Chapter 11

8 1 0
                                    

"Tricia, I'm impressed! Your group made an excellent props for the drama club." Nagpalakpakan naman ang mga classmates nila.

"It's Trixie's idea Ma'am. Tumulong lang po kami sa paggawa. She made the designs and all."

"Wow! Do you have a background on stage play, Ms. Martinez? It is well designed and not just an ordinary one. " Tumango lang siya sa guro. "Why don't you join the club? Have you tried acting?"

"It's nice doing the props Ma'am, but thank you I don't have plan on joining the club."

"But you'll be a big help if you join. Tell me when you change your mind." Tumango nalang siya dito. Join para gumawa ng props? Iba din ang diskarte ni Mam.

Isang linggo na simula nang  magkita-kita sila sa bahay nila Renz. Simula noon ay araw-araw na silang nagpupunta doon para ayusin ang nakaassign sa kanilang trabaho. Nagkausap na rin sila nila Venice nang makita siya nang mga ito sa playground. Magkakasama ang tatlong hanapin siya noong gabing iyon. Hinatid siya ng mga ito sa bahay nila at doon na rin sila nag overnight.

Pero may mga bagay pa rin na iniiwasan nilang pag-usapan ni Renz, tulad ni Savanna.

It takes time to heal wounds, but it takes more time to talk about what cause it.

"Bes, sa inyo na ko matutulog mamaya ah?" Napalingon siya kay Venice nang bumulong ito sa kanya. Tuloy pa rin sa pagkausap ang guro nila tungkol sa mga naka-assign na trabaho sa kanila para sa darating na School Fair.

"Dadaan pa kami kila Renz. Madami pa kaming tatapusin."

"Tutulong nalang ako."

"Manggugulo ka lang, bes. Dun ka nalang sa villa M." Sumimangot ito pero pumayag din sa huli.

"Sis, punta ka daw sa weekend sa bahay sabi ni dad." Sinimangutan niya ito. San naman kaya napulot nito ang sis. "Ikaw magpaalam kung may gagawin kayo kila Renz."

"Wala ka talagang kwenta Brian, kahit kelan." Tinakpan lang nito ang tenga saglit at nagkunwaring nakikinig sa teacher nila.

Alam na ng mga classmates niya na magkapatid sila ni Brian. Kung sino man ang nagkwento ay di niya alam. Madami silang nandoon kila Renz kaya posible talagang kumalat yun sa school. Ang hindi lang alam ng mga ito ay kung paanong nakilala niya ang daddy niya.

Noon pa man ay alam ng lahat na wala siyang ama. Nitong nakilala niya naman ito ay ni hindi niya malang ito nakausap tungkol sa ibang bagay maliban sa bagay na gusto nitong mangyari sa kanya.

Maswerte na siya dahil tanggap siya ng asawa nito at mga anak at tinuring na kapamilya.

"Kayo ata ang may pinakamabigat na assignment sa lahat." Komento ni Venice habang kumakain sila ng tanghalian sa canteen.

"Masyado lang mataas ang standard ng kapatid ko kaya pinahirapan din ang mga kasama." Kelan pa naging feeling close tong bipolar kong kapatid?

"If you are asked to do certain things, do it wholeheartedly. Hindi yung basta mo nalang ginawa dahil hindi mo naman to gusto."

"Sis, ba't di ka nalang kaya sumali sa drama club. Gustong-gusto mo naman ata yang ginagawa mo." Umiling nalang siya dahil hindi niya alam kung paanong ipaliliwanag dito kung bakit ayaw niyang sumali sa club.

Simula nang magkaayos sila ay hindi na niya narinig ang dalawa na nagbabangayan. Siya na ang laging inaasar ng kapatid na lagi namang fail dahil hindi niya rin pinapatulan.

"Okay ka lang Renz? Kanina ka pa di umiimik jan." Hindi niya narinig itong magsalita kaya inisip niyang baka tumango lang ito.

Naramdaman niyang nagvibrate ang cellphone niya sa bulsa kaya tiningnan niya ito.

From : 09958263....

Pwede ba tayong mag-usap pagkatapos ng gagawin natin mamaya?

-Macky

Napatitig siya sa screen ng cellphone niya ng matagal bago iginala ang paningin sa paligid. Kasama nito ang girlfriend at mga kaibigan sa di kalayuang mesa.

Napailing nalang siyang tinago ang phone sa bulsa.

"Wala na pala tayong klase pagkatapos nito. Didiretso na ba kayo kila Renz?" Hindi siya mapakali dahil sa natanggap na text. "Bes, okay ka lang ba?"

"Ha?" Nag-angat siya ng tingin at napatango nalang nang makitang nakatingin sa kanya ang tatlo. Agad na umiwas si Renz nang tingnan niya ito.

"May nangyari ba? Ba't wala ka sa sarili? Tinatanong ko kung pupunta ba kayo kila Renz?"

Di pa man siya makasagot nang magvibrate ulit ang phone niya. Napapikit siya nang makita ang caller ID nito.

"Excuse. Sagutin ko lang to." Tumayo siya at lumabas muna ng canteen para sagutin ang tawag.

Pagbalik niya ay tahimik lang ang tatlo na nakatingin sa kanya.

"Renz, okay lang ba kung kayo muna ang gumawa ngayon? Hahabol nalang ako mamaya para e'check kung okay na at kung ano pang kulang. Nabigay ko naman na ang notes kay Tricia." Tumango lang ito.

"San ka pupunta?"

"Something came up. I have to go. Text nalang ako mamaya." Kinuha lang niya ang bag at umalis na.

*******
Mag-aalas sais na nang makarating siya kila Renz. Nadatnan niyang kumakain na ang mga ito ng hapunan.

"Okay ka lang, Trix?" Nginitian lang niya si Tricia at tinanguan. Naupo siya pinakadulo ng mesa.

"Titingnan ko nalang kung ano pa ang kailangang gawin. Baka bukas tapos na lahat. Sasama ako sa practice ng play sa wednesday para macheck kung wala nang dapat pang gawin."

"Samahan na kita, Trix." Alok ni Tricia. Tumango lang siya dito bilang sagot.

"Thank you guys for your cooperation. Malaking bagay yun at tulong sa drama club." Nginitian niya ang mga kasama.

"Napag-isipan mo na pala ang sinabi ni Ms. Perez? Bakit hindi mo e'try?"

"Ayoko nang makigulo pa, Trish." Nakangiting sagot niya dito. "Sige na guys, akyat muna ako. Go ahead kung kailangan niyo nang umuwi."

"Nga pala Trix, narinig ko kay Ms. Perez may bago daw na magdidirect ng play this week. Medyo OC daw yun sa stage presentation. Tingin mo okay kaya sa kanya yung props natin?"

"Don't worry, Trish. Everyone did a great job." Nag-aalangang tumango lang ito sa kanya.

Bago pa man siya makahakbang palabas ng kusina ay may tumawag sa pangalan niya kaya napalingon siya.

"Can we talk?" Tumango lang siya at nagpatiunang lumabas ng bahay.

The Point of No Return (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon