Chapter 18

6 1 0
                                    

Nakaupo siya sa tapat ng gate ng school nila at nakatingin lang sa kawalan. Bumalik lang ang diwa niya ng may bumusina sa tapat niya na isang puting van.

Magkakasunod na bumaba sila Venice, Brian at Renz. Maya-maya pa ay sumunod na rin si Xander na nakashades at cap. Kakaunti nalang din ang dumadaang estudyante dahil maagang natapos ang exams nila.

"Baby!" Masiglang bati sa kanya ni Xander habang tahimik lang na nakatingin sa kanya ang tatlo. Lumapit ito at niyakap siya pero hindi siya umalis sa pagkakaupo niya.

"We're looking for you everywhere." Seryosong wika ni Brian pero hindi pa rin siya umimik.

"Sa bahay ka na tumuloy ngayon." Masaya pa ring sabi ni Xander.

"Magpapaalam lang ako kay mommy." Nagtatakang napatitig ito sa kanya. Ni minsan ay hindi siya nagpaalam sa mommy niya hanggat hindi siya inuutusan ng mga ito o di kaya ay sila mismo ang nagpapaalam para sa kanya. "May pupuntahan din ako ngayon, di rin ako makakasama sa inyo. Susunod nalang ako doon."

"Ihatid ka nalang namin. Sino ba imemeet mo?"

"Don't bother, hyung. May susundo naman sakin." Sakto namang may tumigil na pulang kotse sa likod ng van. Bumukas ang bintana nito at isang nakangiting ginang ang bumungad sa kanila na nasa mid40's. Katabi nito sa driver seat ang lalaking kasing-edad nito. Parehong nakacasual dress ang mag-asawa.

"Trixie, anak!" Napalingon ang mga kasama dito nang patakbong lumapit ito sa kanya. Lumapit ito at niyakap siya. "Kumusta ka na? Lalo kang gumanda."

"Mama talaga." Lumapit din sa kanya ang lalaki. "Hi pa!" Niyakap din siya nito at ginulo ang buhok.

"May iba ka bang lakad?" Napunta sa lalaking nagsalita ang atensiyon ng lahat at halatang nagulat ang mga kasama ng makilala ito.

"Wala. May binilin lang si daddy sa kanila."

"Daddy?" Nagtatakang tanong ng ginang.

"Mamaya na ma. Mauna na kayo sa sasakyan, susunod ako." Nag-aalangang umalis naman ang ginang pero wala nang nagawa ng akayin ng asawa pabalik sa sasakyan. "Sige na, Mack. Susunod ako."

"Why are you with Macky? Are you insane?" Galit na tanong ni Venice pagkapasok ni Macky sa sasakyan.

"Pasabi nalang kay daddy baka bukas na ako makapunta sa villa M." Sinabi niya iyon ng hindi tumitingin sa kahit isa sa kanila.

"Who are they?" Ramdam niya ang seryoso ngunit nakakatakot na boses ni Xander.

Nilingon niya ito tiningnan ng diretso sa mata. "A friend." Tumalikod na siya sa mga ito pero tumigil siya pagkatapos ng ilang hakbang at walang lingon-likod na sinabi sa malamig na boses. "I have to go."

*******
"It's been 3 years, anak. Anong nangyari? Kumusta ka na?" Napatigil siya sa pagtingin sa paligid. Nasa bahay siya nila Macky dahil nalaman ng mga magulang nito na magkaklase sila. "Eto naman kasing si Macky, noong isang araw lang nabanggit na magkaklase pala kayo."

Nilunok niya muna ang kinakain bago sumagot. "Sobrang daming nangyari ma."

"Ang ibig kong sabihin, bakit bigla kayong nawala ng mommy mo ng walang pasabi?" Tahimik lang na nakikinig si Macky at ang papa nito. "Nag-alala kami sa inyo."

Ngumiti siya at ilang saglit pa bago sumagot. "Naaksidente ako ma. Ayaw kong magulo ang pamilya ni daddy dahil sa nangyari kaya hiniling ko na sa states na mag-aral."

Nagtataka itong nakatingin sa kanya.

Pagkatapos nilang mag-usap ni Macky ay mag-isa siyang naglakad pauwi sa kanila. Hanggang ngayon ay di pa rin niya matanggap na may girlfriend na ito at hindi na siya kinakausap pa sa school.

"Hoy!" Napalingon siya ng may marinig na tawanan sa likod niya. Isang mataray na babae ang lumapit sa kanya. Hindi niya kilala ang mga ito pero sa tingin niya ay first year din ito kagaya niya pati na rin ang mga kasama nito. "Alam mo bang ayaw namin sa malandi?"

