Chapter 24

1K 48 1
                                    

Chapter 24

Joy's Point of view


Asan na kaya yun?

Natapos na kasi kami kumain. Hindi pa rin nagpapakita si Jungkook. Sinabi kasi sakin ni J-Hope oppa na nagising na raw si Jungkook kaninang 6 o'clock pero nagpaalam ulit siya para matulog.

Kaso kanina lang, Sinabi samin ni V na wala raw si Jungkook sa kwarto nila nung bumangon siya sa kama nila. Imposible naman na aalis si Jungkook. Ang aga-aga kaya t'saka sinabi nila Jin oppa na hindi raw lumalabas si Jungkook nang hindi nagpapaalam. E kung ganun. Asan siya?

Natitigilan ako saglit.

Hindi kaya.... Narinig niya yung usapan kanina? Baka naman... Ayaw niya talagang umattend sa family dinner nila.

"Oh. Ang tamlay mo ata ngayon huh?" Pambabasag ni Seulgi unnie sa katahimikan t'saka umupo sa tabi ko. Nasa garden kasi ako ngayon para tumambay. Hindi na rin muna kami pumasok ngayon sa shop dahil medyo late na rin kami sa paggising. Tinignan niya ako t'saka niya ako nginitian. "Nag-aalala siya kay Jungkook." T'saka niya ako tinusok-tusok sa tagiliran ko.

"Tumigil ka nga, Unnie. Ano ba?" Natatawa kong pagtigil sakanya. Agad niya naman akong binitawan. "Kaibigan lang ang turing kay Jungkook. Okay? Nothing more. Nothing less." Paliwanag ko sakanya.

"Wwooosshhooo. Tigil-tigilan mo nga ako sa kakaganyan mo, Joy. Ang kwento mo. Sa ganyan din kayo nagsimula ng Leo mo." Sabi ni Seulgi unnie.

Inirapan ko siya. "Oo na, Unnie. Sa ganon nga kami nagsimula ni Leo. Pero hindi ibig sabihin na ganun din ang mangyayari samin ni Jungkook."

Frankster kasi dati si Leo. Ako lagi yung inaasar niya. Pero hindi ko alam pero nung medyo iniiwasan ko na siya. Inamin niya na may gusto siya sakin. Kaya niya ako inaasar ay dahil gusto niya, Nasakanya lang ang atensyon ko.

Naging seryoso na yung mukha ni Seulgi unnie. "Pasensya na kung masyado kitang kinukulit sa ganito. Alam mo naman na gusto lang kitang pasayahin. Ayokong lagi mong naiisip ang nakaraan mo dahil alam namin na alam mo sa sarili mo na hindi pa masyadong magaling ang sugat sa dibdib mo nang mawala si Leo." Natigilan ako nang sabihin yun ni Seulgi unnie. Nanatili nalang akong tahimik. "You know what? I really don't want to bring this topic pero minsan, Kailangan talaga." Nginitian ko nalang si Seulgi unnie. Kahit 4 years na ang pagsasama namin bilang kaibigan. Kilalang kilala na niya ako parang isang tunay na kapatid. "Pero mabalik nga tayo sa topic. Pag niligawan ka ni Jungkook. May posibilidad kaya na sagutin mo siya?"

Muntik na akong mahulog sa upuan nang sabihin yan ni Seulgi unnie. "Grabe ka, Unnie! Akala ko pa naman seryoso ka na!" Sermon ko sakanya.

Tumawa siya. "Well... I'm just asking, You know."

Napatigil ako at napaisip saglit. Actually, Hindi naman malabong magustuhan ko si Jungkook. Mabait naman kasi siya. Caring siya. At napakaalaga niya naman. Simula nang tulungan niya ako sa mga bad boys malapit sa sementeryo at naging close siya. Medyo nakikita ko ang inside attitudes niya. Akala ko nga bad boy siya dahil sa ginawa niya nung una kaming nagkakilala.

Nginitian ko nalang si Seulgi unnie. "Hmmm... I don't know... Maybe? Or maybe not?"

Siniko niya ako. "Ikaw ha! May paganyan-ganyan ka na ha! Isusumbong kita dito kay Leo."

Natigilan ako nang sabihin niya yun. Kung sakali man na ganun nga ang mangyari.

Hindi ko ata kakayaning may mawala ulit saakin...

***

"Hindi ko siya macontact." Nag-aalalang sabi ni Jimin. Nanatili naman kaming tahimik sa loob ng dance studio.

The Good Girls And The Bad Boys || BangtanVelvet Fanfic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon