TD 13 :

1K 23 0
                                    

Ethan's Pov

Isang linggo ng hindi lumalabas ng kwarto niya si Kathy. Lalabas nga siya para kumain pero nakakaisang subo pa lang siya ay babalik na agad sa kwarto niya. Pinipilit ko siyang lumabas pero sinisigawan niya lang ako. Nag-aalala na ako kasi hindi na siya nakakapagfocus sa Fashion Event niya. Tinitext ko yung sekretarya niya at sinasabi nitong dalawang linggo mula ngayon ay gaganapin ang Fashion Event pero hindi niya pa rin pala naayos ang venue ng event.

Julia's Pov

Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Kathy hindi siya pumunta dito nung sunday buti hindi ko pa nasasabi kay Zy na siya yung magtuturo sa kanya sa pagbabake.

Tinatawagan ko siya pero hindi niya sinasagot at laging patay ang phone niya. Hindi ko naman siya mapuntahan dahil ng hindi ko naman alam kung saan siya nakatira.

"Noona."

Agad akong napatingin sa nagsalita. Si Brent. Buti pa si Brent tinatawag akong Ate samantalang yung sarili kong kapatid jusko labag pa ata sa loob pagtinatawag akong Ate.

"Ohh!"Saad ko at naupo naman siya sa tapat ko

"Hmm, If you dont mind pwede ba kaming magmodel ni Zyrus sa Fashion Event ni Kathy."Saad niya

"Nakausap na kayo ni Kathy diba?"Tanong ko at tumango naman siya. "Ohh anong problema? At tsaka pumayag na kayo diba?"Saad ko na naman at tumango siya at saka natayo at naglakad paakyat.

Napabuntong hininga naman ako at tiningnan ang phone ko. Idinial ko ulit ang number niya pero cannot be reach naman.

Ano bang nangyayari sa kanya?

Kathy's Pov

Isang linggo na akong nagmumokmok dito sa kwarto ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko kaya ko ng mawala pa sa mundo ito.

Napatingin ako sa side table ko at pinagmasdan ang picture ko na andun.

Kelan ko kaya ulit makikita ang sarili ko ng ganyan siguro pagbumalik na yung alaala niya. Naglakad ako papunta sa veranda at sinimot simot ang hangin. Nakakarelax. Parang nawala yung bigat na nararamdaman ko. Napabuntong hininga naman ako ng maalala ko yung hindi ko pagsipot sa baking teaching ko kay Zyrus.

Pumasok ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Sa susunod na lang ako babawi sa kanya. Isang beses ko lang siyang tuturuan. Bahala na siya kung paano niya maiipasa ang baking subject niya.

Tiningnan ko ang kisame ko at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.







Kinabukasan ay maaga akong nagising. Paglabas ko ng kwarto ay nadatnan ko si Ethan na kumakain na.
Naupo ako sa upuan at walang imik imik na nag-umpisang kumain. Hanggang sa natapos ay walang nagsasalita. Tumayo ako at pumasok na agad sa kwarto ko

Agad kong kinuha ang robe ko sa sabitan at naligo na. Pagkatapos kong maligo ay nag-ayos lamang ako at nagbihis na ng pang office attire. (SEE THE MULTIMEDIA) Agad akong lumabas ng kwarto. Hindi ko na nadatnan pa si Ethan kaya lumabas na ako ng unit at sumakay na sa elevator.

****
"Miss Kathy, May bisita po kayo?"Sec.Miles

"Who?"Saad ko habang nagdedesign.

"Si Sir Inigo po."Sec.Miles

"Wag mo siyang papasukin."Saad ko at tinuloy ang ginagawa.

Maya maya ay ..

"NO, ANO BA PAPASUKIN NIYO AKO? I WANT TO TALK HER. PAPASUKIN NIYO SABI AKO. ANO BA? WHAT THE HELL IS WRONG WITH YOU. I SAID PAPASOK AKO. ANO BA? KATHY."sigaw niya

Inis kong binitawan ang lapis ko at bumuntong hininga. Tumayo ako at lumabas ng opisina.

Paglabas ko wala na si Inigo.

"Where is he?"Tanong ko

"Nasa opisina po ni Sir Ethan."Saad niya at bumalik na pwesto niya.

Naglakad naman ako papunta sa opisina niya. At nadatnan ko silang dalawang nag-uusap.

"She's here."Saad ni Ethan kaya naman napalingon sa akin si Inigo.

"Kathy."Pagtawag niya sa pangalan ko.

Iimik na sana ako ng biglang ..

"Daddy."

Agad akong napalingon sa nagsalita. Pagkalingon nanlaki ang mga mata ko.

Tiningnan ko si Inigo at nakatingin lamang ito sa bata. Tiningnan ko naman si Ethan kagaya ko ay nanlalaki din ang mata.

Nilingon ko yung bata at .. hindi ako makapaniwala para lamang akong nanalamin. Kamukha ko siya. Kamukhang kamukha ko siya.

Lumapit ako sa bata at lumuhod para magkasing tangkad kami.

"You are Kathy Fernandez Right?"Saad niya

Tumango ako at niyakap siya. Humiwalay agad ako sa yakap at pinagmasdan siya.

"What's your name baby?"Saad ko

"Im Steffanie Kath."Saad niya

Tiningnan ko siya si Ethan at ..

"Pakainin mo muna siya, mag-uusap lang kami ni Inigo."Saad ko at tumayo.

Pagkalabas nila Ethan, nilingon ko si Inigo. Umupo ako sa harap niya at tinaasan siya ng kilay.

"Sorry."Saad niya

"No it's okey, Naging stalker pala kita?"Ngisi ngisi kong saad, agad namang nanlaki ang mata niya.

"Hahaha. Narinig ko lahat. Napatawad na kita. Kilala mo ko hindi ako yung taong nagtatanim ng galit. Marinig ko lang paliwanag mo ayos na."Nakangiti kong saad

Nginitian naman niya ako at saka niyakap. Agad din naman siyang kumalas.

"Thanks Kathy."Saad niya

"So bakit ko kamukha ang anak mo?"Natatawang saad ko

"Her mother idolized you. Ikaw ang pinaglilihian niya kaya hindi na ako nagtaka na baka paglabas ni Steffanie kamukha mo siya."Saad niya

"So where's her mom? I want to met her."Saad ko

"She died nung ipanganak niya si Steffanie."Malungkot niyang saad

"Hindi naman siya siguro magagalit kung ituturing akong pangalawang Mommy ng anak niya right?"Saad ko at agad nanlaki ang mata niya

"What do you mean?"Gulat niyang saad

"I want to be her second mom. Ayokong lumaki siyang wala kagisnang ina."Saad ko

"Are you sure?"Saad niya

"Hmm. Yeah im sure. Saan kayo natuloy ngayon?"Saad ko

"Kay Brett."Saad niya

"Dun na kayo sa condo. Tabi kaming matutulog tas kay Ethan na kwarto ka naman matutulog."Saad ko

"Sure. Thanks."Saad niya at hinila ako at niyakap. Agad din siyang humiwalay.

"Daddy."

Napatingin ako sa nagsalita.

"Come baby."saad ko at lumapit naman siya sa akin

"Can i call you Steffie?"Tanong ko at tumango siya. "And you can call me Mom."Saad ko at napayakap naman siya sa akin. Niyakap ko din siya at hinalkan sa ulo.

"Thanks Mom."Saad niya at humiwalay siya sa akin at hinalkan ako sa cheeks.

Im your mom now.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

The DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon