Chapter 28

3 1 0
                                    

"Bye, Trix!" Kumaway siya sa mga kasama maliban kay Max na nasa tabi niya.

"Nag-enjoy kami sobra." Sinserong sabi ni Pauleen kaya napangiti siya.

"Ako din. Ingat kayo."

"Bro, ikaw na bahala kay Trix."

"Sige bro!"

Nilipat niya ang tingin kay Max. "Naks naman! Close na sila ni Macky. Pwede na kayong M&M."

Pinitik naman siya nito sa noo bago nagpara ng taxi. "Ginawa mo pa kaming chocolate."

"Sus! Kunwari ka pa."

Umiling lang ito at isinandal ang ulo sa sandalan ng sasakyan pagkatapos sabihin ang address niya sa driver.

"Masaya palang kasama yung mga kaibigan mo eh. Sabi mo wala kang ibang kaibigan sa school."

Kinwento niya naman dito ng pahapyaw ang nangyari sa kanila.

"Ah, love triangle." Nakangising tiningnan siya nito. "Hamakin mo yun, madami din palang nagkakagusto sa'yo kahit ganyan ka?"

"Anong ganyan?" Tinaasan niya ito ng kilay pero tawa pa rin ito ng tawa. "Baka ikaw ipamental ko niyan?"

"Mag-iingat ka, tanga ka pa naman." Binatukan niya ito bago lumabas ng sasakyan kaya pati ang driver ay natawa na din sa kanila. Hinintay muna nitong makapasok siya sa gate bago ito umalis.

Mag-aalas diyes na ng gabi kaya naisip niyang baka nasa kwarto na ang mommy niya. Binuksan niya ang ilaw sa sala at natulala siya sa nakita.

Puro balloons at bulaklak sa gilid ng tarpaulin na may nakasulat na 'SORRY' at may mga petals pa na nakakalat sa sahig.

'Malaman ko lang kung sino ang may gawa nito. Sila paglilinisin ko ng kalat ngayon din.'

Naisip niyang ang tatlo ang may gawa non kaya napangiti nalang siya.

"Lakas umeffort magsorry ah. Sabagay Valentines naman, madaming bulaklak kanina sa school." Natatawang kausap niya sa sarili habang paakyat ng hagdan. Doon lang niya napansin na may iilang petals pa rin pala na nagkalat sa sahig kaya nilingon niya ang dinadaanan. "Naks! Lakas makared carpet nito ah. Nasa hollywood na ba ako? Hindi man lang kayo nag-inform sana man lang nag gown ako."

Natatawa pa rin siya dahil sa mga iniisip habang papasok ng kwarto. "At mukhang sa kwarto ko pa talaga ang highlight."

Pagbukas niya ng kwarto ay napahawak siya sa dibdib sa gulat dahil sa party popper na biglang umeksena. "Surprise!"

Nakangiting mukha nina Venice, Brian, Xander, Rhayzel at Renz ang bumungad sa kanya.

"Birthday ko ba?" Nagtatakang tanong niya na tinawanan naman ng mga ito.

"Sis, sorry." Lumapit sa kanya si Brian at niyakap siya. "Masyado lang akong panatag na hindi ka sasaktan ni Renz kaya ayoko din sana na masaktan siya. Pero hindi ibig sabihin non hindi ko na iniisip ang nararamdaman mo. Ayoko din naman na saktan ka ulit nong mga 'yon kaya ayoko na sumama ka sa kanila."

"Excuse me. Okay na kaya kami. OA lang talaga kayo."

"Tss. Kaya pala mas mahal mo si Max kesa sa amin."

"Ay nagdrama ang kuya ko. Pakiss nga." Agad naman itong lumayo sa kanya kaya nagtawanan ang mga kasama.

"Baby sis, don't embarass him in front of Venice. Kinakabahan na nga yan kung anong sasabihin niya sayo eh. Pero sa haba ng pinractice niya walang sense pa yung nasabi."

"Aaaw! Natouch naman ako. Pero hindi ka pa naman magpopropose kay Venice, kabado ka na?" Pang-aasar niya kay Brian kaya namula ito.

"Remember that they're engaged." Singit ni Rhayzel.

The Point of No Return (Completed)Where stories live. Discover now