Chapter 35

959 50 2
                                    

Chapter 35

Jimin's Point of view


Nagising ako dahil bwiset na katabi ko. Katabi ko itong bwiset na lalaking ito dahil iisa lang naman ang kama niya. T'saka wala na rin namang space kung meron man saamin ang hihiga sa sahig. Tinignan ko ito bago ako tumayo. Tsk. Naglalaway pa ang bwiset. Napatingin ako sa buong paligid ng kwarto niya. Naningkit ang mga mata ko nang may bigla akong naisip.

Bright idea 💡

Pagkatapos kong gawin yung bright idea ko. Lumabas na ako sa kwarto.

Napatingin naman ako sa orasan na nakasabit sa pader. Napakaaga pa pala. 5 o'clock palang. Tumingin ako sa pinto ng kwarto ni Wendy. Mukhang natutulog pa siya.

Napakamot ako sa ulo ko.

Gusto ko talaga siyang katabi. Actually, Kagabi ko pa gustong matulog sa kwarto ni Wendy. Pa'no ba naman kasi, Halos gawin na akong punching bag ng Jian na 'yon. Habang natutulog siya ay nanununtok ito. Kung hindi naman suntok. Sinisipa niya ako.

Hindi lang talaga ako makabangon sa kama dahil alam ko na kahit pilitin ko si Wendy ay hindi niya rin ako papapasukin sa kwarto niya.

T'saka may respeto rin ako kahit papaano sa mga magulang ni Wendy. Alam ko naman na masama sa paningin nila kapag nagkatabi kami ni Wendy sa iisang kwarto.

Nakakabwiset talaga yung lalaking yun. Ang sarap pagsuntukin. Kung hindi lang yun kapatid-kapatiran ni Wendy, Baka nasipa ko na yun papunta sa planet kung saan nanggaling si V.

Napatigil muna ako at napatingin sa paligid ng bahay nila Wendy.

Napakaliit lang ng bahay nila Wendy pero napakaganda. Napakasimple lang siya at kung titignan mo, Napakalinis kahit hindi linisan.

Naisip ko munang pumunta sa garden nila Wendy kung saan ko siya niyakap kagabi.

Di ko alam kung bakit ko iyon sinabi at ginawa. Don't get me wrong, Wala akong gusto kay Wendy. Siguro ay dahil napansin ko na nakatingin saamin si Jian.

Pagkarating ko sa garden. Nabigla ako nang makita ko yung papa ni Wendy doon. Nakaupo siya sa isang bench doon at tumayo ito nang makita niya ako sa may pinto.

"Oh, Jimin. Halika, Kape tayo. Mukhang nagising ka ni Jian." Sabi niya sabay turo sa dalawang kape na nasa lamesa.

Lumapit ako sa kinaroroonan niya at umupo ako sa tabing bench. T'saka ko tinanggap yung kapeng binibigay niya sa'kin.

Ang tahimik namin. Walang gustong magsalita. Hindi ko rin kasi alam kung anong sasabihin ko. Napakaseryoso kasi niya. Pati kahapon. Alam kong kahit nasabi niyang ingatan ko si Wendy. Alam kong kailangan niya pa akong makausap ng masinsinan tungkol sa anak niya.

"Okay lang ba kung magtanong ako sayo tungkol sa anak ko?" Tanong niya.

Humigop ako sa kape t'saka ako tumango. "Okay lang po."

Tumigil siya unti. "Saan mo nakilala yung anak ko?"

Bigla ko tuloy naalala kung paano kami nagkakilala. Bigla nalang akong napapangiti. "Sa CD station po. Nagkakilala kami dahil sa iisang natitirang CD ni Taeyang."

Bigla namang napangiti yung papa ni Wendy sa sinabi ko. "Napaka addict talaga nyang si Wendy kay Taeyang. Halos araw-araw ay bumibili ito ng mga magazines, CDs at kung hindi pa siya makokontento. Mag-oorder siya ng mga merchandise na puro si Taeyang ang mukha."

Di ko na napigilang mapangiti. "Kaya nga po eh. Pinunta ko nga po siya sa concert ni Taeyang nitong mga bakasyon. Eto po yung pictures." Inilabas ko sa bulsa ko yung cellphone ko at ipinakita sakanya ang ilang stolen pictures na kinuha ko habang nanonood siya ng concert.

The Good Girls And The Bad Boys || BangtanVelvet Fanfic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon