Chapter 28

977 45 5
                                    

Chapter 28

Jimin's Point of view


Tinitignan ko siya. Habang nagmimix siya ng ingredients ay nakatingin lang ako sakanya.

Naaasar ako kasi ang kulit-kulit niya. Ayan tuloy nasugatan niya yung daliri niya.

Tumahimik na kasi kaming dalawa nang sabihin ko sakanya na h'wag niyang masyadong lalapitan si Hobie hyung. Naaasar kasi ako. Ah mali, Nabwibwiset.

Hindi ako nagseselos. It's just that, What's mine is mine.

Akin lang si Wendy. At gusto ko, Nasa akin lang ang atensyon niya.

Hindi ko alam minsan kung bakit lagi ko siyang naiisip at gusto kong lagi niya akong tinetext. Pero isa lang ang laging nakatatak sa utak ko,

Wendy is my target. I'm just doing this for that freaking bet. Nothing more, Nothing less.

Once a playboy, Always a playboy.

"Jimin. Paki-bukas nga 'to." Utos sa'kin ni Wendy habang ipinapasa niya sa'kin yung isang jar of jams.

Nag-iinit tuloy yung ulo ko. Naalala ko kasi yung sinabi sa'kin ni Rap Mon hyung nung mga bata pa kami.

Wala raw akong jams.

"Kaya mo namang buksan 'yan eh. Kita mong naglalagay ako ng mga pastries dito eh." Sabi ko naman sakanya habang naglalagay nga ako ng mga pastries sa oven.

Masyado akong maraming ginagawa. Nakakapagod naman pala yung trabaho nila. Napapaisip tuloy ako kung paano nagagawa ni Wendy na pagsabayin ang pagbabake habang katawag ko siya sa cellphone.

"Hindi ko nga mabuksan. Alam mo namang may sugat ako eh. Pakibukas lang ta lalagyan ko ng topings itong bagong ginawa kong strawberry ice cream cake pastry."

Binilisan ko yung paglalagay ng mga pastries sa oven pagkatapos nun ay binuksan ko na yung jar of jams.

Dahil tapos na rin naman ako sa ginagawa ko. Pinanood ko nalang so Wendy habang naglalagay siya ng jams sa itaas ng strawberry ice cream cake.



 Pinanood ko nalang so Wendy habang naglalagay siya ng jams sa itaas ng strawberry ice cream cake

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakatingin lang ako sa mga mata niya habang ginagawa niya yun.

Ngayon ko lang napansin na napakaganda pala niya.

"Wendy," tawag ko sakanya.

"Hmmm?" Sagot niya habang nakatingin pa rin sa ginagawa niya.

"Since we're faking a date. Why not, Sabihin natin sakanila na tayo na?"

Muntik niyang naitusok yung kutsilyo sa cake matapos kong sabihin yun.

"Ano nanaman ba yang sinasabi mo huh?"

"Since matagal na rin tayong hindi nagdadate. At nasa iisang bahay na pala tayo. Edi sabihin na natin sakanila na tayo na?"

Napaubo na siya dahil sa sinabi ko.

"Nababaliw ka na ba?" Gulat na gulat na sabi niya.

"Oo, Baliw na baliw sayo." T'saka ko siya kinindatan.

"Ulol. Ang corny mo." Pambabara niya sa'kin t'saka niya ako inirapan.

Napataas nanaman ako ng kilay ko kahit hindi naman niya nakikita.

Isa rin sa pinaka-ayaw kong ugali niya eh. Ang sungit-sungit niya. Nakakalimutan niyang nasa rule na bawal niya akong sungitan. Araw-araw kaya siyang may period?

Kaya ko lang naman siya pinipilit na sabihin sa lahat na kami na ay para manalo ako sa bet. Alam ko naman kasi na matatalo sila sa bet. Mahuhulog agad ang loob ng mga yun sa mga babae. At ako ang mananalo sa bet, Once na napaiyak ko itong si Wendy sa loob ng isang taong magiging samahan namin.

Nakahanda na rin ako ng parusa nila.

Ako ang magiging boss nila at gusto ko silang maging slave ko.

