Chapter 23

1 1 0
                                    

Ilang linggo pa ang nakalipas at bumalik na siya sa bahay nila. Pero kahit na nandoon na siya ay hindi pa rin sila nagkausap ng mommy niya. Nauuna siyang umalis dito at pagdating ay diretso na siya sa kwarto.

Nakatambay siya ngayon sa terrace ng kwarto niya na bibihira niyang puntahan noon. Inilapag niya ang laptop na hawak at lumapit sa barandilya. Gabi na pero sobrang liwanag ng paligid dahil sa mga christmas lights na nakakabit sa bawat bahay. Sila lang ata ang walang spirit ng christmas dahil kahit isang palamuti ay wala sila.

"Anak." Nilingon niya ang mommy niya na nasa pintuan ng terrace. "Pwede ba kitang makausap?" Hindi siya sumagot at nanatiling nakatayo habang nakatukod ang kamay sa barandilya.

Tumayo ito sa tabi niya at ginaya siya. "I didn't know before that your father is a family man." Umpisa nito.

"We meet in Greece in one of the convention. Dahil sa may pinagdadaanan ako nang mga panahong yun, napunta ako sa bar ng hotel na tinutuluyan namin. And it happened that your father was there, too. We're both wasted and woke up in the same room the next day."

Nilingon niya ito at nakatingin lang ito sa kawalan. Ni minsan ay hindi ito nagkwento ng kahit na ano sa kanya. Hindi niya alam kung paanong nagkarelasyon ang mga ito gayong buwan lang ang pagitan ng edad nila ni Brian. Tahimik lang siyang nakikinig dito.

"When we came back here, I found out that he's a married man at buntis ang asawa niya sa pangalawa nila. Kilala ang daddy mo sa business world noon pa man kaya mabilis akong nakakuha ng impormasyon. I tried hard not to get in their way."

Tumingin ito sa kanya at binigyan siya ng tipid na ngiti. "Hindi ko inakala na dadating ka sa buhay ko. Hindi ko alam ang gagawin nang malaman kong buntis ako. I want to have you but you will always remind me of your dad cheating to his wife. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na buntis ako dahil ayoko na masira ang pamilya nila."

Napayuko siya dahil hindi niya alam ang dapat na reaksiyon. Wala siyang ideya sa pinagdaanan ng mommy niya. "I keep you but I lost my job. Masyadong sensitive ang pagbubuntis ko noon kaya kinailangan kong magresign para walang mangyari sa ating dalawa. That time hindi ko alam kung paano tayo mabubuhay dahil kakaunti lang ang ipon ko. Gusto kong lumapit noon sa daddy mo pero nagdadalawang isip ako dahil sa pamilya niya at sa asawa niyang buntis din."

"Ilang buwan ka palang noon pero pinilit kong maghanap agad ng trabaho dahil paubos na ang ipon ko. Gusto man kitang alagaan pero kailangan natin parehong mabuhay."

Hindi na niya napigilan pa nang mag-umpisang tumulo ang mga luha niya. "Pinasok kita sa magandang school dahil gusto ko na maayos ang pag-aaral mo. Tuwing tinatanong mo sa akin kung sino ang daddy mo, gusto kong sabihin sayo pero ayoko na masaktan ka kapag nalaman mong anak ka lang sa labas. Masakit para sa akin na isipin mong bunga ka ng isang kasalanan. Gusto ko lang naman na lumaki kang normal gaya ng iba pero hindi sumagi sa isip ko na mas nasasaktan ka pala dahil hindi mo alam ang tunay mong pagkatao."

"I always wanted to be there, especially during special occasions pero natatakot ako dahil baka tanungin mo ulit ako tungkol sa daddy mo at baka masigawan lang kita dahil doon. I wanted you to have a complete family pero alam kong hindi ko kayang ibigay yun sayo."

Umiiyak na rin ang mommy niya kaya niyakap na niya ito. "Sorry mommy."

"No, sorry anak. I want you to have a normal family kaya lagi kitang tinutulak sa mommy Aira mo. You will be a complete family without me. Kahit masakit na makita kong masaya ka tuwing kasama mo sila pilit kong tinatanggap dahil alam kong may naging tama din sa lahat ng desisyong ginawa ko. At yun ay ang maging masaya ka."

Hinigpitan niya ang yakap habang hinahagod ng ina ang likod niya. "No one will replace you as my mom. You will always be, my mom. Never akong nagwish na sana hindi ikaw ang mommy ko. Gusto ko lang naman 'my makasama ka at makabonding gaya ni mommy Aira pero tuwing nandito ako lagi mo nalang akong pinapaalis. Hindi ko alam na yun pala ang gusto mong mangyari."

"That's why I'm sorry." Kumalas ito sa pagkakayakap at hinawakan ang mukha niya. "And from now on, babawi ako sa'yo. Gagawin natin lahat ng hindi pa natin nagagawa ng magkasama. I love you, anak."

Hinalikan siya nito sa noo kaya napangiti siya. "I love you too, mommy."

*******
"Where do you want to go, tomorrow?" Nakahiga na siya sa kama niya at nililigpit naman ng mommy niya ang gamit sa study table niya.

"I want to get some sleep for the whole day, 'my."

"Ikaw talaga Trixie Faye, puro tulog lang ang alam mo. How about on sunday?" Naupo ito sa gilid ng kama niya.

"Let's talk about it tomorrow 'my. Inaantok na ako." Pipikit-pikit na ang mata niya dahil kanina pa talaga siya inaantok.

"Alright, goodnight sleepy head." Hinalikan siya nito sa noo bago inayos ang kumot niya.

"'My dito ka na matulog." Natawa naman ito dahil hinila niya pa ito na para bang ayaw umalis.

"Okay. I'll just check the lock outside. Matulog ka na."

*******
Ramdam niyang may humahaplos sa buhok niya pero hindi pa rin siya dumidilat.

"'My, I want to sleep some more."

"You're cute when you're sleeping." Dali-dali siyang dumilat at bumalikwas ng bangon nang boses ng lalaki ang marinig niyang nagsalita.

"Renz, what are you doing here?!" Napalingon siya sa paanan ng kama niya nang may narinig siya nagpipigil ng tawa. "Venice?! Brian?!" Kulang nalang ay maghysterical siya sa gulat dahil nandodoon ang mga ito sa kwarto niya.

"Oh? Gising na ba?" Nalipat naman ang tingin niya sa pinto ng bumukas ito. "Morning anak. Bumaba na kayo at maghahain na ako."

"Mommy! Bakit ka nagpapasok sa kwarto ko?" Helpless niyang tanong pero tinawanan lang din siya nito at umalis na.

"Get out of my room, you three!" Nakaturo siya sa pinto habang binigyan ng masasamang tingin ang mga ito.

"Fine, grumpy sis. Maghilamos at magsuklay ka muna bago bumaba. Baka maturn-off sa'yo si Renz." Isang nakakalokong ngiti ang binigay sa kanya ni Brian.

"Layas!"

"Aray ko naman sis! Ba't ka nambabato ng unan. Uy! Matamaan si Venice." Iniharang pa nito upang matakpan si Venice mula sa mga lumilipad na unan.

"Okay lang kahit bumaba kang ganyan, maganda ka pa rin sa paningin ko." Nagwink pa ito bago lumabas at isara ang pinto para iwasan ang pinalipad niyang unan papunta dito.

"Ugh!"

Matagal na silang nakalabas pero ramdam pa rin niya ang dugo na tila umakyat sa mukha niya. What the hell are they talking about?

Niligpit niya muna ang mga unan na pinalipad niya kanina bago padabog na pumasok sa CR at inayos ang sarili.

The Point of No Return (Completed)Where stories live. Discover now