Chapter 42 : Party

1.1K 26 0
                                    

Kira's Pov

Ilang minuto na ng magsimula ang party pero hindi pa rin bumababa si Queen.

"Bumaba na ba siya?"Tanong ni Ethan

"Hindi pa, Puntahan mo na kaya."Saad ko at tumango naman siya.

"Ohh! Hindi pa bumababa si Queen?"Tanong ni Ronnie

"Hindi pa nga ee, Pero pinapuntahan ko na kay Ethan."Saad ko sabay upo sa gilid ng pool, tumabi naman agad si Ronnie sa akin.

"May problema ba?"Tanong niya

"May alam ka ba kung bakit nung mga nakaraang araw ay madalas na wala si Queen?"tanong ko

"Wala rin akong alam, bakit hindi mo tanungin si Kenneth."Ronnie sabay turo kay Kenneth na nakikipagkwentuhan kila Ella.

Tumango ako at saka tumayo at naglakad patungo kay Kenneth.

Nang makarating ako kay Kenneth ay agad ko itong kinulbit.

"Bakit?"Tanong niya

"Can we talk?"saad ko at saka siya tumango

"Anong dapat nating pag-usapan?"Tanong niya

"Alam mo ba kung bakit pawala wala si Queen nung mga nakaraang araw?"Tanong ko agad.

"Hindi, Wala siyang nababanggit sa akin."Saad niya at saka tumingin sa malayo

Tch, Liar.

"Kung ganun, Mauna na ako."Saad ko sabay lakad papasok sa loob ng bahay para kumuha ng maiinom

He lied. Ano ba talaga ang dahilan kung bakit pawala wala si Queen? Bakit ayaw nilang sabihin sa akin? May kutob akong may alam si Kenneth ayaw niya lang sabihin.

Kathy's Pov

Nagising ako sa katok na nanggagaling sa labas ng kwarto ko. Alangan naman sa loob. Tch.

Bumangon ako at binuksan ang pinto.

"Bumaba ka na, Nag-uumpisa na."Ethan sabay talikod

Lalakad na sana siya ng hawakan ko ang kamay niya.

"Ethan."Pagtawag ko sa pangalan niya.

Pero hindi man lang siya lumingon. Tinagtag niya ang kamay ko at saka naglakad pababa.

Pumasok ako at sinarado ang kwarto ko. Hindi ako baba, magsaya na lang sila ng wala ako.

Kinuha ko ang robe ko at saka pumasok sa cr para magshower muna.
-
-
-
-
Pagkatapos kong magshower ay agad akong nagbihis ng short at saka white shirt. Bumaba din ako pagkatapos ko.

Pagbaba ko nadatnan ko silang nagkakasiyahanan. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng isang bote ng whisky at isang baso.

Bago ako muling umakyat sa kwarto ko ay pinagmasdan ko mula dito sa kinatatayuan ko sila Kira. Napangiti ako ng mapait. Pag dumating yung araw na hindi na ako ang namumuno sa kanila sana maging masaya na sila.

Bago pa nila ako makita dito sa baba ay agad na akong umakyat. Nilock ko ang kwarto ko at saka nag-umpisang uminom.

Bakit kailangan kong maglihim sa kanila? Kasi kailangan, para hindi sila madamay.

Aria's Pov

Kanina pa kami nagkakasiyahan pero si Kira ay parang hindi naman nasasayahan. Kanina pa siyang tulala dun sa tabi ng pool habang nakababad ang paa.

Tch, Lutang na naman ang gaga. Iniisip siguro si Patrick.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpakasaya na lamang.

Kira's Pov

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako. Hindi ko alam kung bakit ayaw sabihin sa amin ni Queen ang dahilan ng madalas niyang pagkawala.

Nilibot ko ang paningin ko pero kahit anino ay wala si Queen. Bakit hindi siya bumaba? Tumayo ako at saka pinuntahan si Ethan.

"Nasaan si Queen?"Tanong ko sa kanya.

"Hindi ata baba, Naistorbo ko pa nga sa pagtulog."Ethan

Tumango ako at saka pumasok ulit sa loob pero bago pa ako makapasok ng tuluyan ay nakarinig ako ng ingay sa kwarto ni Queen.

Napatingin ako sa balkonahe, ang balkonahe ng kwarto ni Queen.

Anong nangyayari?

Tumakbo ako papaakyat sa kwarto niya. Kumakatok ako pero hindi niya ako pinagbubuksan.

"Queen."Pagtawag ko habang kumakatok

Pero andun pa rin yung ingay.

"Kathy."Pagtawag ko ulit pero hindi pa rin niya ako pinagbubuksan.

Bumaba ulit ako at saka hinanap ang susi ng kwarto ni Queen pero wala ang susi ng kwarto niya. Tch. Nasa kanya ang susi.

Aakyat na sana ako ng makita ko si Ethan na kumakatok sa kwarto ni Queen.

Tch, Mahal pa rin niya si Kathy. Wala ka pa ring pinagbago Ethan. Mahal na Mahal mo pa rin siya.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Short Update Sorry.

Thanks nga pala sa mga sumuporta sa story kong ito. Thanks din sa mga nagtyatyagang basahin ang storya ko. Maraming salamat sa inyo.

The DAREWhere stories live. Discover now