Napapangiti tuloy ako habang iniisip ko yun.

"Ang creepy-creepy mo." Kumento ni Wendy nang makita niya akong nakangiti sakanya.

"Mahal mo naman."

Inirapan nalang niya ako.

Pagkatapos niyang lagyan ng jams yung strawberry ice cream cake. Agad ko naman na itong inilagay sa oven para maluto na.

Kitang-kita ko namang pinagpapawisan siya kaya kumuha ako ng malinis na towel sa bag ko t'saka ko ito iniabot sakanya.

"Thanks." Sagot niya t'saka niya kinuha yung towel. Pumunta siya sa lababo para maghugas ng kanyang mukha. Pagkatapos ay pinunasan niya yung mukha niya gamit yung towel.

Ang hot niyang tignan kapag ganun yung itsura niya. Hindi ko naman maitatangging maganda talaga siya.

"Paano mo pala nagagawang sumagot sa tawag ko habang busy ka sa trabaho?" Hindi ko na napigilang hindi magtanong. Curious kasi ako. Kung ako din kasi ang nasa kalagayan niya. Baka hindi ko pa mapansin na may tumatawag na pala sa'kin.

Ngumiti siya. "Sanayan lang 'yan."

Something on her smile made me smile too.

Nakatingin lang kami sa isa't-isa. Wala ni isa sa'min ang gustong umiwas nang tingin. Nagulat ako nang bigla nalang parang naging magnet ang lahat. Palapit nang palapit yung mukha ko kay Wendy.

Napatigil ako nang matigilan siya.

Pareho kaming hindi nagsalita. Hanggang sa napansin ko na,

"Bakit may amoy sunog?"

Nanlaki ang parehong mata namin.

"SUNOG NA YUNG STRAWBERRY ICE CREAM CAKE!!!"

Nagpapanic kong binuksan yung oven at dali-dali kong inilabas yung sunog na ice cream cake. Hindi naman siya totally sunog. Nagbrown lang siya dahil natagalan sa oven.

Dahil sa taranta naman ni Wendy. Agad siyang lumapit sa'kin.

Nanlaki yung mata ko nang muntik nang madapa si Wendy. Buti nalang at nasalo ko siya agad. So, Ang resulta,

Nakayakap siya sa'kin habang ako naman ay nakahawak sa balikat niya. Natawa ako nang tignan ko yung mukha niya. Ang dungis-dungis niya. Ang daming flour sa mukha niya.

Unti-unti naman niyang iminulat ang kanyang mga mata.

Para bang nag-iba yung ikot ng mundo. Hindi ko mai-alis ang tingin ko sakanya. Siya naman ay nakatingin lang din sa'kin.

Inilapit ko yung kamay ko sa mukha niya. Napapikit naman siya dahil dun. Pinunasan ko lang yung dumi sa mukha niya.

"Napakadumi mo talaga." Sermon ko sakanya habang pinupunasan ko yung mukha niya gamit ang kamay ko. Hindi naman siya nagsalita at hinayaan lang niyang punasan ko ang mukha niya.

"S-salamat." Nahihiyang sabi niya.

Napangiti ako. Mas nagiging cute siya sa paningin ko kapag nahihiya siya.

Pinisil ko yung ilong niya. "Ang cute-cute mo talaga." Nagulat ako nang sabihin ko yan. Hindi ko ineexpect na yan mismo ang lalabas sa bibig ko. Pero lalo akong nagulat nang makita ko si Hobie hyung na gulat na gulat habang nakatayo sa entrance ng kusina. Ngayon ko lang napansin na nakayakap pa rin sa'kin si Wendy.

Mas ikinabigla ko ang sumunod kong ginawa. Nanlaki naman ang mga mata ni Wendy.

Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ni Hobie hyung. "K-kayo na??" Gulat na gulat na tanong niya sa'min.

Pagkabitaw na pagkabitaw ko sa halik. Hinawakan ko agad yung kamay ni Wendy t'saka ko ito itinaas.

"Hobie hyung, Si Wendy Son,

Girlfriend ko."

The Good Girls And The Bad Boys || BangtanVelvet Fanfic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon