Chapter 46

784 42 2
                                    

Chapter 46

Irene's Point of view



"Irene? Saan ka pupunta?" Napalingon naman agad ako nang makita ko si Christian, kaklase ko.

Inutusan kasi ako ng teacher namin na ibigay sakanya yung mga records sa principal's office. Malayo-layo pa naman din yun. Ako lang kasi ang nasa room nung time na yun kaya ako yung naisipan niyang utusan.

"Sa principal's office." Sagot ko.

Ngumiti siya. "Pwedeng sumama?"

Tumango ako.

Habang naglalakad kami. Nagkwekwento si Christian tungkol dito sa school. Mabait naman si Christian t'saka isa siya sa pinakamatinong kaklase ko sa room. Paano ba naman kasi. Ang tatahimik ng mga kaklase ko. Si Christian lang ang pinakamadaldal. Except syempre kay J-hope.

"Babe," napatigil kami sa paglalakad ni Christian nang may biglang yumakap sa leeg ko. "Saan ka pupunta?"

Tinignan ko si V at sobrang sama ang tingin nito kay Christian. Napaatras tuloy siya dahil dun.

Siniko ko siya. "Umayos ka nga, V. Sa principal's office lang ako pupunta. Tara na nga Christian." T'saka ko siya kinaladkad papasok sa elevator.

Tumawa si Christian. "Kilala mo pala si Taehyung." Tumatawa niyang sabi.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Oo, Kilala mo rin ba siya?"

Napalunok siya. "Bakit naman namin hindi makikilala ang isa sa mga pinag-uusapan lagi dito sa campus?"

Natigilan ako matapos sabihin yun ni Christian.

Laging pinag-uusapan? Eh mukhang hindi naman halata. Hindi ko nga nakikita yung mga babae dito na tumitili sakanila kapag dumadaan sila. Yung para bang napapanood ko lang sa mga telenovelas.

Ngumiti si Christian. "So, Hindi mo alam yun?"

Gusto kong tanungin si Christian tungkol dun. Hindi ko pa talaga alam yung tungkol sakanilang lahat. Meron pa ba kaming dapat malaman maliban sa mga alam na namin?

"Pwede ba?" Tanong ko.

Tumango siya. "Kanino ba ako magsisimula?" Napaubo siya ng isang beses. "Si Kim Namjoon ang pinaka kilala dito dahil siya ang Top 1 tuwing nagkakaroon ng ranking sa grades. Dito kasi sa school na 'to. Laging may Top 20 students na inirereveal. At lagi siyang nasa Top 1."

Hindi naman na ako nagulat dun. Alam ko naman na matalino si Rap Mon. Nakwento kasi sa'kin ni Yeri na siya raw ang nagcompose ng kakantahin nila sa opening ceremony. At nacompose lang niya yung kanta within 10 minutes.

"Si Min Yoongi naman. Kilala siya dahil siya lagi ang nagiging President sa student council. Kasama na rin dun si Kim Seokjin. Siya yung Vice President at mas pinakakikiligan ng ilang kababaihan dito dahil sa taglay nitong kagwapuhan."

"Si Park Jimin naman, Kilala siya bilang isang dancer dito sa school. Meron kasing mga clubs na nagaganap dito tuwing August. At si Jimin lagi ang kinukuha ng ilang founder ng club dahil malakas raw siya sa paghugot ng mga sasali. At kung si Jimin ay sa sayaw. Si Jeon Jungkook naman ay sa pagkanta. Actually, Parehas lang naman sila."

"Si Jung Hoseok naman. Hinahangaan siya dito dahil sa taglay niyang kabaitan. Mabait kasi siya kaya kadalasan ay maraming lumalapit sakanyang mga babae."

Napatingin ako sa mga mata ni Christian.

Gusto kong malaman lahat tungkol kay V. Ano nga bang meron si V? Ano ang dapat kong kailangang malaman tungkol sakanya.

The Good Girls And The Bad Boys || BangtanVelvet Fanfic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon