Chapter 13

6 1 0
                                    

"Hindi ka man lang ba manonood ng play ng girlfriend mo?" Nasa isang restaurant sila ni Macky para mag-usap. Umpisa ng School Fair nila ngayon kaya busy ang lahat sa school.

"Wala na akong ibang oras para kausapin ka pag pinalagpas ko pa to. Ilang beses mo na akong tinanggihan."

"Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin, dahil ako manonood ako."

"Kayo ba ni Renz?" Napaangat siya ng tingin mula sa paghigop ng kape.

"Anong klaseng tanong yan?"

"Bee, nagseselos ako." Seryoso nitong sabi habang nakatingin sa kanya.

"Wala akong pakialam." Matigas niyang wika.

"Basta ka nalang umalis ng walang paalam. Bee, hindi ko alam ang gagawin simula nong umalis ka."

"Tigilan mo nga ako, Macky. Tigilan mo na rin ang katatawag sakin ng bee, nakakainis lang." Nakatitig lang ito sa kanya kaya napasandal siya sa upuan at tiningnan ito ng diretso. "Diba ito naman ang gusto mo? Ang maghanap ako ng ibang kaibigan at kakilala maliban sayo? Hindi ka ba masaya?"

"Bagay na pinagsisihan ko hanggang ngayon. Bee, pwede bang bumalik nalang tayo sa dati?" Hinila niya ang kamay na hinawakan nito.

"Macky, ibang-iba na ang mundo ko ngayon sa mundo ko noon. Kaya pwede ba wag ka nang manggulo. Okay na ako."

"Mahal kita."

"Mahal din kita." Nagulat ito at napatitig sa kanya kaya napangisi siya. "Yun ba ang iniexpect mong sasagutin ko?"

"Kung noon mo sinabi yan baka matutuwa pa ako." Ipinagkrus niya ang kamay sa dibdib at tiningnan ito ng seryoso. "You can't take things back to its place before when it already find a place to fit in."

"Kontento na ako sa kung anong meron ako ngayon. Nandoon ka man o wala. Sana naman wag kang gumawa ulit ng bagay na pagsisihan mo ulit sa susunod." Hindi pa rin ito umimik. "Mahal ka ni Shara, sana naman maappreciate mo yun. Mahilig kang maghanap ng bagay na wala sayo, matuto ka naman sanang makontento."

Yun lang at iniwan na niya ito. Naghanap siya ng masasakyang cab papunta sa school nila. Dumiretso siya sa room nila dahil alam niyang walang tao doon ngayon.

Malapit nang magsimula ang play kaya nagpasya na siyang pumunta sa theater. Malapit na siya nang makita niya sina Savanna at Renz na magkasama. Masayang nagkukwentuhan ang mga ito habang naglalakad papasok ng theater room.

"Oh, Trix! Manonood ka ba? Sama ka na sa amin." Napalingon siya nang makita sila Tricia at Pauleen na magkasama.

"Sige lang Trish, una na kayo." Nginitian niya lang ito nang magpaalam na mauuna na.

Ilang saglit pa ay tumalikod na siya at tinahak ang daan papunta sa rooftop. Sinara niya ang pinto papunta sa open area pagkapasok niya dito. Naupo siya sa may bench na nandoon.

"I heard you already meet him." Napakunot ang noo niya sa narinig. Tinawagan siya nito kanina sa school dahil gusto daw siya nitong makausap. "You knew what I mean."

Tumango lang siya at inabot ang frappe na nasa harap niya. "Is it him that we're going to talk about?" Blangko ang ekspresyon niyang tanong dito.

"Not really. You're school has invited me to be the play's director." Tumango lang siya habang inaantay ang iba pa nitong sasabihin.

"You can do it. Why do they have to ask me."

"I don't want any responsibility, especially that big."

"Don't hold back when you know it's the right choice to make. Don't think about anybody else. Sometimes being selfish is the right thing to do."

"Ba't kasi andami-daming choice. Diba pwedeng isa lang? Para hindi na pwedeng malito?"

"Maybe to choose the best and not to settle on the least?" Napalingon siya sa pintong pinasukan kanina. Agad niyang pinunasan ang mga luhang nagsimulang maglandas sa pisngi niya.

"Bes?" Nagulat siya nang makita si Venice na nakangiting lumalapit sa kanya.

"Hindi mo naman pwedeng sarilinin ang lahat bes. Kaya kami nandito para tulungan ka sakaling nahihirapan ka." Agad niya itong niyakap nang maupo ito sa tabi niya. Hinawakan naman nito ang mukha niya at pinunasan ang mga luha.

"Alam kong may mabigat kang pinagdadaanan. Inaantay ko lang na magsabi ka pero mukhang balak mong sarilinin." Tuloy-tuloy lang siya sa paghikbi at isiniksik ang sarili sa kaibigan. "I saw you looking at them. You can't always run away like that."

"Alam kong napag-usapan na ninyo ang tungkol kay Sav. He tried his best to love her back dahil akala niya yun ang tama. Pero alam naman natin na hindi yun napipilit, nangyayari yun."

Tahimik pa rin siyang umiiyak habang nakayakap dito. "Wag mong isipin na mangyayari din sa inyo ang nangyari sa kanila ni Sav. At wag ka ring maguilty dahil alam mong mahal siya ng kaibigan mo."

Iniangat nito ang mukha niya at inayos ang buhok niya sa pagkakatali. "Don't make it hard for both of you by pushing him away. Please give him a chance. Give yourself a chance. Nakita ko kung gano kayo kasaya nong mga time na kinikilala niyo palang ang isa't isa. Aaminin ko, natakot din ako para sayo kaya hindi ko kayang magtiwala sa kanya. Pero I choose to trust both of you."

Tumango lang siya dito. "Thank you, bes--Ouch! What's that for?" Hinila niya ang kamay nitong nakahawak sa buhok niya.

"Wag kang magdrama mag-isa. Akala mo si super girl ka eh noh? Pasan ang buong mundo."

"Tsss. Puro kasi kayo landian ni Brian. Hep!"

"Sasabunutan kita ulit, bes. Umayos ka."

"Totoo naman." Nagmake-face siya at lumayo dito. "Kayo na ba?"

Namula ang pisngi nito at iniwas ang tingin sa kanya. "Aigo! Aigo! Aigo! May lovelife na ang bestfriend ko. Waaaah!" Tumakbo na siya palayo dito dahil akma na naman siyang sasabunutan nito.

"Hindi pa kami, manahimik ka." Mas lalo itong namula kaya natawa siya.

"Hindi pa? So nanliligaw nga ang magaling kong kuya?"

"Isa pa Trixie Faye, ihuhulog kita sa building na to."

"You can't do that to your future sister-in-law." Pang-aasar niya pa rin dito.

"Aaaargh! Bahala ka na nga jan." Naglakad na to palabas ng pinto kaya sinundan niya nalang ito habang tawa ng tawa. "Nababaliw ka na. Paiyak-iyak ka pa kanina, ngayon tatawa-tawa ka na naman."

"I'm just happy! Lalalalala.. "

"Mahulog ka sana."

"Sasaluhin mo ko? Ikaw ang nasa baba."

"Ang ingay!" Napasilip siya ng marinig na boses ng lalaki ang nagsalita.

"Hi bro! I love you!" Sinamaan siya nito ng tingin at sumunod lang kay Venice palabas ng building.

"Magde-date kayo? Nakaka OP naman." Nakangiti pa rin siya ng nakakaloko habang nakasunod din sa dalawa.

"Manahimik ka Trixie Faye kung ayaw mong isumbong ko kay dad ang mga kalokohan mo." Matigas nitong sabi kaya nagsenyas siya na parang nagzip ng bibig. Tinalikuran naman siya nito at sinundan si Venice na malapit na sa gate.

"Haaay. Mang-aagaw ng ka date. Sa school grounds na nga lang ako. Tss." Ngumuso pa siya habang inaantay na mawala sa paningin niya ang dalawa. Pinasok niya ang kamay sa bulsa ng pantalon niya sa likod bago nagpasyang bumalik sa school grounds. "Aaaaw!" Napahimas siya sa noo niya nang may mabangga siya.

"May kausap ka?" Iginala nito ang tingin sa likod niya.

"Sarili ko." Sarkastiko niyang sagot bago ito tinalikuran.

"Akala ko pupunta kang school grounds?" Nakaturo pa ito sa likuran niya.

"I change my mind." Siningkitan niya lang ito ng mata bago nagmartsa palabas ng school.

"Trixie Faye Martinez!" Napalingon na rin sa kanya ang iilang estudyanteng nagkalat sa campus.

Mapapatay talaga kita, Renz Matthew.

Di na niya ito pinansin at mabilis na naglakad palabas ng school.

The Point of No Return (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon