Chapter 9

7 1 0
                                    

"Baby Princess!" Napatingin silang lahat sa pinanggalingan ng boses. Nakaupo sila sa sala ng bahay nila Renz habang nagpapahinga saglit bago umpisahan ang gagawin nila.

Napangiti siya ng makita si Rhayzel na pababa ng hagdan. Lumapit ito sa kanya at niyakap siya.

"May pasok ka ate?" Tumango lang ito.

"Ang aga naman ng labasan niyo. Alas dos palang ah."

"Busy sa school kaya wala na halos mga klase."

"Oh I see. Sige goodluck nalang sa inyo." Nginitian nito ang mga kasama niya maliban kay Renz na nasa kwarto nito para magbihis. "Pwede kayong magpalit ng damit. May CR dito sa baba."

"Thank you po." Nakangiting sagot naman ni Tricia.

"No problem. Nasaan na ba si Renz?"

"Sa kwarto niya."

"Ikaw na bahala sa kanila baby Princess. Malelate na ko. Gamitin mo nalang ang room ko kung kailangan mo. May mga damit ka pa doon." Tumango naman siya. "Bye guys!"

Ilang minuto nang nakaalis si Rhayzel at nauna na ring magbihis si Laurence. Naiwan silang tatlo sa sala at wala ni isa mang umimik.

"Trix, pwedeng magtanong?" Napalingon siya kay Tricia pati na rin ang mga kasama niya. Tumango lang siya at inantay ang tanong nito. "Kaano-ano mo ba sila Renz? Medyo close kasi kayo ng ate niya."

Ngumiti naman siya dito bago sumagot. "Family friend. Magkaibigan ang daddy niya at daddy ko."

"Diba pala Gonzales ka before? Bakit Martinez ka na pala ngayon?"

"Daddy ko ang Martinez. Long story, Trish."

"Sorry."

"Okay lang." Nginitian niya lang ito.

"Wow! Girlfriend to ni Renz? Ang ganda naman." Napalingon sila kay Laurence na may hawak-hawak na picture frame. Lumapit naman siya dito at inabot ito.

'I love him but he can't love me back. He loves someone else.'

"What happ--- Trix!" Nagkalat ang basag na piraso ng picture frame sa harapan niya. Ni hindi siya makagalaw sa sobrang pagkagulat. "Ate palinis naman po."

Ni hindi na niya namalayan ang mga nangyayari kahit ang paghila sa kanya ni Renz paupo sa sofa.  "Trix, okay ka lang ba?" Tinitigan niya lang ito. Nagsimulang manginig ang kamay niya. "Trix, anong nangyari? Trix!"

"Sir diba ito po yung picture niyo ng girlfriend mo?" Lumapit naman ito sa nabasag na picture frame.

"Sino ang naglagay nito dito?" Galit na tanong nito sa katulong.

"Si Mam Irene po."

"Throw it away. I don't wanna see it here." Tumango lang ang katulong dito. "Trix, san ka pupunta?"

"Magbibihis lang ako. Antayin niyo nalang ako sa workroom, susunod na ako dun. Ituro mo nalang ang CR dun malapit sa workroom para makabihis na lahat." Nasa may hagdanan na siya ng magsalita siya ulit. "Wag mo kong susundan Renz."

"Trix.."

"Just do as I say." Ni hindi man lang siya lumingon habang sinasabi ito.

Naupo siya sa kama pagkapasok niya sa kwarto ni Rhayzel. Doon na niya nailabas ang mga luhang kanina pa pinipigilan. Maya-maya pa ay inayos na niya ang sarili at nagbihis na ng damit at sumunod sa workroom.

Walang umimik nang pumasok siya loob. "If everyone's ready let's start. We'll start with scenes 1 to 3. Kami na ni Laurence ang gagawa ng para sa scene 1. Trish and Renz you do the scene 2, and Pauleen and Macky scene 3."

Inabot niya isa-isa sa mga ito ang papel na may nakaprint ng mga dapat nilang gawin. "Medyo minimal nalang ang gagawin niyo for scene 2 and 3, since yung ibang props from scene 1 ay pwede nating gawin for the other scenes. Nakalagay na rin jan ang sukat at design, kung kailangang pinturahan o kung icocover lang ng crepe paper."

Binalingan niya si Renz na nakatitig lang sa kanya. "Renz, since magaling ka sa painting ikaw na ang gagawa ng lahat na kailangang paintings. Minimal design lang ang ginawa ko. Pwede mong papinturahan muna ng background colors kay Trish bago mo umpisahan ang paintings." Tumango lang ito sa kanya.

"Kapag may hindi kayo maintindihan, sabihan niyo lang ako." Tango lang ang isinagot ng mga ito bago nagkanya-kanyang hanap ng pwesto.

Itinuro niya kay Laurence lahat ang gagawin nito bago mag-umpisa sa gagawin niya. Pilit niya munang inalis ang mga iniisip niya para masigurong magawa ng maayos ang trabaho.

"Laurence, papaint naman nito ng green. Tapos bigay mo kay Renz, pa'draw kamo ng ganito." Inabot niya ang print ng design para dito.

"Sige Trix. Ako nang bahala dito." Alam niyang nakikiramdam din sa kanya ang iba niya pang kasama kaya nagpasya siyang sa baba na gawin ang mga dapat niyang gagawin.

Nilagay niya sa box ang gunting, glue at iba pang kakailanganin bago lumabas ng room. Bumaba siya at lumabas ng kitchen. Pagpasok niya sa maliit na kubo doon sa likod ay sinimulan na niya ang paggupit.

Napahinga siya ng malalim dahil sa mga pumapasok sa utak niya.

Get a grip of yourself, Trix. Emotions overpower you because you let it happen.

Napapikit siya para kalmahin ang sarili. Nang maramdamang pwede na siyang magtrabaho ay tinuloy na niya ang ginagawa.

Mag-aalas kwatro na ng pumasok siya sa loob ng kusina.

"Ate, okay lang po ba kung hatiran niyo muna sila ng meryenda sa taas?"

"Ay sige po Ma'am. Binilin naman na po yun sa amin ni Mam Irene."

"Salamat po. Ako na pong bahala nong sa akin. Wag niyo nalang pong sabihin kung nasaan ako pagnagtanong si Renz."

"Sige po Mam."

"Thank you po ulit manang." Lumapit siya sa ref at tiningnan ang laman nito. Kumuha lang siya ng chocolate drink bago kumuha ng nakahandang cookies sa mesa.

Mag-aalas sais na nang matapos niya ang ginagawa kaya umakyat na rin siya para tingnan ang mga kasama.

"Wow! Magaling ka pala talagang magpaint, Renz. Parang totoo." Sama-samang nakatingin ang mga ito sa ginawa ni Renz.

Nalipat sa kanya ang mga tingin nila nang makitang pumasok siya doon.

"Tapos na kami Trix. Tulungan nalang namin kayo kung marami pang gagawin."

"Tapos na rin ako, Trish. Pwede niyong iwan yung mga bagong pintura dito sa side para hindi magalaw habang pinapatuyo." Nilapag niya ang ginawa at nagsimulang magligpit ng ibang mga gamit. Tumulong na rin ang mga kasama sa kanya.

"Pwede na kayong magwash-up. Nagpahanda na ako ng dinner sa baba. Sabay-sabay na tayong kumain."

"Pwede ba tayong mag-usap saglit?" Napatigil siya ng hakbang palabas nang magsalita si Renz. Tiningnan niya ang mga kasama na nagkunwaring walang narinig.

"We can talk after dinner. Maliligo lang ako." Yun lang at walang lingon na lumabas siya ng workroom.

The Point of No Return (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora