Chapter 21

5 1 0
                                    

"Sec? Anong ginagawa mo dito?" Gulat na binuksan nito ang pinto nang makita siya. "Teka! Anong nangyari sa'yo? Bat ka umiiyak?"

"Max." Yun lang ang nasabi niya bago niyakap ang kaibigan. Wala na siyang ibang matakbuhan at si Max lang ang unang taong sumagi sa isip niya na makakatulong sa kanya.

Dinala siya nito sa loob ng bahay nila kahit takang-taka ito. Hindi naman na umimik ang magulang nito nang makita siya at hinayaan lang sila nang akayin siya ni Max papasok sa kwarto nito. Kilala na rin siya ng pamilya nito dahil madalas siya doon simula nang makapasok siya sa Journalists Club.

"Dito ka muna ha? Kukuha lang akong tubig." Tumango lang siya at hinintay na makabalik ang kaibigan.

Nang tila wala na siyang mailabas na luha ay sinimulan niyang ikwento dito ang nangyari.

"Sorry talaga Max. Wala na kasi akong iba pang mapuntahan. Wala naman akong ibang kaibigan sa school."

"Okay lang, sec. Nakakataba lang ng puso dahil ako talaga ang naisip mong lapitan." Nakangiti nitong sabi sa kanya.

"Thank you, Max. Di kaya magalit si chief sa akin niyan?" Biro niya dito.

"Ikaw talaga. Friends lang muna. Bata pa tayo." Ginulo nito ang buhok niya bago siya inayang lumabas.

Nakatingin lang sa kanya ang magulang at kapatid nito. "Tito, tita sorry po---"

Pinutol naman ng ginang ang sinabi niya "Ano ka ba, wala ka namang dapat ihingi ng tawad. Halika nga dito at sumabay ka na sa aming mananghalian."

"Oo nga naman ate. 'Lika tabi tayo." Napangiti naman siya ng hilahin ng bunsong kapatid ni Max.

"Thank you, Ara."

Dahil naikwento ni Max sa pamilya nito na may problema sa pamilya niya hindi naman nagdalawang isip ang mga ito na patuluyin muna siya doon habang hindi pa siya handang bumalik sa bahay nila.

"Yey! May ate na ako. May katabi na rin ako matulog."

"Naku sec, humihilik yang si Ara pag natutulog. Sigurado ka bang okay lang sa'yo?"

"Kuyaaaa!" Nagtawanan naman sila dahil sa reaksiyon nito.

******
"Ano ba yan, may klase na ulit. Nakakatamad naman." Reklamo ni Ara pagkatapos silang gisingin ng mommy nito.

Dalawang linggo na siya kila Max at dahil umpisa na ng klase pagkatapos ng semestral break ay bumalik siya sa bahay nila kahapon para kunin ang uniform niya. Nagkataong wala doon ang mommy niya kaya nakapagligpit pa siya ng ibang gamit.

Nagpaalam siya na kukuha nalang ng apartment dahil nahihiya na rin siya sa pamilya ni Max, pero hindi pumayag ang mommy nito.

"Wag kang mag-alala, anak, okay na rin na nandito ka at hindi kung saan-saan gumagala yang si Ara. Baka mapahamak ka pa kung mag-isa ka lang."

"Oo nga naman, sec. Hangga't hindi mo pa kayang umuwi sa inyo, welcome ka dito sa bahay." Hindi na siya nagpilit pa na umalis dahil ramdam naman niya ang sinseridad aa mga ito.

"Tapos ka ng maligo, ate?" Tumango naman siya habang pinupunasan ang basang buhok.

"Bilisan mo na para sabay-sabay na tayong pumasok." Hindi na ito sumagot dahil naghihikap pa rin ito. Kinuha nito ang tuwalya at pumasok na sa banyo kaya lumabas na rin siya para tumulong sa paghahanda ng agahan.

"Wow! Ang bango naman." Nilingon siya ng ginang at nginitian. "Morning po. Tulungan ko na po kayo tita."

"Morning din. Ihanda mo nalang ang mesa at malapit na to. Si Ara? Bumangon na ba ang batang yun?"

"Opo 'ta. Naliligo na po."

"Max! Hindi ka pa ba tapos jan? Kakain na!"

"Anjan na ma!" Sigaw naman ni Max na nasa loob pa rin ng kwarto nito.

"Morning po, tito. Upo na po kayo." Bati niya sa padre de pamilya na kakapasok lang ng kusina.

"Morning din. Ang aga mo na naman, anak." Naupo na ito at inabutan naman ng kape ng asawa nito. Napangiti siya habang tinitingnan ang mga ito.

"At anong ngiti yan, sec? Iniimagine mo na ba kapag nagkaasawa ka na?" Nagulat siya nang inakbayan siya nito at magsalita.

"Grabe ka, Max!" Hinampas niya ito pero tinawanan lang siya at naupo sa bakanteng upuan.

"Nasaan na si Ara? Tapos na ako dito." Inilapag naman ng ginang ang pagkain kaya tinulungan na niya ito.

"Bunso! Bilisan mo jan. Kakain na!"

"Saglit lang naman! Patapos na." Natawa naman sila dahil halatang nagpapanic na ito.

Nag-uusap lang ang mag-asawa habang hinihintay nila si Ara para sabay-sabay na kumain.

"I always wish to have this kind of family." Hindi niya napigilang sabihin ang kanina pa iniisip.

Tiningnan lang siya ni Max na para bang hindi alam ang sasabihin. Hindi naman ito narinig ng mag-asawa kaya tuloy lang ito sa pag-uusap.

"Bye dad! Ingat po."

"Bye, tito! Thanks." Kumaway lang ito sa kanila bago nagmaneho paalis.

"Ihatid niyo muna ako, ate. Sige na please."

Natatawang kinurot niya ito sa pisngi. "Sige na po. Tara na." First year palang ito kaya nasa first floor lang ang room nito.

"Max--" Hindi niya naituloy ang sasabihin nang makita sila Renz, Brian at Venice na nakatingin sa kanya. Maya-maya ay nagpalipat-lipat ang tingin ng mga ito sa kanilang tatlo.

"Ate, kilala niyo po sila?" Nginitian niya lang ito bago hinila ang kamay papasok sa gate.

"Tara na, bunso! Baka ma late tayo."

"Maaga pa nga eh. Kayo lang naman nagmamadali ni kuya." Nakanguso nitong sabi kaya natawa siya. Saglit niyang nilingon si Max na nasa may likuran nila. Nakasunod lang sa kanila ang tatlo na walang mga kibo.

Nasa dulo ang room ni Ara kaya diretso lang ang lakad nila at nilagpasan ang hagdan paakyat.

"Wala na sila." Bulong ni Max sa kanya maya-maya kaya pasimpleng nilingon niya ang hagdanan. "Ihatid na kita sa room niyo."

Nasa parehong floor lang sila dahil pareho naman silang seniors.

"Okay lang yan." Inakbayan siya nito nang hindi pa rin siya umiimik.

"Oh! Kelan pa naging kayo?" Sabay silang napaangat ng tingin nang may magsalita sa harap nila. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kamay ni Max na nakaakbay sa kanya.

"Chief!" Pa cool na bati ng kasama niya habang hindi inaalis ang pagkakaakbay. Hindi umimik si Dana at pabalik-balik lang ang tingin sa kanila.

"Ah chief..." Hindi niya alam ang sasabihin kaya nilingon niya si Max na pasimple namang ngumiti at kumindat sa kanya. "Hindi--- Aray! Renz?! Teka lang naman!"

Hindi pa man niya naituloy ang sasabihin nang bigla siyang hawakan sa kamay ni Renz at hinila. "Ano ba?!"

Tiningnan siya nito ng masama pagkabitaw sa kamay niya pero hindi naman nagsalita. "Ano bang problema mo?" Hindi na niya hinintay na magsalita pa ito. Agad siyang tumalikod at tuloy-tuloy na pumasok sa pintuan ng room nila.

The Point of No Return (Completed)Where stories live. Discover now