Chapter 20

6 1 0
                                    

"Do you always have to make everyone worry about you, Trixie Faye?" Nasa villa M siya ngayon at pinapagalitan ng daddy niya. Halos hatinggabi na sila nakauwi ni Renz kagabi sa bahay nila kaya tumawag ang mommy niya sa villa M. Maaga palang kanina ay pinasundo na siya ng daddy niya at sumama na rin ang mommy niya dahil gusto silang makausap ng ama.

Hindi siya umimik at nakatungo lang. Nasa single sofa siya habang nasa isang mahabang sofa na kaharap niya ang daddy niya at asawa nito. Nasa kabilang gilid naman ang mommy niya at dalawang kapatid habang nasa tapat nito si Venice, Rhayzel at Renz.

"You did these escaping scheme for how many times already, aren't you tired of it?" Hindi na ito nakasigaw pero ramdam pa rin niya ang galit sa boses nito. "Magsasalita ka ba o mananahimik lang?!"

Halos mapatayo siya sa upuan nang biglang tumaas ang boses nito.

"Hon, don't scare your daughter." Malambing na wika ng asawa nito kaya napangisi siya bago inangat ang mukha na may seryosong ekspresyon at tinitigan ang daddy niya.

"What's with that face?"

"Aren't you also tired of scolding me?"

"Trixie Faye?! Don't answer your dad like that." Singit ng mommy niya kaya nilipat niya ang tingin niya dito.

"What?" Masamang tingin ang binigay nito sa kanya pero nagpatuloy pa rin siya sa pagsalita. "Akala ko ba pagod na kayong lahat sa akin? So what's the point of this talk?"

"Drei!" Pakiramdam niya ay namanhid ang pisngi niya sa sampal na natanggap niya mula sa daddy niya. Lumapit naman sa kanya ang mommy Aira niya pero iniwas niya ang pisngi nang akmang hahawakan nito.

"I'm not your daughter, so don't bother." Matigas na sabi niya dito.

"How dare you talk to your mom like that. Ungrateful bitch!" Inawat naman ito ng asawa ng akmang lalapit na naman sa kanya ang daddy niya. Tatayo na sana si Renz pero pinigilan ito ng ate niya.

"She's not my mom, so there's nothing to be grateful for." Nakita niyang parang nasaktan ito sa sinabi niya pero hindi niya ito pinansin.

"Pinagsisisihan ko na dinala pa kita dito sa pamamahay ko! Wala kang utang na loob. Your mom accepted you without hesitation and your acting like this?"

"Mas pinagsisihan ko na nakilala ko pa kayo." Halos hindi ito makapaniwala sa sinabi niya. Maging ang mga kasama ay gulat din na napatingin sa kanya. "I've been struggling for 12 years without my parents, I didn't know that it's even harder to have you both."

"Say sorry to your dad and your mommy Aira, Trixie Faye." Seryosong wika ng mommy niya.

"Why should I?" Matigas niyang sagot dito kaya tumayo ito at lumapit sa kanya pero inunahan niya itong magsalita kaya napatigil ito. "If you insist on that apology thing then do it yourself. Ganyan ka naman eh. Pagdating sa pamilya nila sunud-sunuran ka. Kung pwede lang ibenta mo ako sa asawa ni dad, ginawa mo na."

Hindi nagsalita ang mommy niya pero nakita niyang nakakuyom na ang kamo nito senyales na pinipigilan ang galit. "Bakit? Totoo naman ah. Before they came, you don't give a damn if I am still alive or not. Pero simula nong dumating sila saka ka lang nagpakananay sa akin. And aside from that you keep on pushing me to be here with them than to stay with you. What do you think of me? An item? Na anytime pwede mong ipamigay kasi may natanggap kang bayad?"

"You really are impossible!"

"Oh really?" Nagsmirked siya dito. "When I kept on asking who my dad is, you kept on ignoring me. When I ask you to be my mom even just for a while, you disregarded me. When I need you to stay at my side, you abandoned me. Sino ngayon sa atin ang mas impossible 'my?"

"Hindi mo kailangang bastusin ang mommy mo sa harap namin, Trixie Faye. Have some decency and respect. Masyado kang bastos!"

Natawa siya ng mapakla ng sumali ulit sa usapan ang daddy niya. "Oh is that so? Diba kapag lumaking bastos ang anak ibig sabihin hindi napalaki ng maayos ng mga magulang?"

"What's with that attitude, Trixie Faye?" Alam niyang nagpipigil na rin ng galit ang daddy niya.

"Simple lang naman ang hiling ko. Ang magkaroon ng masaya at buong pamilya, pero dahil pinagkait sa akin yun humiling ulit ako." Diretso lang ang tingin niya sa daddy niya. "Sana matanggap ko ang pamilyang ibinigay sa akin. Wala naman na akong magagawa dahil sabit lang ako sa pamilyang ito. Okay na ako basta maayos ang relasyon ko sa parehong magulang ko."

Huminga siya ng malalim bago tinuloy ang sinasabi. "Akala ko naman maayos na lahat. Kahit may mga pangyayari na hindi tama, pinapalagpas ko lang kasi nga ayoko magtanim ng sama ng loob sa inyo. Pero minsan nakakapagod din pala na intindihin lahat samantalang wala namang nakakaintindi sa akin."

"We're all trying to understand you, but you keep on ignoring us." Napatingin siya kay Brian na hindi na napigilang manahimik.

"Listen to me all of you, dahil isang beses ko lamg 'tong sasabihin. Una, hindi ako nagtangkang magpakamatay 3 years ago gaya ng iniisip niyo. Ayokong magsalita dahil mapapahamak ang mga kaibigan ko.

Pangalawa, hindi ako bumalik dito para kay Macky or para paghiwalayin sila ng girlfriend niya. I want to face my past so I can move on with my life.

Pangatlo, don't compare Renz with Macky na para bang mauulit lahat ng nangyari sa akin before dahil malapit kami ni Renz sa isa't-isa. Ni minsan hindi ko naisip magpakamatay dahil lang sa rejection. All this years I felt like I am rejected by my family, pero hindi sumagi sa isip ko ang magpakamatay. Ang mareject pa kaya ng lalaki?

Pang-apat, right after that incident a month ago madaming beses akong pinagtangkaang kidnapin ng mga taong nahuling may pakana sa nagyayari, which is dad's business competitor. I keep distance to everyone dahil ayokong may madamay at mapahamak dahil ako talaga ang target nila since nalaman nilang ako lang ang nag-iisang anak na babae ni daddy. They want to use me against dad."

"Why didn't you tell us earlier?!"

"I didn't mean to act to be a know-it-all brat, I don't want to bother everyone if I can manage to solve it alone."

"Is there anything else that you're keeping from us?"

"Oh yes dad." Sarkastiko niyang wika. "That I heard you and your wife talking about me and mom."

"Did you hear---"

"All of it." Nagkatinginan naman ang mag-asawa na parang hindi alam ang sasabihin. "Don't worry, I manage to cope up with all your news." Nakasmirk niyang sabi bago binaling ang tingin kay Venice na nanlaki naman ang mga mata.

"Just when I thought everything's fine. Hindi ko din naman kayo masisisi, mas importante ang pangalan niyo kesa sa akin. Sana sinabi niyo nalang. Madali po akong kausap."

"What are you talking about?" Tila wala sa sariling tanong ng mommy niya at nakatitig lang sa kanya.

"You wrecked this family." Sa mag-asawa siya nakatingin. "What do you think you're doing all this time? Sa tingin mo ba nakatulong ang pagpapakilala mo sakin bilang anak ni dad? Hindi lahat ng bagay kaya mong ayusin 'my."

Nilingon niya ang mommy niya na nakatayo pa rin sa gilid niya. "You can't give me a family by just pushing me to stay with them." Tumulo naman ang mga luha nito habang nakatitig lang sa kanya. "Nabuhay ako ng labindalawang taon na walang ama. What do you think would be the difference when I get to know him?"

"Sa tingin mo ba sumaya ako dahil sa pamilya at pera niya? Sarili mo pa rin ang iniisip mo, dahil kung iniisip mo ang kapakanan ko, you would never ask for his help noong naaksidente ako. You should've let me die. Tutal para naman na akong patay sa inyo mula umpisa." Isang malakas na sampal ulit ang natanggap niya. Napangisi siya ng makitang may pulang likido sa palad na hinawak niya sa pisngi.

"Sorry--" Maging ito ay nagulat din sa iniakto nito.

"I hope that made you feel better." Tumayo na siya at lumabas ng bahay.

"Trix!"

"I want to be alone, Renz." Walang emosyong sabi niya dito bago tuloy-tuloy na lumabas ng gate.

The Point of No Return (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora