Chapter 60 - Family's Secret VI

718 37 2
                                    

Chapter 60 - Family's Secret VI

Jimin's Point of view



Akala ko tapos na ang lahat. Yun pala hindi... Mukhang wala na nga talagang solusyon para matigil ang kasal.

Tinignan ko si Wendy. Mukhang hindi na siya masaya. Ngumiti ako sakanya kahit medyo pilit lang. T'saka ko siya niyakap ng napakahigpit. "Wendy, I'm sorry." Tanging nasabi ko sakanya bago ako umalis sa garden para mag-ayos ng sarili t'saka na sumakay sa kotse ko.



***
Wendy's Point of view



Pagkagising na pagkagising ko. Niyakap ko si Jimin ng napakahigpit. Magpakasal na kaya ako sakanya? Napailing nalang ako. Nakakahintay naman talaga ako. Hindi ko lang talaga kayang mawala sa paningin ko si Jimin. Kapag kasi ikinasal na kami, Wala na siyang dapat uuwian kundi sa'kin lamang. Pero hindi naman sa wala akong tiwala sakanya. Natatakot lang ako na baka maagaw siya sa'kin ng iba. Pinipigilan ko ang sarili ko kapag nagpapaalam sa'kin si Jimin na may lakad sila ni Yuna. Nagseselos talaga ako and at the same time, Kinakabahan.

"Wendy," tawag sa'kin ni Jimin. Natawa ako nang tignan ko siya. Tulog pa kasi siya. Mukhang nananaginip siya. "W-wendy, Wag mo akong iiwan ha..." nabigla ako nang may tumulong luha sa mga mata niya. Agad ko namang pinunasan 'to.

"Shhhh... Wag kang umiyak. Oo. Hinding-hindi kita iiwan." Sabi ko sakanya.

Humagulgol siya. Bigla tuloy akong nagpanic. Pero mas ikinagulat ko yung mga sinabi niya. Halos hindi na ako makagalaw.

"W-wendy, Ayokong ikasal... Ayokong ikasal kay Yuna... Sayong-sayo lang ako magpapakasal... Please... Wag mo akong iiwan."

Pagkatapos niyang sabihin 'yan. Tumigil na siya sa kakaiyak. Mukhang nakatulog nanaman siya.

Bigla akong kinabahan... Hindi pa ako masyadong nagpaapekto dahil hindi ko alam kung totoo ba o hindi... Kung nananaginip lang siya... Baka nababangungot lang siya kaya niya napapanaginipan 'yon.

Umalis na ako sa kwarto muna at pumunta munang garden.

Hindi ko talaga alam kung maniniwala ba ako... Kaya ba laging magkasama sila Jimin at Yuna?

Umiling ako. Mali... Dapat magtiwala lang ako kay Jimin...

Mga ilang oras pa ang nakalipas. May yumakap na sa'kin ng mahigpit patalikod.

Lumingon ako. Nakangiti si Jimin habang nakatingin sa'kin. "Gising ka na pala---" Hinalikan niya agad ako sa labi bago ko pa matapos yung sasabihin ko.

"Ba't di mo 'ko ginising? Kadaya naman. Gusto kitang makasama sa paggising ko." Nakapout niyang sabi sa'kin.

Ngumiti naman ako. "Hindi na kita ginising. Napasarap kasi yung tulog mo eh." Pagsisinungaling ko.

Niyakap niya ako. "Next time, Kahit masarap yung tulog ko. Gisingin mo ako ha. Ayoko nang nagigising nang hindi ka nakikita."

Napatawa ako. "Ang corny mo talaga."

"Wendy," tawag niya sa'kin. Biglang tumibok yung puso ko. Napatingin ako sa mga mata niya. Seryoso siyang nakatingin sa'kin. I-ito na ba 'yon? Sasabihin niya na ba sa'kin?

Magsasalita na sana siya nang marinig naming tumunog yung cellphone niya sa loob ng bahay. Alam na alam ko kasi yung ringtone ng cellphone niya kaya alam ko na cellphone niya. Kitang-kita ko ang pagkadismaya sa mga mata niya.

Pumunta na siya sa loob t'saka sinagot yung tawag.

Hindi na ako sumunod sakanya. Nakatingin lang ako kay Jimin habang may kausap siya sa cellphone niya. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala.

The Good Girls And The Bad Boys || BangtanVelvet Fanfic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon