Chapter 19

1.1K 60 0
                                    

Chapter 19

Irene's Point of view



"H'wag na po kayong mag-aalala sa bills niyo. Bayad na po kayo sa bills, Ms. Bae. T'saka kung gusto niyo nang umuwi. Pwede na po kayong umuwi mamaya." T'saka na lumabas yung nurse sa kwarto ko. Gulat naman kaming nagtinginan nila Seulgi.

"Nagbayad na ba kayo?" Tanong ko sakanila.

"Hindi, unnie." Sabay na sagot nilang apat.

"Sino namang magbabayad ng bills mo, unnie?" Nagtatakang tanong ni Maknae. Maski ako, Sumasakit ang ulo ko dahil dito.

Baka naman mali yung pangalan?

Nagpasama ako kay Seulgi sa ibaba para icheck yung resibo.

"Hindi, Miss pero Irene Bae ang nakasulat dito sa resibo." Sabay pakita sa'min yung resibo. Pangalan ko nga ang nakalagay dun.

"Paano mangyayari yun eh wala naman saming lima ang nagbayad nun." Tanong ni Seulgi sa nurse.

"Hindi ko rin po alam. Sige po, May gagawin pa po ako sa itaas." Paalam nung nurse na pinagtanungan namin.

Napakamot nalang kami sa batok namin.

"Kung may nagbayad nung bills mo. Edi mabuti." Sabi sa'kin ni Seulgi.

Sino kaya yung nagbayad nung bills?

Imposible naman na sila Papa at Mama ang magbabayad ng bills e hindi nga nila alam na nasunugan kami. Kapag alam nila, Edi sana andito na rin sila sa hospital. Alam kong hindi ako matitiis ng mga magulang ko.

Si Taehyung kaya? T'saka, Imposible naman kung si Taehyung ang magbabayad ng bills ko. Lagi ko kaya siyang pinagtatabuyan tapos pagkagising ko kasi kanina. Wala siya eh. Pero alam ko talaga na siya yung nagbuhat sa'kin kahapon.

***

"Pasensya na talaga sa nangyari sa inyo, Girls. Hindi ko kasi napacheck yung kuryente niyo." Nakayukong sabi ni Lola Ana, Yung may ari ng bahay na tinitirhan naming nasunog.

"Naku, Hindi po. T'saka kami po talaga ang may kasalanan kaya kami po sana ang hihingi ng pasensya dahil sa napabayaan namin yung bahay."

Napakabait kasi ni Lola Ana, Siya yung taong pinagkakatiwalaan namin. Siya rin ang tumulong sa'min para ipatayo yung shop. Para na nga namin siyang lola dahil parang mga apo na niya kami kung ituring.

Umiling-iling si Aling Ana. "Naku, hindi mahalaga yung bahay na 'yun. Mas mahalaga ang buhay niyo kaya nagpapasalamat ako at walang nangyaring masama sainyo."

Napangiti kami. Dahil alam namin na kung ibang tao lang si Lola Ana, Baka magagalit na siya sa'min.

"Maraming salamat po, Lola Ana." Sabi ko. Napangiti naman siya.

"Oo pala, Sa'n na kayo pupunta ngayon? May matitirhan na ba kayo?" Tanong niya.

"Wala po, Lola. Actually po, Maghahanap po sana kami. Buti nalang po at may pera pa po kaming naiipin sa shop." Maghahanap na nga sana kami ngayon kaso, Kailangan naming magpaalam kay Lola Ana.

The Good Girls And The Bad Boys || BangtanVelvet Fanfic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon