Chapter 43 : Bonding with them

1.1K 22 0
                                    

Kathy's Pov

Ahh. Shit. Bakit ba kasi ako nag-inom? Ang sakit tuloy ng ulo ko.

Bumangon ako kahit masakit ang ulo ko. Tiningnan ko ang phone ko kung may nagtext ba meron naman.

Binuksan ko ang mga text nila Janella.

From :Janella

Hey you there! Kelan ka nga pala papasok? Im so excited to see yah.

From : Julia

Hoy! Gaga. Kelan mo naman balak pumasok? Loveyouu 😘😘

Gaga talaga noh!

From : Chie

Hey you, Baka naman gusto mo ng pumasok.

And the last.

From : Babe 😍

Hey my One and Only Love. I MISS YOU 😘😘 sana pumasok ka na sa monday 😘😘 Loveyouu 😍😍

Pagkatapos kong basahin ay hindi ko na lang sila nireplayan.

Bumaba ako ng may ngiti sa labi. Pagbaba ko ang mga ULOL! Mga nakahandusay sa sahig. Siguro dahil sa mga kalasingan.

"HEY WAKE UP GUYZ."sigaw ko

"Nasaan ang kalaban?"

"Sunog sunog."

"Nasaan ang sunog?"

"May riot na naman."

Gusto kong matawa pero wala ako sa mood sakyan ang kalokohan nila.

"SHUT UP, WALANG SUNOG OKEY. LINISIN NIYO NA YANG MGA KALAT NIYO AT TAYO'Y MAGMAMALL."ako sabay akyat sa kwarto ko at naligo na.
-
-
-
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Bumaba na agad ako pagkatapos kong mag-ayos. Pagbaba ko malinis na ang sala, pumunta ako sa pool at malinis na rin ito. Pagkapasok ko sa loob nakita kong bumababa na sila Kira.

"Anong nakain mo at magmamall tayo?"Tanong ni Kira

"Gusto kong bumawi, inindian ko kasi kayo kagabi diba?"saad ko

Tumango naman sila.

"Tara na."Mikaela

Agad agad naman silang nagsipuntahan sa mga kotse ko. Akala mo kanila kung magmadali. Tch.

Sumakay na ako sa kotse at saka pinaharurut papuntang mall.

****

Kanina pa kami pagala gala sa mall, kanina pa rin kami namimili. Lahat na ata ng store na puntahan namin. Tas habang naglalakad kami pinagtitinginan kami dahil sa sobrang ingay ng mga kasama ko.

"Grabe talaga yung chixx kanina, dapat kasi nilapitan mo."Kenjie

"Ee bakit hindi ikaw yung lumapit? Ako pa inutusan mo."Romce

Kanina pa din silang nagbabangayan dahil dun sa chixx kuno na nakita daw nila. Tch. Aanhin pa nila yung chixx kung chixx na naman yung mga kasama nila diba?

"Alam niyo bang kanina pa kayo nagbabangayan dyan sa chixx na yan. Ayan si Abigail ohh! Single yan."Biro ni Aria. Binatukan naman agad siya ni Abigail.

"Nga pala Patrick, Kamusta na kayo ni Ella? Balita ko wala na daw balita sa inyo."Gino

"Gago ka ee noh! Syempre Stay strong kami. Diba love?"Patrick sabay akbay kay Ella

"Yeah, Mas matigas pa kami sa bato noh!"Ella sabay ngiti

"Ee ikaw Kira, Kamusta na nga pala kayo nung Patrick?"Aria sabay ngisi.

Agad naman siyang sinamaan ng tingin ni Kira pero hindi ito natinag at talagang inasar pa kaya ang kinalabasan naging playground ang mall dahil sa paghahabulan nila.

Napakasaya lang isipin na yung gang na iniingatan mo ay malapit mo ng bitawan. Nakangiti akong pinapanuod sila. Sana hindi na lang kami nagmall sana nagpark na lang kami at dun sila naghabulan.

Sumandal ako sa glass window at pinagmasdan ng maigi sila Aria. Hindi ko na muling masisilayan ang mga tawa't ngiti nila pagbinitawan ko na sila. Napangiti ako ng mapait.

Naramdaman ko namang tumabi sa akin si Kenneth.

"Hindi mo na muling masisilayan ang mga tawa at ngiti nila."Kenneth

Agad akong napatingin sa kanya pero nakatingin lang siya kila Aria.

"Sana magbago ang desisyon mo, Sana wag kang maguluhan. Sana sa mga ngiti at tawa nila mapabago nila ang desisyon mo."Kenneth sabay tayo ng ayos at naglakad papunta kila Aria.

"Tama na yan, Tara na kumain."Yaya niya sa mga ito. Agad din naman silang nagsitanguan kaya agad din kaming naghanap ng makakainang resto.

Ng makahanap kami ay napagdesisyunan nila Kira na sila na lang daw ang oorder. Sa dami namin madala kaya nila yun. Tch.

Kasalukuyan kong katabi si Ethan.

"Kathy,"Bulong niya, pero ako lang yung nakarinig

Agad akong lumingon sa kanya.

"What?"Bulong ko rin

"Alam ko kung bakit mo ginagawa ito?"Bulong niya, agad nanlaki ang mga mata ko.

"Anong ibig mong sabihin?"Bulong ko

Pero isang ngiti lang ang isinagot niya.

Hanggang sa makarating sila ay Kira ay Lutang ako. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang sinabi ni Ethan.

"Alam ko kung bakit mo ginagawa ito?"

"Alam ko kung bakit mo ginagawa ito?"

"Alam ko kung bakit mo ginagawa ito?"

"Alam ko kung bakit mo ginagawa ito?"

"Hoy? Kanina ka pang tulala. Pinaglaruan mo lang yung food mo."Kira

Ngumiti ako sa kanya na hindi ko na lang dapat palang ginawa.

Tiningnan niya ang paligid at dun ko lang napagtantong ako at siya na lang pala ang andito. Nasaan na sila?

"Wag mo na silang hanapin. Nasa parking na yung mga yun at hinihintay tayo."Saad niya at tumayo.

Sabay na kaming lumabas ng resto. Habang naglalakad kami papunta sa parking may nahagip ang mga mata ko. No, Hindi totoo itong nakikita ko.

No, Namalikmata lang ako. Pinikit ko ang mga mata ko at saka minulat ulit. Andun pa rin siya at nakangiti habang nakatingin sa akin. Geez.

"Hey, Okey ka lang?"Kira

Tumango ako sa kanya at pero bago pa ako sumunod sa kanya ay nilingon ko muna ito at andun pa rin siya at nakangiti.

No, This can't be happening.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Sino kaya yung nakita niya?

The DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon