Chapter 30: Red and Black Mask

13.4K 378 27
                                    

Ice P.O.V

"Psh! tangenang yan! Bakit ba sobrang napaka-coincidence ng lahat? nakakaloka!"- saad ko sa sarili ko sabay indian seat ko dito sa kama ko sa dorm naming Reapers.

"Sinabi ni Devin na kamukha ko ang Reyna, akala ko ba walang nakakaalam ng mukha niya? maski nga si Headmaster hindi alam ang itsura ng Reyna eh! bakit ganun!?"- saad ko pa ulit sabay sandal ko naman sa headboard ng kama.

"Tss.. tanga kaba Ice? kababata nga niya diba? at mahal niya yun! malamang di niya kinalimutan itsura nun. Pero paanong kamukha ko ang Reyna? may mga ganun ba? kahit di magkaano-ano pwedeng maging magkamukha? Argh! Ewan! bakit ba ko ginagambala nito!?"- banas kong sabi sabay subsob ko ng mukha ko sa unan.

"Ash, ngayon ko lang nalaman. May sakit palang kabaliwan si Ice."- rinig kong saad ni Ylana.

"Gaga! ngayon lang yan nagkasakit. Di na yata kinaya yung pananatili natin dito."- rinig ko namang saad ni Ashlie.

Agad naman akong nag-angat ng ulo at tinignan sila.

"Tch! hindi nakakatawa."- banas kong sabi.

"We're not joking."- saad ni Ashlie na tila seryoso ang itsura.

Binato ko naman sa kanila yung unan ko.

"Tigilan niyo ko at baka kayo ang pagtuunan ko nang pagkabanas ko."- banas kong sabi.

Nataranta naman sila at agad naglakad palabas ng silid ko.

"Sabi nga namin eh, aalis na kami."- saad ni Ylana sabay tulak niya kay Ashlie.

"Sige kausapin mo ulit sarili mo."- saad naman ni Ashlie at pagkatapos ay lumabas na sila ng tuluyan ni Ylana.

Napailing naman ako.

Mga sira-ulo talaga.

Ilang sandali lang, si Grey naman ang pumasok sa silid ko.

"Ice."- tawag niya.

"Tss.. ano?"- saad ko.

"Tawag ka ng Ate mo, nandyan siya sa labas ayaw pumasok eh."- saad ni Grey.

Agad naman akong tumayo.

"Sige, salamat sa pagsabi."- saad ko sabay lakad ko palabas.

Paglabas ko, agad kong nakita si Ate Rei.

"Ate, 'bat di kana lang pumasok sa loob?"- saad ko.

Tumingin naman siya sakin, at ang itsura niya.. napakaseryoso.

"M- may problema ba?"- tanong ko.

Shit! 'bat ako kinakabahan?

"Mamaya umuwi kayo ng maaga, bago mag-alas otso kailangan nasa loob na kayo ng dorm niyo at kahit anong mangyari.. kahit anong marinig niyo.. wag kayong lalabas."- seryosong saad sakin ni Ate.

Naguluhan naman ako.

"B- bakit? anong meron?"- saad ko.

Hinawakan naman ni Ate Rei ang kamay ko.

"Basta! malalaman mo rin yun mamaya sa mga maririnig mo mula sa labas ng Dorm niyo. Pero kung ano mang marinig mo, wag na wag kang lalabas sa dorm niyo. Makinig ka sakin Ice, wag mo kong susuwayin."- seryosong saad ni Ate Rei.

Napalunok naman ako.

Shit! ano ba kasi yun? naguguluhan ako!

"S- sige.. s- susundin kita."- saad ko kahit gulong-gulo ako.

Ngumiti naman si Ate Rei at pagkatapos ay binitawan na niya ang mga kamay ko.

"Mabuti kung ganun."- saad ni Ate sabay buntonghininga niya.

Dark Island Academy 1Where stories live. Discover now