Chapter 34

884 49 2
                                    

Chapter 34

Wendy's Point of view



Habang nasa byahe kami papunta sa bahay. Niyayakap ako ni Jimin.

Chansing 'tong pandak na 'to. Sipain ko 'to eh.

Nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko habang nakapatong ang ulo niya sa balikat ko.

"Wendy babes, I'm so excited to meet your parents." May halong pagkaantok ang boses niya. Natulog kasi siya kanina.

"H'wag kang gagawa ng ikakagalit ko ha."

Pagkatapos naming magsiyahan sa dance room kahapon. Nagpaalam na kami na uuwi muna ako saamin.

Binigyan naman nilang lahat si Jimin ng tig-isang batok sa ulo dahil nalaman nila na sasama si Jimin sa'kin.

Ayoko naman talaga sanang i-sama si Jimin sa bahay. Kaso pinipilit ako ni Jian na isama siya. Napapailing nalang ako habang iniisip ko yung gagawin ni Jian kay Jimin. Sigurado akong paseselosin niya ito. Atsaka, Pinipilit din ako ni Jimin na gusto niyang sumama sa'kin pauwi. Baka raw kung anong gawin sa'kin ni Jian.

Ewan ko talaga sa lalaking 'to. Halata na ngang nagseselos siya kay Jian. Dinedeny pa niya.

"Syempre naman, Wendy babes. Mamahalin ko rin ang magulang mo tulad ng pagmamahal ko sa'yo." Sabay kindat niya sa'kin.

"Sipain kita dito eh."

Nginitian niya nalang ako. Oo na, Aaminin ko na. Gwapo siya. Mahirap sabihin baka ipagyabang pa niya.

"Gisingin mo nalang ako kapag nakarating na tayo." Sabi niya t'saka na siya nakatulog sa balikat ko.

Napaka gentle niya talaga noh? Gentle DOG. Siya pa 'tong natulog sa balikat ko. Naaantok din kasi ako eh. Dapat nga, Ako yung natutulog sa balikat niya eh.

Malapit na rin naman na kami dahil medyo familiar na sa'kin yung daan.

Nang makarating na kami. Bumaba na kami sa taxi.

Napahinga ako ng maluwag.

Nakakamiss talaga dito sa bahay. Hanggang ngayon, Hindi pa rin nagbabago yung itsura nito. Maliit lang siya pero sa loob nito. Punong-puno ng ligaya at pagmamahalan ng pamilya.

"Andito na tayo?" Tanong sa'kin ni Jimin na mukhang inaantok pa. Kinukusot kasi nito yung mga mata niya.

"Andito na tayo." Sagot ko.

As usual, Sa labas palang ng bahay namin. Naririnig ko na yung sigaw ni Jian.

"Ma, Andito na si Unnie!"

Napapangiti ako habang naririnig ko 'yun. Naaalala ko kasi na ganun na ganun din yung sinasabi ni Jian pagka-uuwi na ako sa bahay galing sa school.

Pagbukas nung pintuan sa bahay. Iniluwa nito si Mama na halos naiiyak na nakatingin sa'kin. Nakatakip ang kanyang bibig gamit ang kanyang dalawang kamay. Sabay na lumabas si papa at Jian.

"Anak? Wendy?" Nangingiyak na sabi ni mama.

Ngumiti ako. "Pa, Ma. Ako po ito. Si Wendy Son."

Sinalubong ako ng yakap ni mama. "Miss na miss na kita."

"Miss na miss na rin po kita, Ma."

Napatingin naman silang lahat kay Jimin na kasama ko ngayon.

"Anak, Sino siya?"

Napahinga ako ng malalim. "Pa, Ma... Siya po si..."

The Good Girls And The Bad Boys || BangtanVelvet Fanfic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon