasal. Nakakatawang isipin na yung away nila Wendy unnie at Jimin oppa ay naayos.

"Joy." Napatingin naman ako sa lalaking yumakap patalikod. "I love you."

Tinusok ko yung tagiliran niya. "Waeyo?"

Tumawa siya. "I love you nga." Tumatawa niya pa ring sabi.

"Ehem. Kayo na ba ang next couple na ikakasal?" Umuubong sabi ni Sungjae.

Natawa nalang kami.

Sana nga... Sana nga kami yung next couple.

Napatingin naman ako kay Jungkook na nakatitig sa'kin ng matagal.


I can't wait until that day...

The Good Girls And The Bad Boys || BangtanVelvet Fanfic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon