Chapter 45

864 42 5
                                    

Chapter 45

Wendy's Point of view




"Class dismissed!"

Napahinga kaming mabuti nang sabihin yun ng last subject namin. Sa wakas. Makakapahinga na rin kami.

"Unnie, Hindi pa rin ba kayo magpapansinan?" Tanong ni Joy na umupo sa upuan ni Jimin. Nagpalitan kasi muna sila ni Jimin. Si Joy talaga ang nakaupo sa tabi nila V at Jungkook.

Hindi ko sinasadyang mapatingin sa kinaroroonan ni Jimin. Nanlaki yung mata ko nang mahuli ko siyang nakatitig sa'kin. Agad naman siyang napaiwas ng tingin.

Napahinga ako ng malalim. Hindi nga kami nagpansinan ni Jimin. Hanggang sa bahay. Nakakaloko talaga. Siya pa ngayon ang hindi namamansin samantalang siya naman ang nauna.

"Bahala siya. Tara na nga. Asan si Seulgi unnie?"

Ngumiti si Joy. "Sinundo na po ni J-hope oppa."

Napahinga ako ng malalim. "Maraming ikwekwento sa'tin si Seulgi unnie pag-uwi natin. Tara na uwi na tayo."

Tatayo na sana ako sa upuan ko nang biglang lumapit sa upuan ko si Jimin. Napatitig ako sa mata niya. Seryoso itong nakatingin sa'kin. "Wendy,"

"Anong kailangan mo?" Mataray na tanong ko sakanya.

Yumuko siya. "Ano..."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano?"

Hindi na siya nagsalita. Kung sabagay, Ano naman ba ang aasahan ko sa hindi marunong magsabi ng sorry?

Tumayo na ako t'saka tumalikod sakanya. "Halika na nga, Joy. Tatawagan ko pa si Jian mamaya---"

Natigilan ako nang bigla niyang hawakan yung braso ko t'saka niya ako hinila palapit sakanya. So, Ang resulta. Nasa balikat ko yung ulo niya.

"Sorry."

Nanlaki yung mga mata ko. T-tama ba yung narinig ko?

"A-anong sabi mo?" Paulit ko sakanya. Narinig ko naman talaga kaso gusto kong makasigurado.

"Wendy naman ehh..." nahihiya niyang sabi. Napangiti tuloy ako. Ang cute niya.

"Sasabihin mo o aalis na kami---"

"Sorry, Wendy. Sorry." Naramdaman kong huminga si Jimin. "Sorry kasi nasigawan kita. Ayoko kasi sa nerd na 'yon. Naiinis ako sakanya." At naramdaman ko yung mga kamay niya sa bewang ko.

Napatango ako. Ahh... I see, Palabas nanaman ito dahil nanonood si Joy?

"Kay Joel lang ba? Ba't mo sinamaan ng tingin yung mga lalaking nakikipagpicture sa'kin t'saka yung humihingi ng number ko?"

Nakita kong yumuko ulit si Jimin. Natatawa naman si Joy sa tabi ko.

"Ayoko kasi na may nakikipicture sa'yo. At ayoko rin na may makikipagtextmate sa'yo."

Hindi ko na nakayanan ang palabas ni Jimin. Pwedeng pwede siyang sumali sa acting.

Humarap ako sakanya t'saka ako ngumiti. "Oo na. Alam mo naman na tumatanggi ako sa mga ganun diba? At lalong lalo na sa pagbibigay ng number. Alam na alam mo na hindi ko basta-basta binibigay ang numero ko sa iba."

Hindi siya nagsasalita at nakayuko pa rin ito habang nakikinig sa sasabihin ko. Napapangiti ako unti dahil nagawa niyang magsorry sa'kin.

Maya-maya pa, Tumingin siya sa mga mata ko. Napakamot siya sa batok niya. "Pwede ba tayong magshopping mamaya para makabawi ako sa'yo?"

The Good Girls And The Bad Boys || BangtanVelvet Fanfic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon