Dali dali akong tumayo ng hindi tinatanggap ang kamay nya saka nagmamadaling pinulot ang bag at libro ko sa semento. Mahirap na. Kailangang makaalis agad ako dito.

 

"Hey Miss!" napahinto naman ako sa paglakad palayo ng marinig ang boses nung lalaki. Hindi naman nakakatakot yung boses nya. Parang ang ganda pa nga eh pero kahit na! Looks can be deceiving sabi nga. Hindi parin ako lumilingon sa kanya kaya pumunta na sya sa harap ko na ikinagulat ko.

 

"Ah b-bakit?" nakita ko naman ang pagkunot ng noo nya. Noo at mata nya lang kasi ang nakikita ko dahil naka face mask nga sya. Ang weird naman ng lalaking to. Ang init init na nga sa Pilipinas, nakahoodie na, naka cap pa at face mask. Seriously? Sinong hindi mag-iisip na masamang tao to kung ganito ang itsura??

 

"Sorry I don't understand"

 

"Huh? Alin ang hindi mo maintindihan?"

 

"I don't understand what you're saying. English only please"

 

Ahh. Spokening dollar pala to haha. Pero hindi naman sya mukhang Amerikano kasi singkit yung mata nya. So anyway pakelam ko naman sa pinanggalingan nya hahaha.

 

"Ah okay...what is it? I'm in a hurry so tell me what you need"

 

"Ah right...Here" napatingin ako sa pink na panyo na inaabot nya sakin. Aanhin ko naman yang panyo na yan? "This is yours right?"

 

Ay antanga lang. Akin nga pala tong panyo na to hahahaha. Mukha bang panyo ng lalaki to hahaha.

 

"Hahaha sorry. Yes it's mine" sabay kuha sa panyo ko. "Thanks" mabilis ko na syang nilagpasan para hindi na nya ko matawag ulit. Kahit pa nawala na yung kaba ko kanina sa pag-aakalang holdaper sya, hindi ko parin sya kilala.

 

"M-Miss..."

 

Aish! Ano na naman ba? Sa totoo lang naiinis na ko ha. Kanina pa tong lalaking to eh. Inuubos nya ang napakahalaga kong oras. Tawag ng tawag. Wala na kong nakalimutan kaya bahala sya jan. Hindi na ko bumalik o lumingon pa.

  

"M-Miss...h-help..."

 

Nagstop bigla yung paa ko sa narinig. Kahit pa halos bulong na lang yun, alam kong hindi to isang prank lang. Lumingon ako at nakita yung lalaki na napaupo na sa semento habang hawak yung gilid ng tyan nya. Mabibilis ang hakbang ko na bumalik sa pwesto nya.

 

"We're going to the hospital!" pinilit ko syang tumayo pero parang lalo pa syang nagpabigat. Ano ba naman to! "Hey! You need to help me! You're too heavy for me! You're already bleeding! And can we remove this mask so you can breathe prop--"

 

"N-No. D-Don't. I-I'm fine..."

 

Pinigilan nya kong tanggalin ang mask sa mukha nya para makahinga sya. Ano bang kinatatakot nya at ayaw nyang alisin yang mask na yan??

 

"Is this what you call fine?? If you're ugly, it doesn't matter. If you don't remove it, you can't breathe!"

Seven and Nine (FIN)Onde histórias criam vida. Descubra agora