Chapter 22

1K 52 3
                                    

Chapter 22

Joy's Point of view




Tulog pa ata silang lahat nang magising ako. Mga 6 na ako nakagising dahil na rin sa nasanay ako na 6 na nagigising para sa trabaho. Chineck ko sa tabi ko sina Wendy unnie at Yeri kaso tulog pa sila. Masyado ata silang napagod sa pag-aayos ng mga gamit kahapon. Tumulomg din naman ako pero hindi ko alam. Mukhang pagod na pagod sila.

Si Seulgi at Irene unnie na kasi ang linis ng kwarto. Ewan ko nga kung bakit pa sila naglinis sa kwarto e medyo malinis naman na ito. Hindi ko rin alam kung bakit nagvolunteer si Wendy unnie kahapon na maghugas ng pinggan. Grabe. Sa pagkakaalam ko, Ayaw na ayaw niya ang naghuhugas ng pinggan. Kapag kami nga ang naiiwan ni Wendy unnie sa kusina. Sigurado ako na ako nanaman ang uutusan niya para maghugas ng pinggan. Kung sabagay, Kasama naman niya si J-Hope oppa sa paghuhugas ng pinggan kaya madali lang yun para sakanya.

"Oh. Gising ka na pala."

Napatango nalang ako kay J-Hope oppa na nanonood na ng TV sa sala. Mag-isa lang niya dun habang nakaupo sa malaking sofa at nakahawak ng remote. May kagat-kagat siyang malaking plastic ng chips.

"Tara dito. Manood tayo." Sabi niya sabay pagpag sa tabi niya.

Lumapit naman ako sakanya tsaka umupo sa tabi niya.

Sa pagkakaalam ko kasi. Si J-Hope oppa ang pinaka hyper sakanilang lahat. Halatang-halata naman kahapon. At medyo magaling siyang mag-entertain kaya naman hindi naboboring lahat ng makakausap niya.

"Gusto mo?" Alok niya sa'kin sabay bigay sakin nung supot ng chips kaso umiling ako.

"Ba't ang aga mo, Oppa?" Tanong ko sakanya.

Ngumiti siya. "Bigla nalang akong nagising eh. Lakas kasi ng hilik ni Rap Mon kaya nagising ako." Natawa naman ako sa sinabi niya. Grabe siya. Hinulog talaga yung kasama niya. "Ikaw ba? Ba't ang aga mo rin?"

"Maaga talaga kaming gumigising para makapaghanda kami sa shop. Actually, Si Irene unnie ang unang nagigising samin dahil ipinagluluto pa niya kami ng breakfast kaso mukhang puyat siya kaya hindi siya nagising." Paliwanag ko. Tumango siya.

Natigilan kami ni J-Hope oppa nang biglang tumunog yung cellphone niya. Sinenyasan niya ako na tumahimik muna tsaka niya sinagot yung tawag sa harap ko.

Tinamad ata siyang tumayo.

"Hello po? Ah, Si Jungkook? Natutulog pa po siya. Ano po kasi yun para ako nalang po ang magsabi? Ha? Talaga po? Tsk. Sige po. Pasensya na po. Sasabihin ko nalang po kina hyung. Sige po. Bye!" T'saka niya pinutol yung linya.

Napataas tuloy ako ng kilay. Si Jungkook? Sino naman kaya yun?

Napatingin ako sa cellphone niya at hindi ko sinasadyang may makitang magandang babae na wallpaper niya. Tinignan niya ako t'saka siya ngumiti. "Papa ni Jungkook." Sagot agad niya.

"Ahh... Okay... Bakit daw?"

Napakamot siya sa ulo niya. "Makulit kasi yung batang yun. Nung sabado kasi, Dapat may family dinner sila ng pamilya niya kaso hindi siya sumipot. Kaya eto, Pinipilit ako ng papa niya na sabihin kina Jin hyung na pilitin si Kookie na pumunta mamaya sa bahay nila."

Nanahimik nalang ako. Gusto ko pa sanang magtanong kaso wala naman akong karapatan.

Bigla kong naalala yung babae sa cellphone niya.

"Ahm. Pwede bang magtanong?" Tumango siya. "Yung magandang babae sa cellphone mo... Girlfriend mo ba siya?"

Bigla siyang natigilan sa tanong ko. Akala ko hindi na siya sasagot sa tanong ko kaso bigla siyang nagsalita. "Oo. Ex-girlfriend ko." T'saka siya ngumiti ng pilit.

"Sorry. A-anong nangyari?"

Umiling siya. "Okay lang yun, Joy. Actually, Di naman talaga kami nagbreak." Huminga siya ng malalim. "Sa totoo lang, Namatay kasi siya."

Natigilan ako sa sinabi niya. Napayuko naman agad ako. Ang tanga-tanga ko talaga kahit kailan. Ba't ba ang hilig kong magtanong?

"Naku sorry. Hindi ko naman kasi alam." Paliwanag ko.

Ngumiti lang siya t'saka niya pinat yung ulo ko. "Ayos lang yun. Ikaw ba, May boyfriend ka na rin ba?"

Umiling ako. "Pareho lang tayo."

"Sorry." Mahinang sambit niya.

"Ayos lang yun. Basta ang alam ko. Masaya na si Leo kung nasaan man siya. Kaya hwag ka ring mag-aalala. Kung nasaan man ang girlfriend mo ngayon. Nasa ligtas na siya na lugar." Hinawakan ko yung kamay ni J-Hope oppa t'saka siya tinignan. "Alam kong hindi naging madali para sayo at sakin ang lahat. Pero kailangan nating tanggapin lahat ng nangyayari ngayon. Sabi nga nila, Lahat ng mga nangyayari satin ay may dahilan. Hindi lang natin alam kung ano yun."

Napangiti si J-Hope oppa sa sinabi ko.

"Ehem..." napatingin naman kami sa kanan namin. Andun si V oppa, Nakacrossed arms. "Nakakaistorbo ba ako?"

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. At tsaka ko lang narealise na hawak-hawak ko nga pala yung kamay ni J-Hope oppa. Agad-agad ko namang binitawan ito.

"Kung ano man ang nasa utak mo ngayon. Wala lang yun." Sambit ko sakanya. Sigurado ako na iniisip niyang may namamagitan samin ni J-Hope hyung. Halata naman kasi sa mukha niya eh. Nakangisi kasi ang loko.

Itinaas naman niya yung dalawang kamay niya. "Fine. Fine. Napakadefensive mo naman masyado." At umiling-iling siya habang dumiretsyo na sa kusina.

Bigla namang napatayo si J-Hope t'saka hinabol si V. "Hwag na hwag mong bubuksan yung gasol!!" Narinig kong sigaw ni J-Hope hyung kaya napatawa nalang ako.

Nalulungkot tuloy ako habang iniisip ko na pareho lang pala kami. Iniwan ng mga mahal namin sa buhay. Pero napapangiti ako dahil sa mga sinabi kong hindi ko naman talaga ineexpect na lalabas sa bibig ko. 'Lahat ng mga nangyayari satin ay may dahilan. Hindi lang natin alam kung ano yun'.

Bigla naman akong napatingin sa kagigising lang na pababa ng hagdan. Si Jimin hyung. Napataas nalang ang kilay ko habang tinitignan siya. Bad mood ata siya ngayon. Ano kayang nangyari sakanya?

Napansin ko rin kahapon na hindi niya pinansin si Wendy unnie. Nahihiya kaya siya?

Bigla kong naalala kahapon. Napangiti nalang ako.

Ahhh... Alam ko na kung bakit bad mood siya...

Tinignan niya ako kaso bigla siyang napaiwas ng tingin t'saka dumiretsyo sa CR.

Bumaba kasi ako kahapon para tanungin si Wendy unnie kung alin sa tatlong kama sa kwarto namin ang gusto niyang gamitin. Nadaanan ko si J-Hope na kalalabas lang sa pinto ng kusina na may dala-dalang dog food pagkatapos nun ay nahuli ko si Jimin na sumilip saglit sa kusina. Pero bigla siyang nawalan ng mood kaya tumaas na siya sa kwarto niya.

Haba talaga ng hair ni Wendy unnie...


Nangangamoy SELOS.

The Good Girls And The Bad Boys || BangtanVelvet Fanfic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon