Chapter 31

991 46 8
                                    

Chapter 31

Yeri's Point of view


Limang araw na ang nakalipas simula nang tumira kami sa bahay kasama sila V oppa. Limang araw na rin akong palihim na tumitingin kay crush. Napag-alaman ko na, Kim Namjoon pala ang pangalan niya.

Tinanong ko kay V oppa since siya palang naman ang kaclose ko sakanila.

Napapangiti nalang ako habang iniisip ko yung mukha ni crush.

Pansin ko rin na hindi siya malapit sa mga babae. Nahihiya kaya siya? Akala ko may gusto siya kina unnie kaso mukhang hindi naman siya interesado kaya napapahinga nalang ako ng maluwag. Akin lang si Kim Namjoon oppa.

Nasa garden ako ngayon kasama si Max. Sabado kasi ngayon. Kaya day-off namin.

Simula kahapon. Sinabi sa'min ni Irene unnie na day-off namin tuwing weekends. Maganda na rin yun para makapagpahinga naman kami.

Tumutulong na rin sila V oppa sa shop kaya medyo ginaganahan ako. Entertainer din kasi si crush tulad ko.

"Ang gwapo ni crush noh? Sana ayain niya akong magdate ngayon." Kinikilig na sabi ko habang yakap-yakap ko si Max.

"Andito ka pala, Yeri."

Napatingin ako sa taong nasa pinto.

"Oh, V oppa."

Nginitian niya ako t'saka siya tumabi sa'kin t'saka pinat si Max sa ulo nito.

Si V oppa lang ang kaclose ko sakanilang lahat since siya pa lang ang makakausap ko ng matino. Hindi naman ako nahihiya sakanya. Medyo malapit ang loob ko sakanya. Para ko na siyang kapatid. Tinuturing niya kasi akong baby sister niya. Ewan ko nga ba kung bakit galit na galit si Irene unnie kay V oppa. Mabait naman talaga si V oppa eh. Yun nga lang may pagkaweirdo rin minsan.

Nahuli ko kasi siya dati sa kusina na nagsasalita ng weird language. Ewan ko nga ba kung nageexist ba talaga yung lengwaheng sinasabi niya.

"Ba't mag-isa mo lang dito? Asan yung iba?" Tanong niya sa'kin.

"Sila J-Hope oppa kasi kanina, Nagkayayaang lumabas. Sila Wendy unnie naman ay nakatulog pa sa kwarto." Sagot ko. "Ikaw oppa, Ba't di ka sumama sakanila?"

Nginitian niya ako. "Kagigising ko lang kasi eh."

Napangiti nalang ako habang tinitignan ko si V oppa na nakikipaglaro kay Max.

"Oppa, Pwede bang magtanong?"

"Hmmm???" Sagot naman niya habang nakikipaglaro pa rin siya kay Max.

"Si Namjoon oppa. May girlfriend ba siya?"

Napatigil siya sa paglalaro kay Max at napatingin sa'kin. "Ba't mo natanong?"

Naramdaman kong nag-init yung pisngi ko.

Kasi naman ehh.... Baka mahalata niyang may gusto ako kay Namjoon oppa. Baka isumbong pa niya ako... Nahihiya tuloy ako.

"K-kasi... Nacucurious lang ako. Pati ba ikaw? Si Jimin oppa, Jungkook oppa? May girlfriend na rin po ba?" Random na tanong ko para hindi niya mahalata.

Nginitian niya ako t'saka niya pinat yung ulo ko. "Ikaw talaga. Akala ko pa naman may gusto ka na kay Rap Mon hyung." Napasimangot naman ako unti. Bawal ko bang magustuhan si Namjoon oppa? "Ako, Malapit nang magkagirlfriend. Pero sila Jungkook at Jiminie? Ewan ko sa dalawang ugok na yun. Babaero yung dalawang yun kaya baka meron na."

"Eh si Namjoon oppa?"

Natigilan siya unti. T'saka ngumiti ng pilit. "Pagkatapos siyang lokohin ng ex girlfriend niya. Hindi na ulit namin siya nakitang nakipagrelasyon sa kahit na sinong babae."

Natigilan ako. N-niloko siya?

"T-talaga po ba?"

Tumango siya. "Ganun nga yun. Pero sana, Wala nang makakaalam nito. Tayong dalawa lang ang nakakaalam." Paki-usap niya.

Tumango ako. "Opo, Oppa. Makakaasa ka."

Napangiti ulit siya t'saka niya ginulo yung buhok ko. "Ang cute-cute mo talaga."

"Ikaw rin, Oppa. Ang gwapo-gwapo mo."

Nagpogi sign siya t'saka niya hinagod yung bangs niya. "Syempre, Si Kim Taehyung ata 'to."

Pagkatapos naming magtawanan. Binigyan niya ako ng chocolate bars. Medyo sumaya yung mukha ko dahil favorite chocolate ko ito.

"Thank you, Oppa."

Bigla nanaman niyang pinisil yung ilong ko. "Nanggigigil talaga ako sa ka-cute-an mo. Siguro, Cute din yung mama mo."

Nginitian ako siya. "Oo naman, Maganda kaya si Mama ko. Ikaw rin, Siguro gwapo rin yung papa mo."

Ngumiti rin siya. "Nakikita mo ba ang mukhang ito? Ito ang younger version ng papa ko." T'saka siya tumawa.

Pagkatapos naming magkwentuhan. Tumayo na rin si V oppa.

"Sige, Aalis na rin ako." Paalam niya t'saka na siya lumabas ng bahay.

Hindi ko pa rin maalis sa isip ko yung sinabi ni V oppa.

Niloko pala si Namjoon oppa. Hindi ata kapani-paniwala yun.

Oo, Aminado akong hindi ko pa masyadong kilala ni Namjoon oppa pero alam kong napakabuti niyang tao. Matitigan at masdan ko nga lang siya. Alam ko nang pamboyfriend material nga siya. Ang sama naman ng ugali nung ex niya. Gusto ko pa sanang magtanong kay V oppa tungkol sa ex niya kaso mukhang pribado ata yung kwentong iyon. Atsaka ayoko namang maki-alam. Kaso, Nacucurious lang ako.

Sa tingin ko, Masyado siyang nasaktan nang iwan siya ng ex girlfriend niya.

Aalamin ko nalang yun sa tamang panahon.

Lumoob na ako sa bahay. Sumunod nalang sa'kin si Max.

Kumuha ako ng isang baso t'saka ko ito pinuno ng gatas.

Nakakainis. Sabi kasi nila, Pampatangkad daw yung gatas. Pero bakit ganun? Araw-araw naman akong naggagatas kaso ganun pa rin naman yung height ko?

Tinuturing tuloy akong baby nila Unnie.

Napatingin naman ako sa lalaking kagigising lang na pababa ng hagdan. Dumire-diretsyo siya papunta dito sa kusina.

Ngumiti ako. "Hi Namjoon oppa!" Bati ko sakanya. Kaso, Hindi niya ako pinansin at dinaanan lang niya ako.

Imbes na malungkot ako. Ngumiti nalang ako.

Naiintindihan ko na kung bakit suplado ka.


***
V's Point of view

Lumabas na muna ako para magpahangin. Kaso habang naglalakad ako. May babaeng hindi katandaan ang bigla nalang lumapit sa'kin. Napatitig lang ako sakanya. Siya naman ay medyo nangingiyak na.

Nginitian ko siya. "May problema po ba kayo?" Tanong ko sakanya.

Nabigla ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit. "Taehyung... Ikaw na ba 'to, Anak?" Natigilan ako. Hindi ako nakagalaw agad dahil sa pagkabigla. "Anak, Sobrang tagal kitang hinanap. Masayang-masaya ako at nahanap kita." Hinalikan niya yung pisngi ko. "Hindi pa rin nagbabago yung itsura mo. Ang gwapo-gwapo mo pa rin katulad ng papa mo."

Dahil sa pagkabigla ko. Tinulak ko ng malakas yung babaeng yun. Napaupo naman ito sa sahig dahil sa lakas ng pagkatulak ko.

"H-hindi kita kilala."

Tumayo siya at tumulo yung mga luha niya sa mata niya. "Taehyung. Ako 'to. Yung mama mo."

Lalong nag-iinit yung ulo ko habang tinitignan ko siya. Ganyan ko siya kinamumuhian.

Dapat lang na umiyak siya. Ganyan ang reaksyon ni Papa simula nang iwan niya kami.

Umiling-iling ako. "Wala na akong mama. Matagal nang patay ang mama ko."

At iniwan ko na yung babae doon.


Nagsisisi na siyang iniwan niya kami ni papa dahil sa ibang lalaki?

Pwes, Magmakaawa siya habang buhay.

The Good Girls And The Bad Boys || BangtanVelvet Fanfic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon