Chapter 26

2 1 0
                                    

"Shara, can we talk?" Nagdalawang isip pa muna ito bago tumango. Inaya niya ito sa rooftop para walang ibang makakita sa kanila.

May meeting lahat ng organizations ngayon dahil sa nalalapit na Valentine's Day celebration nila. Nagtext siya kay Max na may gagawin muna kaya hindi siya makakaattend.

Pareho silang walang imik na naupo pagkadating nila sa rooftop. Ilang minuto pa bago siya nagpasyang basagin ang katahimikan.

"Sha, sorry kung may nagawa man ako sa'yo na hindi mo gusto."

"No, sorry Trix." Bahagya niya itong nilingon. "Alam ko madami akong nagawa sa'yo before just because of stupid jealousy. Kahit anong gawin ko kasi, na sa'yo pa rin ang atensiyon ni Macky. I didn't know you were bestfriends before kaya pala ganon nalang ang pag-aalala niya sa'yo."

"Okay lang yun Sha. Ayaw niya rin kasing ipaalam. Sorry kung tinago ko yun sa inyo."

Tumango lang ito bago binaling ang tingin sa kawalan na tila ba may inaalala ito. "Alam mo ba nong nawala ka nagbreak kami dahil may gusto daw siya sayo? Inamin niya sa akin lahat. Pero nong tumagal at hindi ka pa bumabalik nakipagbalikan ulit siya. We we're so happy to start new. Hindi ko inexpect na babalik ka ulit kaya nataranta na naman ako. I have to do the same act again. Alam kong napakapathetic kaya sobrang hiyang-hiya ako sa'yo, Trix."

Hinawakan niya ito kaya lumingon ito sa kanya. "Wala akong balak na sirain ang relasyon ninyo. Siguro dahil sa siya lang ang naging kaibigan ko kaya masiyadong masakit na kailangan namin yun kalimutan dahil lang sa'yo. Dati aaminin ko, may gusto talaga ako sa kanya. Pero ngayon Sha, believe me wala na talaga."

"I know." Tumango pa ito at ngumiti sa kanya. "Sinabi na niya sa akin na nag-usap na kayo pero hindi mo binanggit ang tungkol sa ginawa ko. Sobrang kinakain na ako ng konsensiya, Trix. Napakabuti mong kaibigan kahit na madami akong ginawa sa'yo."

"Salamat naman at nagkausap na kayo."

"Yeah. To settle things. I guess we better off as friends." Matagal pa bago nagsink in sa kanya ang sinabi nito.

"Sha, sorry."

"Ano ka ba. Mahal ko pa naman ang sarili ko no. Alam kong hindi pa siya tuluyang nakakamove-on sa'yo kaya maigi siguro na ayusin muna niya ang sarili niya."

"I wish you'll find the right person for you."

"Agad? Pahinga muna, pwede?" Natawa naman siya sa sinabi nito. "I want to find time for myself. Ang bata-bata ko pa para mastress ng sobra."

"True! Gusto mo ipasalvage na natin yang si Macky? Sakit sa bangs eh."

"Wag naman, sayang ang lahi niyan pagnagkataon."

Sabay silang natawa dahil sa sinabi nito. Parang malaking bato na nakadagan sa kanya ang naalis nang araw na iyon. Hindi man perpekto ang mga nangyayari pero ipinagpapasalamat niyang unti-unti na ring naaayos ang lahat.

"At san naman galing ang magaling kong bestfriend?" Nakapamewang pa si Venice habang nakatayo sa harap ng pinto ng classroom nila na wala ng gaanong tao dahil uwian na. "Hindi ka daw umattend ng meeting."

"Tss." Nilagpasan niya lang ito at dire-diretso sa upuan niya para kunin ang bag. Nakatingin lang sa kanya si Brian at Renz samantalang nakasunod naman sa kanya si Venice habang naniningkit ang mga mata.

"Bud!" Lahat ng kaklase niya ay napatingin kay Max na biglang sumulpot sa pintuan ng classroom nila. "Sorry." Nagsibalik naman ang lahat sa kanya-kanya nilang ginagawa na para bang walang nangyari maliban sa kanilang apat na nakaabang sa papalapit na si Max.

"Anyare?" Tahimik lang ang tatlo na nakatingin sa kanila.

"Siyempre nagisa na naman ako dahil wala ka. San ka na naman kasi nagpunta?"

The Point of No Return (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt