Chapter 43

864 44 1
                                    

Chapter 43

Yeri's Point of view



"Ang i-ingay nila." Naiiritang bulong sa'kin ni Irene unnie habang nakatingin ng masama kina J-hope oppa na tumatawa sa likuran namin. Nagkwekwentuhan kasi sila Suga oppa at J-hope oppa. Agaw atensyon tuloy sila.

Nakakapanibago dahil hindi kami magkakaklase nila Wendy unnie. Pero nabanggit sa'min kanina nung adviser namin na may pag-asa pa ang mga lower section na makapasok sa Section A kapag may isang estudyante silang natalo dito sa Section A. Promotion-Demotion. Ang hirap naman pala ng ganito. Kaya dapat pala seryoso sa pag-aaral.

"Okay, Everyone. Listen up!" Napatingin naman kami agad sa teacher na kararating lang na may dalang dalawang coupon bond. Siya si Ma'am Melody, 'Yung teacher namin sa music. Nameet na namin siya kanina. "Nakalimutan ko palang sabihin sainyo na kailangan ng section niyo ng dalawang participant na kakanta sa opening program ng school. At since wala na akong oras. Mamimili na ako ng madalian." Sabi niya. "Okay, I choose, Kim Namjoon and," napatingin si Ma'am sa direksyon namin ni Irene unnie. "And Kim Yerim. Sige na. Aasahan ko kayong dalawa dun okay?" T'saka na umalis si Ma'am Melody doon.

S-sino raw? Grabe. Ang swerte naman nung girl? Sino na ba ulit si Kim Yerim?

Tinignan ko si Irene unnie na nakatingin sa'kin ng masaya. "Unnie, Sino na nga ba ulit si Kim Yerim?"

Out of the blue, Bigla nalang akong nakatanggap ng batok mula sakanya. Napatingin ako sa loob ng classroom. Napansin ko na nakatingin silang lahat sa'kin tapos bigla kong naalala na ako nga pala si Kim Yerim.

Napatingin naman ako kay Namjoon oppa na nakatingin sa'kin ngayon.

Omo, Bakit biglang bumibilis yung tibok ng puso ko?

Lalong nag-init yung mukha ko nang makita kong palapit na nang palapit sa kinaroroonan namin si Namjoon oppa. Tumigil siya sa harap ko. "Practice tayo sa bahay." Sabi niya at lumabas na ng classroom.

Nang makalabas na siya. Bigla akong hinawakan ni Irene unnie sa magkabilang braso. "Kim Yerim, H'wag ka dito tumili, okay? Sa bahay nalang."

OMG! I can't believe na makakaduet ko si crush!!!


***
Wendy's Point of view



"H'wag ka ngang lumapit sakanya! Napaghahalataang may gusto ka na sakanya eh!" Sigaw sa'kin ni Jimin.

Nakakainis. Pa'no ba naman kasi, Lumapit sa'kin kanina si Joel para humiram sa'kin ng libro. Dahil sa meron naman akong libro. Pinahiraman ko siya. Tapos binibigyan ngayon ito ng malisya ni Jimin.

"Hoy! H'wag mo nga akong sinisigawan, Liit! Nakita mo namang hindi ako yung lumapit diba? Siya yung lumapit dahil humihiram lang siya ng libro!" Sigaw ko pabalik sakanya.

"Eh bakit mo naman pinahiraman? Ba't di mo sinabi na humiram nalang siya sa iba?"

"Bakit ko naman yun sasabihin eh may libro naman ako para hiramin niya?"

Dahil sa pagkabwiset niya. Umalis siya sa tabi ko t'saka tumabi sa tabi nila Jungkook at V.

Edi umalis siya! Hindi naman siya kawalan!

Umupo naman si Seulgi unnie sa tabi ko kung saan nakaupo kanina si Jimin.
"I smell war." Natatawang sabi ni Seulgi unnie. "Nag-aaway ba kayo? Mukhang bad mood na tumayo si Jimin kanina?"

Napahinga ako ng malalim. Hindi ko naman talaga alam d'yan kay Jimin kung ba't ang init-init ng ulo niya. Pati nga kanina, Sinamaan niya ng tingin yung lalaking gustong makipagpicture sa'kin. Tapos tinakot niya pa yung lalaking humihingi ng number ko. Naloloka na nga ako d'yan kay Jimin. Hindi ko na alam kung anong nasa isip niya. Kung... Mahal niya na rin ba ako? Aish... Imposible siguro 'yun.

The Good Girls And The Bad Boys || BangtanVelvet Fanfic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon