Chapter 6: Bloody Welcome

15.3K 510 18
                                    

Ashlie P.O.V

"Ngayon na."- saad ni Ice.

Naging seryoso naman ang mga mukha naming lahat.

"Ngayon na ang simula ng laro, kailangan nating magpakaalerto sapagkat hindi natin alam kung anong ipalalaro satin. Isa pa, walang hihiwalay."- saad ni Ice sabay paikot niya sa sandata niya na binigyan pa niya ng pangalan.

Red, yan ang pangalan ng sandata ni Ice.

Si Red ay isang metal na kasing haba lamang ng ballpen ngunit kasing taba ng isang tubo ng tubig, Mayroon itong tatlong pindutan sa gilid. Ang unang buton ay para sa patalim, kapag pinindot mo ang unang buton ay may lilitaw na patalim sa tuktok ng metal na ito. Ang pangalawang buton naman ay para sa kuryente, kapag ito naman ang pinindot mo ay may lalabas na mapayat at manipis na tila latigo na kasing haba lamang ng sinturon ng isang bata. Nagpo-produce ito ng kuryente na sapat para ma-paralyze ka at ang pangatlong buton naman ay para sa paghaba nito. Oras na pindutin mo iyon, hahaba ang metal, magiging kasing haba nito ang isang arnis.

"Naiintindihan niyo ba ko?"- saad ni Ice sabay tingin niya samin.

Ngumiti naman kaming tatlo nila Ylana at Grey.

Hindi man halata kay Ice dahil sa itsura at pangangatawan niya, Si Ice.. isa syang nakakatakot na tao. Isang taong magaling makipaglaban, magaling mag-isip at mautak. isa rin siyang mapagmahal na tao at maalaga. Mabait si Ice, mabait na masama kung magalit.

"Naiintindihan namin."- saad ni Grey sabay suot niya sa sandata niya na kung tawagin niya ay Gold.

Si Gold ay isang baril na singsing. Si Grey ay magaling sa combat, tulad ko.

"Guys, sa totoo lang wala ako sa mood na pumatay. Pwede bang patulugin ko lang sila?"- saad ni Ylana na may hawak ng katulad kay Ice.

Isa rin itong metal na kasing haba ng ballpen ngunit kasing taba ng tubo ng tubig ngunit iba ang kakayahan ng kay Ylana. Isa lang ang kaya nito, oras na pindutin mo ang nag-iisang buton sa ilalim nito ay may lalabas na patalim dito na kasing haba lamang ng isang ruler.

Silver ang tawag ni Ylana dito dahil narin sa kulay nito.

Tulad ng kay Ylana, ganun din ang akin. Ang pinagkaiba lang ay kung sa kanya Silver ang pangalan at kulay, ang sa akin naman ay Pink.

"Nakadepende yan sa Headmaster, kapag sinabi niyang pumatay edi papatay tayo."- saad ko.

Ngumiwi naman si Ylana.

"Tss... hindi ko pa nararanasang pumatay pero para mabuhay ako, sige gagawin ko."- saad ni Ylana sabay tayo niya ng maayos.

"Hindi paba tayo papasok?"- saad niya.

Tumayo naman si Ice.

"Pumasok na tayo, basta yung sinabi ko kanina wag niyong kalilimutan."- saad ni Ice.

Nagsitanguan naman kami at pagkatapos ay lumabas na kami ng dorm namin at naglakad papunta sa building ng school.

Pagkatapak na pagkatapak namin sa building ng school, isang mabigat na aura agad ang sumalubong samin.

"Masyadong intense."- mahinang saad ni Grey.

"Anong oras na?"- tanong ni Ice.

"20 minutes bago mag-start ang klase."- sagot ni Grey.

"Nagugutom ako"- nakangusong saad ni Ice.

Napapoker face naman ako.

Sinabi kong nakakatakot siya hindi ba? Nakalimutan kong sabihin, may pagka-isip bata rin siya.

Dark Island Academy 1Where stories live. Discover now