Chapter 25

2 1 0
                                    

Nakangiting nag-inat siya bago tumayo sa inuupuan.

"Finally!" Nakataas pa sa ere ang dalawang kamay ni Dana habang nakatingin sa final draft ng school paper nila. "Thank you, guys!"

"Yown! Pwede ng umuwi."

"Yes! Una na kami Chief, Sec, Max." Tinanguan lang nila ang mga kasamahang isa-isang lumabas sa pinto ng office nila.

"Alas sais palang naman, gusto niyong kumain muna tayo bago umuwi?"

"Thanks, Max! Pero kelangan ko pang dumaan sa faculty room para ipasa to."

"Okay lang chief, samahan ka na namin." Pasimple niyang kinindatan si Max na nangingiting napailing nalang.

Niligpit muna nila ang nagkalat na mga papel bago sila lumabas ng office. Inakbayan siya ni Max bago bumulong. "Thanks, sec. The best ka talaga." Nagfist bump pa sila gaya ng matalik na magkaibigan.

"Ehem!" Agad siyang napatingin sa harapan. Isang masamang tingin naman ang binigay sa kanya ni Renz bago inilipat ang tingin sa kamay ni Max na hindi pa rin nito inaalis sa pagkakaakbay sa kanya.

"May kailangan ka, Renz?" Kaswal na tanong niya rito. Nagtataka namang nakatingin lang si Dana sa mga nangyayari dahil wala itong kaalam-alam.

"Pauwi na kayo?"

"Magdidinner pa kami, mauna na kayo."

"Oh, you may join us if you want." Biglang singit ni Max na tinaasan niya ng kilay. Ngumiti lang ito at kinindatan siya.

Paglingon niya kay Dana ay nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang tatlo. "Oh! Sorry. Chief si Renz nga pala. Renz si Dana EIC namin."

Inoffer naman ni Renz ang kamay para sa isang handshake. "Nice meeting you." Nginitian naman ito ni Dana.

Bago pa man matapos ni Dana ang dialogue niya na "Same here" ay hinila naman siya ni Max paalis.

Seryoso itong naglalakad habang nakapasok ang parehong kamay sa magkabilang bulsa. Nakangising sinundot niya ito sa tagiliran. "Uy! Nangangamoy selos."

"Bakit ikaw, hindi?" Umiling lang siya at binigyan ito ng isang ngiting pang-asar. Lumingon naman siya sa dalawang nakasunod na sa kanila at mukhang seryosong nag-uusap. "Rendahan mo yang jowa mo, Sec. Makakatikim sakin yan."

"Excuse me. Single kaya ako."

"So okay lang sa'yo na magpacute si Dana don?"

Nakakunot ang noo nito kaya lalo pa siyang napapangiti. "Anong masama? Single siya, single si Dana."

"Akala ko pa naman best buddy kita."

Napahagalpak siya ng tawa dahil parang nagtatampong nagwalk out pa ito. "I love you too, Max!"

Napalingon naman ito sa kanya at tiningnan siya ng masama kaya mas lalo pa siyang natawa. "Masaya ka eh noh?"

"Kung teritoryo mo, bakuran mo. Para walang invasion na maganap. Painvite-invite ka pa ha? Ano ka ngayon."

"Tigilan mo ako sec, kung ayaw mong paliparin kita."

Nasa labas na sila ng faculty room kaya nilingon niya ang dalawang nag-uusap sa likod. Natawa ulit siya ng makita ang facial expression ni Max habang nakatingin sa dalawa. Naupo siya sa bench at nagsimulang kumanta para asarin ito. "I can dance, I can fly, And touch the rainbow in the sky. I can be your good friend, I can love you until the end."

Napatigil siya nang maupo si Renz sa tabi niya. Pagtingin niya sa harap niya ay nakangisi naman sa kanya si Max.

"Tara na guys?" Nakangiting sabi ni Dana pagkalabas ng faculty room at diretsong nakatingin kay Renz. Nilingon niya si Renz na ngayon ay nakangiti din kay Dana.

The Point of No Return (Completed)Where stories live. Discover now