Chapter 17

5 1 0
                                    

"Bes! Ba't maaga kang umalis kagabi? I thought you'll stay at the villa. Hindi ka man lang nagpaalam." Nakasimangot itong lumapit at nilapag ang bag sa tabi niya.  Si Brian na ang nakaupo sa may isle kasunod si Venice, siya at si Renz.

"Tumawag kasi si mommy. May pinuntahan lang siya at padaan na rin siya ng villa kaya sumabay na ako pauwi." Tapos na ang party ng dumaan ang mommy niya sa villa at saktong palabas na rin siya ng gate kaya sumabay na siya dito. Hindi na rin ito nagtanong pa kung bakit siya uuwi.

"Ah ganon ba? Doon kami kila Renz mamaya mag-oovernight. Sama ka ha?" Nakangiti nitong sabi sa kanya pero nanatiling blangko ang ekspresyon niya.

"Kila Dana kami mamaya mag-oovernight." Ramdam niyang pati ang dalawang lalaki ay napatingin sa kanya.

"Ha? Anong gagawin mo doon?" Nagtataka nitong tanong.

"Tatapusin lang namin ang drafts para sa school paper. Malapit nang magrelease kaya busy kami ngayon."

"Ahhh..." Tatango-tango lang ito habang nag-iisip. "Next time nalang?" Tumango lang siya at binaling ang atensiyon sa harap ng classroom.

Pagkatapos ng unang subject ay inexcuse na siya ng homeroom teacher nila para sa meeting nilang mga editors.

Kanya-kanyang workstation ang bawat editors maliban sa kanilang tatlo nina Dana (Editor-in-Chief) at Max (Associate Editor). Magkakatabi sila sa mahabang mesa habang gumagawa ng drafts samantalang ang ibang staff naman ay nag-aayos ng mga reports nila.

"Sec, ikaw na ang bahalang kumausap sa mga editors para sa mga reports na ipa-publish natin. Give them until this afternoon para maumpisahan na natin ang outline ng actual paper mamaya."

"No worries, chief." Tinanguan lang siya nito. "Pacheck nalang din ng article ko for literary page, additional lang naman siya. Kahit pagkatapos na ng articles mo. Eto na rin pala ang hinihingi mo sa cartoonist."

"Thank you, sec. Kayo na ang bahala ni Max dito. Pupunta lang ako kay Ms. Rhea, pinapatawag daw ako." Niligpit na nito ang gamit habang kinakausap ang ibang staff.

"Antayin ka na namin sa canteen, chief. Pag-usapan nalang natin ang iba pang gagawin over lunch." Singit ni Max nang paalis na si Dana. Tumango lang ito bago nawala sa paningin nila.

"Lunch muna kayo guys! You have until 6 para ifinalize ang mga articles ninyo."

"Thanks, sec!" Sabay-sabay nitong sabi bago nagsiligpit ng mga gamit. "Bye! Sec, Max una na kami."

"Sec?" Nakasanayan na ng mga kasama ang tawag sa kanya dahil para siyang nagsisilbing secretary ng org nila.

"Hmmm?" Napatingin siya kay Max habang naglalakad sila papuntang canteen.

"May problema ka ba lately?" Nasa ibang section ito at nakilala lang niya nang sumali siya sa org nila. "Medyo tahimik ka kasi. Though tahimik ka naman usually, but you seem to think a lot."

"Madami lang talagang nangyayari ngayon, Max. Tsaka kailangan ko munang magfocus sa deadline natin. Malapit na yung first issue natin."

Ngumiti ito sa kanya. "Masyado ka bang napressure? Andito lang ako if you need help. I can't be more of a help most of the time pero I'll try my best to make things easier for you."

Napangiti siya dahil sa sincerity nito. Hinampas niya ito sa braso at kumapit dito. "How about annoying you? Can I?"

Natawa din ito at ginulo ang ulo niya. "Of course, anytime."

Tinanggal niya ang pagkakahawak sa braso nito at pinasok ang kamay sa bulsa ng pantalon niya. Non-uniform day nila kaya pwede silang magcasual dress.

The Point of No Return (Completed)Where stories live. Discover now