Chapter 10

8 1 0
                                    

Katatapos lang niyang maligo at pababa na sana siya para sumabay sa mga kasamang kumain nang marinig niya ang kakaibang ingay. Naihilig niya ang ulo at nag-iisip kung bakit ganon nalang kaingay ang mga kasama.

"Ang tagal naman ni Trixie maligo. Nakakahiya." Hindi pamilyar sa kanya ang boses na narinig kaya sumilip siya sa barandilya habang pababa ng hagdan. "Siya nalang tuloy ang inaantay."

Napakunot ang noo niya nang makita kung sino-sino ang nandoon.

"Princess! There you are. Kanina ka pa namin inaantay."

"Mommy, what are you doing here?"

Napanganga at nanlaki ang mata ng kaninang nagsalita. Hinalikan niya ang mommy Aira niya pagkalapit niya sa mga ito.

"Hinatid ko lang ang kuya mo at mga kagrupo niya dito. Hindi sila pwedeng magdinner kila Venice dahil nandoon ang daddy niyo at may meeting sila."

"Tita." Lumapit naman siya sa mommy ni Renz nang mapansing nandoon din ito.

"Sweetie!" Hindi pa rin siya nito binibitawan sa pagkakayakap. "Oh? Andito pa pala yang damit mo? Buti at kasya pa sa'yo."

"Let's eat na. Baka gutom na po sila." Nagpatiuna na siya sa kusina at tahimik lang na nakasunod sa kanya ang mga kaklase.

"What happened to the four of you?" Nagtatakang tanong ng mommy Aira niya nang mapansing magkakahiwalay silang naupo. Walang sumagot sa kanila at tuloy lang sa pagkain ang tatlo.

Nasa dulo siya katabi ni Tricia magkakasunod silang magkagrupo at nasa kabilang dulo si Renz habang nasa katapat nila sina Venice, Brian, Shara, Aya, Yeisha at Luke. Nasa counter lang ang mommy ni Renz at mommy Aira nila.

"Are you not going to eat rice, princess?" Umiling lang siya habang gumagawa ng sandwich niya. Maya-maya ay kumuha naman siya ng choco drink sa ref. Wala pa ring gaanong umiimik sa mga kasama niya.

"Brian, why don't you gave your sister a lasagna. Bibihira nalang yang kumain ng kanin."

"Why don't you ask Renz to gave it to her." Sarkastikong sagot nito habang nakatingin sa kinakain.

"Brian?!"

"It's okay mom." Kinuha niya ang ginawang sandwich kasama ng choco drink at lumabas ng bahay. Naupo siya sa swing na nasa may garden sa harap ng bahay at doon kinain ang sandwich.

Nang maubos ay pumasok ulit siya sa loob. Nag-uusap na ang iba maliban sa tatlo. Lumapit naman siya sa dalawang ginang na nasa kitchen counter at seryosong nag-uusap.

"Mommy, tita uwi na po ako." Naramdaman niyang napatingin sa kanya ang mga nasa mesa.

"Sumabay ka na sa amin. Gabi na at delikado."

"Wag na po. Sa bahay po muna ako uuwi ngayon."

"Hatid na kita." Singit naman ni Renz.

Tinitigan niya lang ito at bago pa man siya makasagot ay nagring na ang phone niya.

Drake Calling..

Nagtatakang sinagot niya ang tawag. "Hey.."

"Where are you?"

"Why do people always ask for my whereabouts everytime they call me?"

"Why do you sound so pissed off?" Natatawang sagot nito.

"What do you want?"

"You." Napapikit siya para pigilan ang inis.

"Did you just call to piss me off Drake Harisson?" Naramdaman niya lumapit si Renz sa kinatatayuan niya.

"Hey! I'm just kidding. I'm here in the Philippines and I just want to meet you."

"I'm sorry, can't see you right now. Maybe some other time." Binaba na niya ang tawag at pinatay ang cellphone.

"Nasaan daw siya?" Nagtatakang napatingin siya kay Renz na seryosong nag-aantay sa sagot niya.

"Hindi ko alam kung saang lupalop ng Pilipinas. Tawagan mo nalang para malaman mo." Palabas na siya ng kusina nang pigilan siya nito.

"Is he with Sav?" Napapikit siya nang mariin bago ito lingunin.

"I don't know. Siguro, lagi namang magkasama ang dalawang yun eh."

"Trix, can you please stay for a bit?" Alam niyang nagtataka na rin ang iba sa pinag-uusapan nila kaya tahimik lang ang mga itong nakamasid sa kanila.

"Is it Sav?" Tumango ito. "Don't worry, hindi yun mag-eeskandalo dito."

"Matagal mo na bang alam?"

"Kanina lang. When I saw your picture." Binigyan niya ito ng isang pilit na ngiti.

"I'm sorry." Nakayuko nitong sabi.

"I have to go."

"What's going on between you two?" Narinig niyang tanong ng mommy nito kay Renz.

Pagkalabas ng gate ay tumakbo siya paalis at tumigil lang nang marating ang playground ng village.

Hinayaan na rin niyang pumatak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Mas masakit pa ito kesa nong malaman niyang nililigawan ni Macky si Shara.

"Of all people, why it has to be Savanna? Why?!" Gusto niyang ilabas lahat ng sakit na nararamdaman niya.

"Stop crying, Sav. You don't deserve this." Inaalo niya ang kaibigan dahil kanina pa ito hindi tumitigil sa pag-iyak.

"I know it even before. I love him, but he can't love me back. He loves someone else." Patuloy lang siya sa paghagod ng likod nito. "But I didn't know it would hurt more than it did hurt before just by hearing those exact words from him."

"Tell me who's that punk and I will give him a dose of his own medicine." Bahagya itong natawa kahit tuloy-tuloy ang luha sa pag-agos sa mga mata nito.

"Nah! I guess I have to let him go. I just wish you'll not meet the same guy. It will just broke your heart."

"No one could break a broken heart."

Ngumiti lang ito sa kanya. "You'll meet a guy who'll heal this in due time." Hinawakan nito ang dibdib niya. "Just don't let anyone break it again, because if you do you can't find anyone to heal it anymore."

"It will never happen. No. Not to me." Hinawakan niya ang dibdib habang wala pa rin tigil sa pag-agos ang mga luha niya. Hindi niya rin maintindihan ang sarili kanina pa. Sa tuwing maiisip niya na si Renz pala ang gusto ni Savanna dati ay naiiyak na siya.

Naupo siya sa dulo ng slide and sumandal dito. Kinuha niya ang cellphone na nasa bulsa at binuksan. Wala pa man isang minuto ay nakatanggap na siya ng tawag mula kay Renz. Kinancel niya ito at tinawagan ang mommy niya.

"Mommy, maya-maya lang po ako uuwi. Don't worry, I'll be safe."

Pagkatapos ng tawag ay pinatay niya ulit ito. Nagkausap na sila ng mommy niya tungkol sa ginawa niyang pag-alis at naghingi na siya ng tawad.

"Hindi pa nga ako tapos sa isa, may isa pa ulit. Baka naman mabaliw na ako nito."

Nakatitig lang siya sa langit ng matagal nang maalala niya si Renz. Nong panahong nasa playground sila ng school at noong nasa tree house sila.

"Why can't I just get you out of my mind. Aaaargh!" Naihilamos niya ang kamay sa mukha dala ng frustration. "Waaaah----Ouch!"

Napahawak siya sa likod ng ulo niyang nasaktan nang tumama ito sa sementadong slide nang akmang aatras siya dahil sa gulat.

"You're so hard-headed." Napapailing na wika ng kaharap niya bago ito lumapit para tingnan ang ulo niya.

"Renz Matthew Dizon! Kelan mo ba ako tatantanan?!"

The Point of No Return (Completed)Where stories live. Discover now