Chapter 56: The Truth

9.2K 326 9
                                    

Devin Pov~

"Ice."- tawag ko kay Ice na nakaupo sa isang Bench dito sa rooftop ng mall.

Agad naman nya kong tinignan ngunit...... Wala syang emosyon.

Nilapitan ko naman sya at tinabihan.

"Tell me first kung ano ang dapat mong sabihin, bago ko sabihin sayo ang akin."- saad nya.

Tinignan ko naman sya at pagkatapos ay bumuntong hininga ako.

"Okay."- saad ko sabay tingin ko sa kawalan.

"Nalaman ko na ang Daddy ko ang may sala kung bakit nawala ang ala-ala mo."- saad ko.

Naramdaman ko namang tumingin sya sakin.

"H- hindi mo alam?"- saad nya.

Tinignan ko naman sya.

"Hindi, nung araw na umuwi tayo doon ko lang nalaman. Nitong isang araw lang, At....... nagalit ako sa Daddy ko."- saad ko sabay tingin ko ulit sa kawalan.

"10 years ago, nabangga ka nya. At tinakasan......"- saad ko sabay yuko at tingin ko ulit sa kanya.

"Pero Ice aksidente lang yun, hindi sinasadya ni Daddy na mabangga ka. Isa pa, hindi nya alam na ikaw yun..... Kaya nya tinakasan ang nagawa nya dahil pinangunahan sya ng takot. Yun lang yun....... Sana Ice, mapatawad mo sya. Hinihingi ng Daddy ko ang kapatawaran mo sa nagawa nya. Hindi nya ginusto yun, aksidente lang ang lahat."- saad ko.

Halata naman ang gulat at pagkagulo sa mukha nya.

"P- pero..... Bakit sabi nila Mommy Rica, Sinadya ng Daddy mo yun. Na ginawa nya yun dahil gusto nya kong patayin sapagkat kakampi sya ng Headmaster!"- saad ni Ice na ikinataka ko.

Dark Island Academy 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon