Chapter 61: Surprise

9.6K 350 26
                                    

Ice Pov~

"Tito, naririnig mo ba ko?"- tanong ko kay Tito Daniel mula sa kabilang linya.

"Oo Ice, Naririnig kita. Nasa isla na kami."- saad ni Tito Daniel. Ang Daddy ni Devin.

"Sige Po. Malapit na po kami dyan."- saad ko sabay patay ko sa tawag at tingin ko kay Daddy Rey.

"Dad, wala na po ba tayong mas ibibilis pa?"- tanong ko kay Daddy Rey.

Tinignan naman nya ko.

"Huh? Meron."- sagot nya.

Ngumiwi naman ako.

"Dad naman eh! Meron palang mas ibibilis 'to hindi mo pa bilisan!"- saad ko sabay nguso.

Napakamot naman ng ulo si Daddy Rey.

"Pasensya na, Oh 'eto na bibilisan ko na."- saad ni Daddy Rey sabay bilis nya sa pagpapatakbo nya sa submarine na sinasakyan namin.

Kahapon ng makausap ko ang lahat ng kinatawan ng bawat pamilyang kakampi ng pamilya ko, isang pakiusap ko pa lamang sa kanila ay pumayag na agad sila na tulungan ako. Kaya naman kahapon din ay gumawa kami ng plano kung paano kami makakatapak sa isla ng hindi nalalaman ng kahit sinong kalaban sa DIA.

At 'eto ang naisip namin, ang sumakay sa submarine patungo roon. Tatlong pamilya na ang nauna sa Isla kasama ang kani-kanilang mga tauhan. Ang pamilyang Herera, Crewford at El Greco. Samantalang ang pamilyang August at Santiago ay nasa likod ng submarine nang mga Daves na sinasakyan ko.

Sinong mag-aakala na hindi lamang lima ang pamilyang kaibigan at kakampi ng mga magulang ko. Marami pa pala.

"Sigurado kaba Reign na walang makakaalam na nasa isla tayo oras na makarating tayo roon?"- tanong ni Mommy Rica kay Ate Rei.

Tumango naman si Ate Rei.

"Opo, Sa buong isla ang DIA at ang paliparan lamang ang namomonitor ng Headmaster. Kung sa likod po tayo ng isla dadaan wala pong makakapansin satin at wala pong makakaalam."- sagot ni Ate Rei.

Dark Island Academy 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon