Chapter 3

10 1 0
                                    

"Bee.." Napaangat si Trixie mula sa pagkakayukyok sa upuan. Nagpasya siyang umidlip muna dahil maaga ulit siyang pumasok sa school.

"Yaaah!" Halos mapalundag siya nang makita ang taong nakasilip sa kanya na halos iilang dangkal nalang din ang layo ng mga mukha nila. "What do you think you're doing?!"

"I'm sorry. Nagising ba kita?" Tila nagulat ito sa iniasta niya. Napaatras ito at ngayon ay nakatayo lang sa harap niya.

"For goodness sake, Macky. Pwede bang magwarning ka muna bago ka lumapit?" Naiirita na siya kaya tiningnan niya ito ng masama.

"Akala ko kasi..." nag-aalangang nakatingin lang ito sa kanya.

"Tsk. What do you want?" Nakatingin lang siya sa white board na nasa harapan habang pilit na iniiwas ang tingin sa kausap. Ayaw niyang ipahalata na kinakabahan siya kaya itinago niya ang nanginginig na kamay sa kandungan niya.

"Pwede ba kitang makausap?" Hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa kanya.

Napataas ang kilay niya at awtomatikong napaharap sa kausap. "About what?"

"You---" Biglang tumunog ang ringtone niya kaya natigil ito sa pagsasalita. "Sagutin mo muna."

Kinuha niya ang cellphone sa bag, ni hindi niya man lang tiningnan ang caller ID at dire-diretso itong sinagot dahil si Brian lang naman ang madalas tumawag sa kanya ng ganoong oras. "Hmmm?"

"Where are you?" Dali-dali niya tiningnan ang caller ID para masiguro kung sino ang kausap niya. Nanlaki ang mga matang binalik niya ang celphone sa tenga.

"Hyung?!" Hindi maitago ang gulat at excitement sa boses niya. "Nasa bahay ka?"

"Yeah. I'm going to fetch you pero sabi ni tita umalis ka na daw."

"Nasa school na ako. Sunduin mo ko mamaya, please? Miss na kita." Paglalambing niya dito at tuluyan nang nakalimutan ang kausap kani-kanina lang.

Mas close sila ni Xander kesa ni Brian dahil mas matagal silang nagsama nito. Pareho kasi silang nasa states ng mahigit dalawang taon at silang dalawa lamg ang magkasama sa bahay maliban sa mga kasambahay na nag-aasikaso sa kanila doon.

"I miss you, too. I'll see you later. Sa villa na kayo matulog ni Venice."

"Yes! Bye, see you!" Pagkababa ng tawag ay sakto namang pagpasok ni Brian at Renz.

"Is that him?" Seryoso nitong tanong na tinanguan lang niya.

Nginitian niya si Brian nang iabot nito sa kanya ang paper bag na may sandwich at choco drink bago dumiretso sa upuan kasunod si Renz. Nginitian siya ni Renz nang dumaan sa harap niya kaya nginitian din niya ito at tinapik sa braso.

Pareho silang masungit pero pagdating sa kanya ay marunong din namang ngumiti si Renz. Siguro ay dahil sa schoolmates sila before at medyo nagkakasundo naman sila sa ibang bagay. Hindi katulad ni Brian na parang mini-me ng daddy niya sa kaistriktuhan.

"Habit mo na yata ang pag-alis ng maaga sa bahay niyo. Ayaw mo bang sinusundo kita, Trixie Faye?" Nakakunot-noong tanong nito sa kanya.

Napalingon siya ng biglang lumipat sa upuan sa harap si Macky nang dumating si Aya at Pauleen. Nakalimutan niyang magkausap nga pala sila kanina.

"Kaya ko naman kasi magcommute." Napatingin na rin sa kanila ang mga bagong dating. Inabot niya ang sandwich at nagsimulang kumain kahit ramdam niyang nakikinig at nakikiramdam lang ang mga ito sa kanila.

Kilala sila Brian at Venice dito sa school dahil sa connection ng mga pamilya nila. Friendly ang mga kaklase nila sa kanila pero halatang naiilang din ang mga ito lalo na kapag nagsungit na si Brian.

The Point of No Return (Completed)Where stories live. Discover now