Chapter 75

728 30 0
                                    

Chapter 75

V's Point of view




Nabuntis ko siya...

Napasabunot nalang ako sa buhok ko habang inaalala ko yung mga sinabi sa'kin ni Irene.

Hindi totoo lahat 'yun. Yung sinabi niya na ginamit ko lang siya dahil si Yeri talaga ang gusto ko? Kasinungalingan lang lahat ng 'yon. Kapatid ko si Yeri. Siguro may dahilan kaya gusto ko laging protekatahan si Yeri.

Hindi na tumitigil ang pagtulo ng luha ko habang nagshoshower ako.

Damn this feeling... Namamatay na ako.

Stella...

Pinapakalma ko yung sarili ko...

Napatigil ako nang biglang may kumatok sa banya.

"V oppa. May naghahanap sa'yo sa ibaba." Sabi ni Yeri sa ilabas.

Agad naman akong nag-bihis tsaka bumaba para makausap yung naghahanap sa'kin.

Napatigil ako nang makita ko yung mukha niya. Buong-buo pa sa isipan ko yung mukha niya. Hindi ko pwedeng makalimutan ang itsura niya.

"V. Pwede ba tayong mag-usap?"

***

"Buntis ako at ikaw ang ama." Nakayuko siya habang hawak-hawak niya yung tyan niya. Nasa harap ko naman yung envelope na puro baby thingy ang laman.

"Bullshit." Hindi ko na napigilang hindi mapamura sa harap niya. "Alam mo ba kung anong sinira mo huh!?" Galit na galit na singhal ko sakanya. "Sinira mo ang pagkakaibigan namin ni Rap Mon hyung. Tapos ngayon sinisira mo nanaman ang relasyon na meron kami ng girlfriend ko." Tinaliman ko siya ng tingin. "Sa tingin mo ba, pananagutan pa kita dahil sa ginawa mo?"

"Oo!" Nakangiti niyang sabi. "Anak mo 'to V. At alam mo naman siguro kung anong mangyayari kapag ibinunyag ko sa lahat na anak mo itong dinadala ko."

Kapag kinalat niya ito. Siguradong masisira ang business ni Dad. Ako ang magiging future na tagapagmana ng kompanya namin at siguradong malaking eskandalo ito kapag nagkataon.

"Nasisiraan ka na ba!?"

Lalo siyang ngumiti. "Oo. At ganito kita kamahal."

"Ano bang alam mo sa pagmamahal huh? Pinapatay mo ako!"

"Kung hindi ka magiging akin. Gagawin ko ang lahat para mapasaakin ka."

"How desparate!" Biglang sumugod si Yeri kay Stella t'saka niya ito pinagsasabunot.

"Yahh! Bitawan mo nga ako!"

"Napakalandi mo! Maninira kang bwiset ka! Di kita mapapatawad sa ginawa mo kay Namjoon oppa!"

Galit na galit niyang sinabunutan si Stella. Nang makawala si Stella sa pagsabunot ni Yeri. Lumapit siya kay Yeri para sampalin ito.

"Pag ako nakunan. Ipapakulong kita!"

Napatigil naman si Yeri nang isigaw 'yon ni Stella.

"Pag hindi 'yan anak ni V oppa. Ikaw ang ipapakulong ko!"

Napatigil naman si Stella sa sinabi ni Yeri. Maya-maya pa ay ngumiti siya. "Hoy. Wag ka ngang magpatawa. Alam kong si V ang ama ng batang 'to dahil siya ang alam kong kasama ko nung gabing 'yun."

"Nagkakamali ka!"

Bilang may lumoob na lalaki sa bahay namin. Gulat na gulat yung mukha ni Stella nang lapitan siya nito. "Steve. Anong ginagawa mo dito?" Kitang-kita sa itsura ni Stella ang pagkataranta.

The Good Girls And The Bad Boys || BangtanVelvet Fanfic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon