Chapter 4

9 1 0
                                    

Isang puting van ang tumigil sa harap nilang apat habang nakatayo sa harap ng gate ng school. Hinintay naman sila ng dalawa hanggang matapos ang klase nila. Agad silang pumasok nang bumukas ang pinto nito.

"Hyung!" Niyakap niya ang lalaking nasa backseat at naupo sa tabi nito. Nakabusiness suit ito at nakashades. Tinanggal nito ang shades nang magsimulang umandar ang van. Nasa harap naman nakaupo ang PA nito at dalwang bodyguards kaya sa may gitnang seats naupo ang tatlo. "Ba't di mo sinabing uuwi ka?"

Ginulo nito ang buhok niya habang nakayakap din sa kanya. "Hi Venice!"

"Kuya mas lalo po kayong pumogi!" Nagpogi sign pa ito sa katabi niya.

"At mas lalo ka namang gumanda," nakangiting sagot ng katabi niya. Kinilig naman ang kaibigan sa sinabi nito kaya natawa siya.

"Nagpabola naman," singit naman ni Brian.

"Hoi! Wag kang nakikisagot kung di ka kausap ha?" Angal ni Venice na sigurado akong pagmumulan na naman ng away nila.

"Aray ko Venice, ano ba?" Hawak-hawak nito ang tenga ni Brian na pilit namang hinihila ang kamay paalis sa tenga niya.

"Ni hindi man lang kayo nagbago," nakangiting usal ng katabi niya habang nakatingin sa dalawa na abala pa rin sa pag-aaway. "How about you Renz, how's WA?"

"It looks fine," seryoso nitong sagot habang pilit umiiwas sa dalawang nagbabangayan.

Fine ha? Parang kanina lang gusto niyang isumpa ang filipino subjects.

"How are you, baby?" Baling naman nito sa kanya. Bago pa man siya makapagsalita ay lumipat sa tabi niya si Renz na masamang nakatingin sa dalawa. "You okay, Renz?" Natatawang tanong ni Xander dito.

"Yaaah! Ang gulo-gulo niyong dalawa. May naiistorbo kayo," sigaw niya sa dalawang nasa harapan na di pa rin tumitigil.

"Hayaan mo na," natatawang sabi sa kanya ni Xander. Napailing nalang siya dahil parang walang naririnig ang dalawa. "How's my baby sis?"

"I'm fine," nakangiti niyang baling dito. Ginulo ulit nito ang buhok niya. "Kelan ang balik mo?"

"Next week pa. Will you stay at the villa this week?" Tumango lang siya sa kapatid. "How are you and Brian?"

"He's trying to catch up. Maaga ako lagi sa school eh," nakangising sagot niya.

"Wag lang malaman ni dad dahil baka sa villa ka na tumira." Hindi siya umimik at iniwas ang tingin dito. "Bakit ba ayaw mo doon?"

"Bukod sa walang kasama si mommy sa bahay, siguradong babantayan lang ni dad lahat ang kinikilos ko doon," sagot niya.

Tahimik lang si Renz pero ramdam niyang nakikinig lang ito sa kanila.

"'Wag mo nalang intindihin si dad," nakangiti nitong sabi nang tingnan niya.

"Ayoko pa rin. I want to stay with mom." Tumango lang ito at binaling ang tingin sa labas ng sasakyan.

Pagkadating nila sa villa ay sinalubong sila ng asawa ng dad niya na mommy nila Xander at Brian na sa kanya lumapit.

Kilalang model si Xander sa states kaya Yu ang gamit nitong apelyido na kinuha sa mommy nito. Buwan lang ang tanda ni Brian sa kanya kaya magkaklase sila.

"Hey there princess. You didn't even paid a visit  to me since you came back here in the Philippines," nagtatampo nitong salubong sa kanya pero niyakap rin siya nito kaya napangiti siya.

"Sorry, mom. Medyo nanibago ako sa climate kaya nagkasakit ako noong unang dating ko tapos ngayon busy na sa school," pagpapaliwanag niya.

"How are you? Okay ka na?" Nag-aalala nitong tanong.

The Point of No Return (Completed)Where stories live. Discover now