Chapter 16

5 1 0
                                    

Nasa isang tabi siya habang pinagmamasdan ang mga kaklase at mga kaibigan na nag-eenjoy sa  party. May iilang business men din na nasa kabilang parte ng social hall habang nag-uusap usap. Nasa villa M sila para icelebrate ang birthday ni Venice.

Walang alam ang mga kaklase niya sa nangyari sa pamilya niya nitong nakaraang buwan. Isang linggo ding hindi nakapasok sina Brian at Venice para magpagaling at kumuha nalang ng special exam nang makabalik na sila.

Pinagmamasdan niya ang kaibigan sa malayo na napapaligiran ng mga kaklase at masasayang nag-uusap.

"Ma'am gusto niyo pa po ba ng drinks?" Nginitian lang niya ang isa sa mga nagcacater sa gabing iyon at umiling. "Tawagin niyo nalang po ako kapag may kailangan kayo."

"Thank you po." Umalis na ito at bumalik sa pwesto nito sa mini bar.

Nilagok niya ang punch na nasa tabi at pasimpleng lumabas sa pintuang malapit sa kanya. Tinunton niya ang daan papasok sa mansiyon. Lahat ng tao ay nasa social hall kaya tahimik ang loob ng bahay. Lumabas siya sa kusina at nilock ito bago dumiretso sa likod na kinaroroonan ng tree house. Nahirapan siyang umakyat dahil sa suot niya ngayon.

Nang makarating sa taas ay binuksan niya ang pinto ng terrace nito. Nilapag niya ang hawak-hawak na heels bago inayos ang gown at sumalampak sa sahig.

"Tonight is not just a simple birthday party of my daughter." Tahimik lang ang lahat habang nag-aantay sa importanteng announcement ng daddy ni Venice. "Everyone, we would like to formally announce the engagement of my daughter, Venice Lauren Simpson and Brian Kiel Martinez."

Halos lahat ng naroon ay nagulat sa sinabi nito. Ilang saglit lang ay isang nakakabinging palakpakan ang narinig niya nang umakyat si Brian sa stage at lumapit kay Venice.

Pasimple niyang tiningnan ang mga kaklaseng kasama sa table na masayang nakatingin sa stage. Nasa mahabang table sa harap nila ang daddy niya at pamilya nito, ang pamilya nila Renz at pamilya ni Venice. Natawa siya ng mapakla bago tumayo at pumunta sa gawing likod na katabi ng mini bar na naroon. Kumuha siya ng punch at nilagok ito ng diretso. Kumuha ulit siya ng isa bago lumipat sa iilang mataas na table malapit sa kinaroroonan niya na nakalaan para sa mga umiinom.

Halos mga may edad na ang kasama niyang naroon at nakatingin sa kanya dahil tanging siya lang ang estudyanteng naroroon. Hinayaan lang niya ang mga ito at inabala ang sarili sa pagtingin sa paligid.

Niyakap niya ang sarili dahil sa malamig na simoy ng hangin. Nakatube gown lang siya kaya ramdam niya ang dampi ng hangin sa naka expose na balat.

"Pupunta ba ang mommy ni Trixie?" Didiretso na sana siya sa kwarto ng marinig niya ang pangalan niya habang papaakyat siya ng hagdan. Pumayag siyang doon na muna sa villa magstay para samahan ang kaibigan na naghahanda para sa birthday party nito. First time niyang umattend kaya naman excited na rin siya para dito.

Ayaw sana ng kaibigan na magpaparty dahil na rin sa mga nangyari sa kanila. Pero dahil na rin sa nalaman na kung sino ang may pakana sa nangyari sa kanila at assurance ng mga daddy nila na hindi na ito mauulit ay pumayag na rin ito.

"No, hindi siya pwedeng pumunta." Napakunot ang noo niya ng marinig ang boses ng daddy niya. Pasimpleng sumilip siya sa bahagyang nakabukas na study room nito. Kaharap nito ang asawa sa sofa at seryosong nag-uusap.

"How about, Trixie? It's an important event for the family."

"She can come. She's close to both of them."

"Is she going to join our table? She's your daughter, afterall."

"It's up to her. Alam naman na sa school nila so there's nothing we can keep."

Hindi niya alam kung ano ba ang dapat maramdaman sa usapan ng mga ito. Para bang isang business lang na dapat pag-usapan kung dapat ba o hindi siya kailangang umattend.

"Ano nalang ang sasabihin ng mga directors at ibang kasosyo mo kapag hindi siya sumama sa table natin. You should tell her to join us." Wala siyang maramdamang warmth sa pag-uusap ng mga ito. All these time ay naniwala siyang itinuturing siya nitong parang tunay na anak at hindi lang pakitang tao.

"We're giving her choices. It's not as if we're not letting her to join our family." Tumulo na ang mga luha dahil sa narinig. "Everyone knows she's close to her brothers and I'm giving the support she needs. No one would think na pinababayaan ko siya."

"It's her brother and her bestfriend's engagement, do you think she needs to know before anyone else does?"

"It's up to them if they wan't her to know." Hindi na niya kaya pang pakinggan ang mga pinag-uusapan nito kaya umakyat na siya kwarto niya. Hindi pa man siya nakakarating ay may narinig ulit siyang nag-uusap sa loob ng kwartong tinutuluyan ni Venice sa villa.

"She has the right to know, Venice. Bakit ayaw mong sabihin." Tumayo muna siya saglit habang pinupunasan ang luha.

"Renz, hindi pa pwedeng iannounce sabi nila daddy."

"She's your bestfriend and even Brian's sister, bakit kailangan niyo pang itago."

"Malalaman din naman niya. Anong kaibahan non?" Hindi siya makapaniwala sa tono ng boses nito.

"Anong kaibahan? Venice, wala ba siyang karapatan na malaman yan before you drop the bomb to everyone? Is she like anybody else for you?"

"Renz, don't make this hard."

"Hard? Is it hard to tell this to Trixie and much easier to keep? Kung ayaw niyong sabihin ako ang magsasabi."

"Just don't Renz. I really feel uncomfortable. She seem so distant these days. Even Brian agreed not to tell this to her this early. She'll manage to cope up with the news."

"If you feel something like this, you should talk to her. You know what happened for the past days. Affected din siya Venice. Hindi lang kayo ang nalagay ang buhay sa alanganin." Patuloy pa rin ang pagpapaliwanang dito ni Renz.

"That's why I'm trying to talk to her. But she always think that she could handle all this by herself. If she's that mighty, then go ahead I won't give a damn." Hindi pa rin nawawala ang inis sa boses nito na mas lalong umiigting pa.

"Then you should have tried to understand, and not keep her in the dark."

"Akala mo ba hindi ko tinry? I thought it's easy to deal with her, pero ang hirap, Renz. Pagod na akong magreach out habang siya naman ay tumatakbo palayo. Don't you feel the same? Habang hinahabol mo siya, tumatakbo lang siya para iwasan ang problema. Ganon siya kahirap intindihin, Renz!"

"Why don't you understand first where she came from before you judge why she is acting like that."

Narinig niya ang yabag papalapit sa pintuan kaya tumakbo na siya papasok sa kwarto niya.

Pinunasan niya ang mga luhang nag-uunahang tumulo sa pisngi niya. Ibinaon niya ang mukha sa mga brasong nakapatong sa tuhod niya.

Why is it that when I start to feel like things will last and stay as it is, they started to drift away.

The Point of No Return (Completed)Where stories live. Discover now