"Ha?" Wala siyang maintindihan sa mga sinasabi nito at hindi niya rin sigurado kung siya pa ang kausap nito kaya napatingin siya sa dinadaanan niya kanina pero wala namang ibang tao doon. "May iba pa bang malandi dito bukod sa'yo?"

Lumapit na din ang isa pa sa kasama nito habang ang iba ay pumaikot sa kanila. "Nagmaang-maangan ka pa? Hindi ba nilalandi mo ang boyfriend ni Shara?" Hinila nito ang buhok niya.

May narinig siyang napasinghap ng malakas pero malayo sa kinaroroonan niya. Napatingin siya sa di kalayuan at nakita niyang nandoon ang mga kaibigan niyang sumisilip, si Aya, Pauleen at Shara. "Tulong!"

Biglang nawala ang mga ito. Napatingin siya sa mga halamang nakatanim sa gilid ng school nila.

"Walang tao dito." Mas lalo pang hinigpitan ng babae ang paghila sa buhok niya kaya napaigik siya. Sigurado siyang mga kaibigan niya ang nakita niya. Maya-maya pa ay may anino ulit siyang nakita malapit sa halamanan kaya sumigaw ulit siya.

"Napakaingay mo ah!" Sinampal naman siya ng isa pa. Madilim naman sa area na yun kaya wala nang gaanong dumadaan, pero umaasa pa din siyang may dumaan na kahit isang tao man lang doon.

Puro dugo na ang lumalabas sa bibig niya dahil sa sampal at tulak ng mga ito pero wala siyang magawa kundi umiyak lang. Sanay siyang laging tinatanggol ni Macky sa mga umaaway sa kanya kaya wala siyang alam gawin sa ganitong sitwasyon.

'Kailangan kong iligtas ang sarili ko dahil alam kong wala ng Macky na magliligtas sa akin.'

"Wag kang lalapit kay Macky kung ayaw mong masaktan ulit." Nagtawanan ang mga ito bago siya binitawan at umalis. Isang impit na sigaw ang lumabas sa kanya ng maramdaman niya ang sakit ng katawan sa pagbagsak aa semento.

"Sigurado ba kayong hindi yan magsusumbong?"

"Hindi yan. Sabi ni Shara, takot daw yan."

"Sigurado ba kayong babayaran tayo ni Shara dito?"

"Siguradong-sigurado. Mayaman yun girl."

"At gagawin lahat para sa boyfriend."

Nageecho pa ang boses ng mga ito sa pandinig niya bago tuluyang nawala sa paningin. Pilit niyang itinayo ang sarili at lumapit sa gilid ng kalsada. Nang makalapit na siya ay bigla na lang siyang bumagsak. Isang mahabang busina ang narinig niya at nakakabulag na liwanag ang nakita niya bago siya nawalan ng malay.

"Daddy?" Tumango lang siya at sumubo ulit ng pasta.

"Kinailangan kong salinan ng dugo at ng iba't-ibang test. Hindi na kaya ni mommy ang gastusin at hindi rin siya makahanap ng donor kaya lumapit na siya sa daddy ko."

"Kilala ko ba siya?"

"Drei Martinez ma." Nagulat naman ito.

"Yung CEO ng Yex Estate?" Tumango lang siya at napatakip naman ito ng bibig. "Sa kanila ka ngayon nakatira?"

Umiling siya. "Magkasama pa rin kami ni mommy. Minsan umuuwi ako dun kapag pinapatawag nila o kapag nandoon ang panganay niyang anak."

"Mabuti naman at tanggap ka nila." Gusto niyang ngumisi pero pinigilan niya ang sarili at ngumiti lang dito.

"Mabait naman po sila sa akin."

"Pero bakit wala akong narinig na kaso tungkol sa pagkasagasa sa'yo? Siguradong pag-uusapan yun sa school kahit si Macky ay walang alam."

Tiningnan niya ang binata na nakatitig lang sa kanya na para bang naghihintay din ng sagot.

"Napagpasyahan po ng pamilya na wag nang ituloy ang kaso. Hindi naman po sila tumakbo. Sila pa nga ang nagdala sakin sa ospital." Inabot niya ang baso at uminom. "Ayoko din na madawit ang pangalan ni daddy sa pagkakaaksidente ko."

"Ayaw ko munang bumalik sa school kaya sila na ang nagpaayos ng record ko. Kilala ng daddy ko ang director ng school kaya walang lumabas na issue."

"Sigurado bang okay ka lang, anak?" Nakakunot noong tanong nito pagkatapos siyang titigan ng matagal.

Nginitian niya lang ang ginang. "Okay lang ako, ma."

The Point of No Return (Completed)Where stories live. Discover now