Chapter 52 - Revelation

958 40 11
                                    

Iisa-isahin na natin ang kwento ng mga pairs, starting from JoyKook. 😉

Sinong pair ang gusto niyong sumunod?


***
Jungkook's Point of view




Dalawang buwan na ang nakalipas simula nang malaman kong magkapatid kami ni Joy. Kahit na kelan, Hindi ko ito sinabi sakanya. At kahit na kelan, Wala akong balak sabihin sakanya.

Oo. Alam kong malaking kasalanan ito. Pero may magagawa ba ako kung mahal na mahal ko talaga ang kapatid ko?

"Hindi talaga nagsisink-in sa utak ko kung paano ka nagkaroon ng isang cute na anak." Sabi ko kay Hobie hyung.

Anak daw ni Hobie hyung si Hyeon kay Rae noona kaya dalawang buwan na din naming kasama si Hyeon sa bahay. At katabi niyang natutulog si Seulgi noona. Ewan din namin kung bakit. Gustong-gusto ni Hyeon si Seulgi noona.

"Ang sabihin mo, Inggit ka lang dahil wala kang anak." Nang-aasar naman na sabi sa'kin ni Hobie hyung.

Napatingin naman ako kay Joy na nasa tabi ko t'saka ko tinaas baba yung kilay ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni Joy.

"Alam ko kung anong iniisip mo, Jungkook. Wag mong itutuloy yang binabalak mo. Kung ayaw mong makatikim ng suntok galing sa'kin. Ipupunta kita sa planeta ni V. Sige ka." Pananakot sa'kin ni Joy.

"Bakit nanaman ako nasali sa usapan niyo?" Nagkakamot sa ulong reklamo ni V hyung.

Natawa nalang kaming lahat dito na nasa living room.

Lagi ko kasing inaaya si Joy na magpakasal. For sure naman, Kinikilig yun sa loob niya.

"Mommy," tawag ni Hyeon kay Seulgi noona t'saka niya kinusot yung mga mata niya. "I'm sleepy."

Agad namang lumapit si Seulgi noona kay Hyeon t'saka niya ito binuhat. "Inaantok na si Baby Hyeon. Sige, Dyan na muna kayo. Papatulugin ko muna siya sa kwarto." At umalis na sila Seulgi noona at tumaas na sa kwarto.

Siniko-siko naman namin si Hobie hyung.

"Grabe ha. Nililigawan mo palang si Seulgi. May anak na agad kayo." Nang-aasar na sabi ni Rap Mon hyung kay Hobie hyung.

"Kaya nga!" Nakangiti namang sabi ni V. Tumingin siya kay Irene noona. "Tayo, Irene. Kelan tayo magkakaroon ng anak?" Nakangiting sabi nito kay Irene noona.

"Magkakaroon ako ng anak.... At hindi ikaw ang ama." T'saka umalis si Irene noona sa tabi ni V hyung at tumaas na rin sa kwarto niya.

"Burn!" Tumatawang sabi nila Jin hyung kay V. Nagtawanan nalang din kami dito.

"Ang hard ni unnie sa'yo, V oppa." Natatawang sabi ni Yeri.

"Pakipot pa kasi. Alam ko namang gusto din nun magkaroon kami ng anak. Mamaya nga. Pupuntahan ko siya sa kwarto niya---" hindi pa natatapos ni V hyung yung sasabihin niya nang may biglang bumato sakanya ng sapatos galing sa itaas.

"Subukan mo, V! Baka hindi mo na maaabutan ang sikat ng araw bukas kapag ginawa mo 'yon!!!" Pagbabanta ni Irene noona na nasa itaas ng hagdan.

Hindi na nakapagsalita si V hyung dahil baka batuhin ulit siya ni Irene noona.

"Kayo Rap Mon hyung. Hindi pa ba kayo nagdadate ni Yeri? Lately kasi napapansin ko, Lagi na kayong magkasama." Pambubuking ko. Napatingin naman kami sa dalawa.

Namumula na yung mukha ni Yeri.

Bigla namang nagseryoso yung mukha ni V oppa.

"Kaibigan ko lang si Yeri. Right?" Tanong sakanya ni Rap Mon hyung. Tumango-tango lang siya bilang sagot.

The Good Girls And The Bad Boys || BangtanVelvet Fanfic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon