Chapter 7

6 1 0
                                    

Nakaharap siya sa laptop niya buong araw at hinahatiran nalang siya ng mommy niya ng pagkain kapag kailangan na niyang kumain.

"Anak, bukas na ang alis ng kuya Xander mo. Hindi ka ba uuwing villa M?" Nag-angat ang tingin niya sa mommy niya na nakaupo na rin sa kama niya. Hindi na siya bumalik sa villa nang magkasagutan sila ni Brian at ng daddy niya.

"Do I make myself clear, Trixie Faye?" Nasa kwarto niya ang daddy nila, si Brian at si Xander. Pinaakyat siya ni Brian pagkadating nila sa bahay at pinauwi na si Renz.

"Dad, wala nga kasing nangyari sa amin ni Renz. Bakit ayaw niyong maniwala?"

"Wala nga. Pero dun din ang punta niyan." Nanggagalaiting singit ni Brian.

"Do you like, Renz?" Nagulat naman siya ng sumingit si Xander.

"Like? Agad-agad?"

"Then what's with the sweetness between you two earlier?" Masama pa din ang tingin ni Brian.

"Nag-aasaran lang kami. Masama ba?"

"Asaran? Pero kailangan magkaakbay?"

"You can't have any relationship until you finish your college. Understand, Trixie Faye?"

"Yes, dad."

Umiling lang siya bago binalik ang tingin sa laptop niya. "Wala namang gagawin doon."

"Trixie Faye."

"Ba't ba lagi niyo nalang akong pinagtutulakang pumunta dun 'my? Ayaw niyo bang nandito ako?"

Lumipat ito sa tabi niya kaya pinatay nalang niya ang laptop at itinabi. "Hindi ako nagsasalita dahil alam kong gusto mo munang mag-isip. Sinabi sa akin ni Venice ang nangyari. Anak, nag-aalala lang ang daddy mo at  ang mga kapatid mo sa'yo."

"Nag-aalala na baka kami na ni Renz?" Nakatitig lang ito sa kanya at di man lang nagulat sa sinabi niya. "Ikaw ba mommy naniniwala rin sa kanila?"

"Anak, I want you to be safe. Ayoko ng maulit sayo ang nangyari."

"Safe? Safety ko ba talaga ang iniisip mo 'my?" Napapikit ito at parang hindi alam kung anong sasabihin sa kanya.

"Ayoko na rin muna kayong makausap 'my." Tumayo siya at kinuha ang bag na niligpit niya noong isang araw pa.

"San ka pupunta Trixie Faye?!" Halos mataranta ito ng makita ang hawak niyang traveling bag na inilapag niya sa kama.

"Akala ko ba ayaw niyo ko dito? Eh di maghahanap ng matutuluyan." Binuksan niya ang drawer at kinuha doon ang wallet. Iniwan niya lahat ng cards niya pati cellphone.

"Don't talk to me in an ungrateful way, Trixie Faye! Baka nakakalimutan mong ina mo pa rin ako!"

"Hindi ko yun nakakalimutan 'my. Pero sana hindi niyo rin nakakalimutang anak niyo rin ako."

"Trixie Faye, bumalik ka dito."

Hindi siya lumingon at dire-diretsong lumabas ng bahay nila. Paglabas niya ay may dumaang cab kaya agad niyang pinara.

Nagpunta siya sa isang resort na medyo malayo sa kanila. Wala pang pasok kinabukasan kaya doon na muna siya bago siya maghanap ng apartment na malapit sa school.

Marami siyang naipon na pera mula sa allowance niya mula pa noong nasa SIS siya dahil hindi naman siya mahilig mamili at kumain sa labas. Dinideposit niya ito sa isang account na siya lang ang may alam. Tanging iyon lang ang binitbit niyang atm card at ang dating cellphone na di na niya nagagamit dahil binilhan siya ng bago ng daddy niya. Alam niyang may tracking device ito kaya hindi niya to dinala.

The Point of No Return (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon