Chapter 5

10 1 0
                                    

"Okay lang ako Renz." Pilit niyang binabalik dito ang longsleeve polo na isinuot nito sa kanya.

"Sige na Trix, giniginaw ka na oh." Sa huli ay isinuot nalang niya ito dahil medyo maginaw na at nakasleeveless lang siya.

Nasa taas sila ng tree house na nasa likod ng villa. Pareho silang nakasalampak sa kawayang sahig nito habang nakatingin sa langit.

"Thank you, Renz."

"Okay lang, may t-shirt pa naman ako."

"Hindi lang dito. Thank you for staying with me here." Napalingon ito sa kanya at ngumiti. "Nakwento na ba ni Brian sa'yo ang tungkol sa akin?"

Tumango lang ito bago binaling ang tingin sa langit. "Starting from the accident."

"So, alam mo din kung bakit ako napunta sa states?" Nilingon niya ito at hindi niya maiwasang mapatitig sa mukha nito. May kung anong tila nakakahipnotismo dito na tila ayaw niyang alisin ang paningin niya.

"Hmmm. I saw you at SIS," tatango-tango nitong sagot at nilingon siya. Iniwas naman niya ang tingin para hindi nito mahalatang tinititigan niya.

"So kilala mo na nga ako before. Ba't di ka man lang lumapit?" Bahagya niya lang itong nilingon dahil bigla siyang nailang sa titig nito.

"Baka magulat ka kung may poging bigla nalang sumulpot sa harapan mo," ngingiti-ngiti nitong sagot dahilan para ibalik niya ulit ang paningin dito.

"Yaaah! Renz! Ikaw ba yan?" Natawa naman ito sa reaksiyon niya.

"Bakit? Hindi ba totoo?" Nakangiti pa ring tanong nito.

"Hindi ko lang inexpect na medyo mataas ang confidence level mo," naiiling niyang sagot habang pinipigilan ang mapangiti.

"Bakit? Hindi ka ba napopogian sa akin?" Nagpogi sign pa ito at nagwink sa kanya kaya hinampas niya ito. Parang nawala ang pagka-ilang niya sa binata.

"Magkaibigan nga kayo ni Brian. Dinaig pa ang babae sa moodswings. Minsan tahimik, minsan maingay, madalas may saltik," seryoso niyang sabi habang kagat-kagat ang ibabang labi para pigilan ang matawa.

"Ouch!" Hinawakan pa nito ang dibdib at umarteng nasasaktan. Hinampas niya naman ito sa braso kaya natawa ito.

"Seryoso nga? Tinatanong ng maayos eh."

"Hindi ko alam na magkapatid kayo. Nalaman ko lang nitong bakasyon dahil nakwento niya."

"Kaya pala may pa 'small world' 'small world ka pa?" Natawa lang ito. "Wag ka kayang dumikit kay Brian. Nahahawaan ka lang ata ng kasungitan non eh."

"Mabait naman yung kapatid mo ah. May sweet bones din yun, di lang halata." Napangiti naman siya.

"Mapride kamo," napapailing niyang sagot. "At ayaw masira ang badboy image niya."

"Kinikilig si Trixie Faye." Pang'aasar nito.

"Tigilan mo ako Renz Matthew." Napalingon siya ng sumandal ito sa tabi niya. "Anong binabalak mo Renz?"

"Wala ah." Seryoso nitong sabi na parang pinipigilan ang tawa.

"Sasapakin kita." Nakangiti lang itong nakatingin sa langit kaya hinawakan niya ang kamay nito. "Wag mo kong kikilitiin, ihuhulog kita dito."

"Wala akong ginagawa sa'yo, Trix."

"Wala din akong sinasabi, Matt." Napalingon ito sa kanya at nakataas ang kilay.

"Bitawan mo nga ang kamay ko, wala naman akong ginagawa." Malumanay nitong sabi na parang nakikipag-usap sa bata.

"Ayoko!"

The Point of No Return (Completed)Where stories live. Discover now