Chapter 22

2 1 0
                                    

Kanina pa siya nakatitig sa paanan niya at pinagtiya-tiyagaang bilangin ang mga nakapilang langgam. Bukod sa hindi niya alam ang gagawin, hindi niya rin alam kung paanong kakausapin si Renz na ngayon ay nakasandal sa mesa habang nakatagilid sa kanya. Iilan nalang din ang mga estudyanteng naroroon at tila nagpapalipas oras lang ang mga ito dahil uwian na rin.

Wala siyang ideya kung ano ang gusto nitong mangyari dahil basta lang siya nitong hinila kanina pagkatapos ng klase nila sa Filipino 3.

"Ehem!" Bahagyang lumingon ito sa kanya. "May sasabihin ka ba? Baka kasi inaantay na ako ni Max." Nagtext kasi ito bago ang dismissal niya na sinundo na si Ara ng daddy nila kaya sabay nalang silang magcocommute pauwi.

"Are you staying with him?" Diretso lang ang tingin nito sa harapan nito na para bang hindi siya ang kausap.

Napa eyeroll siya bago magsalita. "Hinila mo ba ako dito sa garden para lang tanungin yan? For heaven's sake Renz Matthew, you could have asked me that inside the room."

"Just answer me."

"Yes. Any problem with that?"

Humarap ito sa kanya at tinitigan siya bago nagsalita. "Are you insane? Okay lang sa'yo na tumira sa bahay ng lalaki? Ano nalang ang iisipin--"

"Wala akong pakialam sa iisipin ng kung sino mang Poncio Pilato." Hindi nito naituloy ang sasabihin dahil agad niya itong pinutol. "Si Venice nga nakikisleep-over sa inyo o kila Brian. What's the difference?"

Natahimik ito at nakatitig pa rin sa kanya na tila ba hindi makapaniwala sa sinabi niya. "Wala akong obligasyon para magpaliwanag sa'yo, Renz. Just leave me alone."

Tumayo na siya at akmang tatalikuran ito nang eksaktong dumaan si Macky at Shara na napatigil nang makita sila. Nasa likod nang mga ito sila Aya at Pauleen. "Why do you always have to push everyone away? You keep on leaving everything behind rather than facing them."

Nakatalikod siya kay Renz at nakaharap sa apat pero hindi siya umalis sa kinatatayuan niya nang magsalita ito. "Because it's the least thing I can do for myself to keep me sane and to stop my heart from shattering into pieces." Nakatingin siya kay Macky habang sinasabi ito.

"Bakit ba madali sa'yo ang tumakas kesa humingi ng tulong. Trix, nandito naman kami, ako. But why do you always have to keep everything to yourself?"

Hindi niya pa rin inaalis ang tingin kay Macky na nakatingin din sa kanya. "I used to beg everyone to stay but they always choose to leave and hurt me. Pagod na ako, Renz." This time ay nilingon na niya ito. "You're the only person who isn't tired of staying despite of me pushing you away. Sobrang thankful ako na nakilala kita. Everytime I thought of being alone, you always came."

Hindi na niya namalayan ang mga luhang mabilis na umagos sa pisngi niya. "But seeing you now, you always remind me of how far I've gone, when all I wanted is to be back to who I am before I knew dad. Alam mo ang nangyari when I came to know them. I am devastated before but I feel like I am more devastated right now. I can't undone what's been done, and there's no point of turning back. I want to fix it, and I want to do it alone."

"I've been with you even before you meet them. You're just oblivious of what's happening around you and your feelings, that's why you didn't notice me." Napanganga siya dahil wala siyang maintindihan sa sinabi nito. Bago pa man siya makapagsalita para tanungin kung anong ibig nitong sabihin ay naglalakad na ito palayo.

"Sec! Kanina pa kita hinahanap. Oh hi bro, anong ginagawa niyo dito." Inakbayan siya ni Max at tila walang sa mga nangyayari. "Nag-usap ba kayo ni Renz?" Tumango lang siya habang sinusundan ng tingin si Renz hanggang sa mawala ito sa paningin niya.

"Una na kami, Max."

"Sige Shara, ingat kayo." Hinila naman siya nito at hindi na nagsalita pa.

*******
"Hoi kayo! Wag niyo ng tutuksuhin si Trixie ha?" Binigyan niya ng masasamang tingin ang mga batang madalas mambully kay Trixie.

"Bakit Renz may gusto ka ba sa kanya? May boyfriend na yun no! Kasama niya nga ngayon doon sa playground."

"Ah basta! Wag niyo na siyang aawayin. Lagot kayo sa akin."

"Hindi mo naman kaibigan yun, ni hindi ka nga pinapansin eh."

"Pag may nakita akong umaaway sa kanya." Pinakita niya ang kamao sa mga kaklase.

"Oo na. Hindi na namin aawayin."

Magkaklase sila ni Trixie mula pa Grade 1 at madalas na itong away-awayin ng mga kaklase nila kaya hindi ito nakikipagkaibigan sa kahit na kanino.

Kapag inaaway ito ng mga kaklase ay lagi lang itong sa playground tumatakbo at umiiyak kaya sinusundan niya ito. Nahihiya siyang lumapit dito kaya kahit hindi nito alam ay sinasabayan niya ito ng kain tuwing lunch time sa playground. Minsan ay nilalagyan niya ng sandwich ang bag nito dahil hindi ito lumalabas ng classroom kapag breaktime para bumili sa canteen.

Kahit na madalas na nitong kasama si Macky ay sinusundan niya pa rin ito hanggang sa mag grade 6 sila at nakita niya na nagsimula na itong mag-ayos at halatang may gusto na kay Macky. Akala niya noon ay naawa lang siya dito pero hindi niya alam kung bakit nasasaktan siya tuwing nakikita niyang nginingitian nito si Macky at parang hangin na dumadaan lang siya sa harap nito.

Alam niyang bata pa siya para makaramdam ng ganito kaya naisip niyang lumayo nalang muna dito. Alam niyang hindi siya makakatiis na puntahan ito kapag malapit lang siya dito kaya nakiusap siya sa daddy niya na sa states na mag-aral ng high school para tuluyang makalimutan ito.

Ilang buwan palang siya sa SIS ng makita niyang nagtransfer ito doon kaya nagtaka siya.

"Savanna's fond of this cute girl that's why she stop bugging you. She always want to hangout with her."

"That's good." Walang pakialam na sagot niya habang busy sa pagbabasa ng librong hawak niya.

"Do you want to see the girl? She's kind of different."

Inangat niya ang tingin sa kaibigan. "I don't care."

"Com'on man. Your grades won't deflate just by checking on some random girl. Besides, this is far from hot chicks roaming around the campus."

"And it won't kill if I want to stay here, reading my book. I have no interest for those women." Bigla niyang naalala si Trixie kaya natigilan siya.

"Man you're boring." Napailing nalang siya sa kasama na panay ang tingin sa mga dumadaan. "Oh! That's her. She's with Savanna."

Nanlaki ang mata niya nang makitang si Trixie ang kasama ni Savanna na noo'y papalapit na sa pwesto nila. "Sav! Here." Agad niyang kinuha ang libro at bag tsaka umalis. Hindi pa man siya nakakalayo ng marinig niya ang boses ni Savanna.

"Where's Renz?"

"Wow! He manage to escape that fast?"

Sumilip siya sa pinagtataguang halaman at nakitang masayang nakikipag-usap ito sa dalawa. Hindi niya mapigilan ang mapangiti.

'At least you've got yourself friends without anybody's help.'

The Point of No Return (Completed)Where stories live. Discover now