Chapter 38

899 47 1
                                    

Chapter 38

Seulgi's Point of view



*yawn* "Inaantok na ako. Goodnight." Sabi sa'kin ni Irene unnie at natulog na.

Kakagaling lang kasi namin sa dati naming pinapasukan na school. Medyo nagtagal kami dahil maraming mga estudyanteng nagpapaenroll doon. Medyo ginabi kami ng uwi.

Magpapaenroll na kami bukas.

Napag-isipan ko munang bumaba muna sa kusina para uminom ng gatas. Hindi kasi ako minsan makatulog. At sabi nila, Makakatulog ka raw ng maayos kapag uminom ka ng gatas.

"Hindi ka pa tulog?"

Napalingon ako sa may pinto. Andun si J-hope habang nasa tabi nito si Max.

"Matutulog na ako eh." Sagot ko pagkatapos kong uminom ng gatas.

Inilapag ko muna yung baso sa lamesa nang mapansin kong palapit na siya sa'kin. Bigla niya akong niyakap.

"Matulog ka ng maayos. H'wag ka sanang magpupuyat." Sabi niya sa'kin habang nakayakap siya sa'kin at sinusuklay niya yung buhok ko gamit ang mga kamay niya.

"May pupuntahan ka ba?"

Hindi siya sumagot sa tanong ko.

Humiwalay na siya sa pagkakayakap niya sa'kin t'saka niya hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Oo, May pupuntahan kasi kaming pito. Actually andun na sila ngayon. Ako nalang ang natitira dito." Nginitian niya ako. "Pagkatapos nito. Matulog ka na. Okay?"

Ngumiti ako.

Iniwan ko na nga si J-hope dun sa kusina at umakyat na ako sa kwarto. Humiga na ako sa kama ko at nagtalukbong.

Makakatulog talaga ako ng maayos nito.

***

Jungkook's Point of view

Pagkarating namin sa favorite tambayan namin ng mga pito, which is sa Resto-Bar ni Suga hyung. Umupo na rin kami sa VIP place namin. Sa pinakamalaking sofa na may maraming drinks. Medyo hindi kalayuan ang pwesto ng mga ordinaryong pumapasok dito.

"Ano kayo ngayon? Hahaha! Kung ako sainyo. Sumuko na lang kayo at maging alalay ko!"

Pagkatapos yun sabihin ni Jimin hyung. Binigyan namin siya ng tig-isang batok sa ulo.

"Napakabilis mo talagang liit ka!" Bulyaw sakanya ni V hyung.

"Ikaw talagang jamless. Small but terrible." Sabi naman ni Rap Mon hyung.

Tumawa nalang si Jimin hyung. "Ganyan talaga pag seryoso sa bet."

May lumapit saaming personel ni Suga hyung at binigyan kami ng ilang drinks. Pagkatapos nun ay pasimpleng tumabi si V hyung kay Jimin hyung. "Sabihin mo nga sa'kin. Pa'no mo nagawang pasagutin si Wendy ng walang ka-effort-effort."

"Oo nga, To think na mas gwapo pa kami sa'yo." Pambabara ni Suga hyung dahilan para tignan siya ni Jimin hyung ng masama. Natawa nalang kaming anim. Wala pa kasi si Hobi hyung. Nasa bahay pa. Ewan ko kung anong ginagawa niya dun.

"Mayroon lang akong tatlong dahilan kaya nagawa ko yun," napakagat siya sa labi niya. "Una, Dahil mas gwapo ako sa ating pito. Pangalawa, Dahil may jams ako. Pangatlo, Dahil may taste ako kesa sainyo." Binatukan nanaman namin si Jimin hyung dahil sa sinabi niya. "Ahh... Meron pa palang isang dahilan." Pahabol niya.

"Dahil binantaan mo siya?" Pambabara ni Suga hyung.

"Hindi! Dahil ako ang pinaka magaling sa kama--- Aray!!" Sinipa ko si Jimin hyung sa kanyang paa.

The Good Girls And The Bad Boys || BangtanVelvet Fanfic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon